Chapter Sixteen

1K 30 2
                                    

VICE

"Paki-dalian Manong. May kasama pa kasi ako." Sabi ko sa kabilang linya. Narinig ko naman ang paninigurado ni Manong na sa loob ng 30 minutes ay makakarating na siya. Gusto ko sanang mas mapabilis pa pero wala na akong magagawa dahil traffic. Binaba ko ang tawag at tinitigan ito ng ilang segundo. Napabuntong hininga ako.

Okay. Kaya ko 'to. 30 minutes lang naman ang aantayin namin. I just had to stay away and ignore her. Tumango ako sa sarili kong plano. I rub my hands on my arms when I felt the breeze of the night. I look back inside my car. Sakto namang nag-angat ng tingin si Jackie. Our eyes met. I guess I need to avoid looking at her also. Bumalik ako sa kotse at binuksan ang pinto.

"Makakarating ang sundo natin in 30 minutes." Sabi ko ng hindi tumitingin sakanya. Kinuha ko ang jacket ko at sinara rin ang pinto. Sinuot ko ang jacket at naglakad palayo sa kotse. Narinig kong bumukas ang pinto ng kotse. I let out a frustrated breath. Bakit kailangan niya pang lumabas.

"Vice you don't have to stay here. Malamig tsaka maraming lamok." I heard her soft voice behind me.

"I'm fine. Get back inside Jackie." Sabi ko at humalukipkip. Narinig kong bumuntong hininga siya. Sumunod ay ang katahimikan. Ang tanging naririnig ko lang ay ang tunog ng mga busina ng kotse sa malayo at huni ng mga insekto sa paligid. Akala ko bumalik na siya sa kotse pero narinig ko siyang muling nagsalita sa likuran ko. Narinig ko ang nanginginig niyang boses.

"A-Alam ko galit ka—" Mabilis akong humarap sakanya para pigilan siya sa sasabihin niya. I run my fingers through my hair, frustratedly.

"For Pete's sake Jackie please huwag mo na namang gawin itong tungkol sa nangyari noon. Sinabi ko na ngang okay na tayo diba?" Nakakunot ang noo na sabi ko sakanya. Kailangan bang i-bring up na naman ang nagyari? Pinipilit ko na ngang kalimutan pero bakit pinapaalala niya sa lahat ng pagkakataon? Nakita kong nanginig ang baba niya. She even bit her lower lip.

"K-Kung okay n-na tayo bakit iniiwasan m-mo ako?" Malikot ang mata niya na parang may pinipigilan siyang lumabas mula dito.

"Oo sinabi ko okay na tayo pero hindi naman pwede na bumalik tayo sa dati Jackie." I gave her the truth. Pinanood ko kung paanong tumulo ang isang luha sa mata niya. Mabilis niya itong pinunasan.

"Kaya please huwag na nating pag-usapan yung nangyari." I said in a much lower voice. I can almost hear the pleading in my own voice.

"You still didn't forgive me." It was a statement. I look away from her.

"Sabi mo okay na tayo pero nakikita ko sa mata mo na hindi mo pa rin ako napapatawad." Pagpapatuloy niya.

"Stop." I said in a stern voice.

"I just want you to know how sorry I am Vice." Narinig ko ang paghikbi niya. Hindi ko siya tiningnan.

"Just stop." Ulit ko. Ayaw na ayaw kong naririnig siyang umiiyak.

"H-Hindi ko naman ginusto na masaktan ka. Alam k-ko...Alam ko hindi ko—"

That was my last straw. I snap. I turn my head at her harshly.

"I said stop!" My voice boomed in the quiet night. Jackie jump in surprise. Her eyes widen. She stares at me, looking stunned.

"'Yan ba talaga ang gusto mo Jackie? Ang ipaalala sa akin lagi iyong gabing' yon?'' My voice is hard and my mood turning grim. Parang may bumukas na gate at lumabas na lahat.

"Kung paano ako nasaktan? Kung paano ako nagmakaawa sayo? Gusto mo ba talagang iulit ulit sa akin kung paano mo siya pinili kesa sa akin? Ganun ba Jackie?" My voice is frantic now. My hands moving wildly in front of me while talking. I'm breathing hard and I can feel my heart pounding crazily inside my chest. It's almost hard to breath. Hindi ko pinansin ang pagluha niya. I was too mad to care.

"Sige! Para sa ikatatahimik mo! Oo Jackie hindi pa kita napapatawad. Sa tingin mo ba madali? Ganun ganun na lang? You'll say sorry and then everything will be back to normal? Well sorry to burst your bubble but that is not how it works! Pinipilit kong kalimutan Jackie pero bakit paulit ulit mong pinapaalala?" Hirap na hirap na sabi ko. Hikbi na siya ng hikbi sa harapan ko. Parang gusto ko tuloy siyang sabayan sa pag-iyak niya. I'm showing her what I truly feel now. I'm stripping bare of my emotions. My walls are starting to crumble. I guess this is what Jackie's good at. Making me look and sound pathetic and vulnerable.

"Gusto kitang patawarin. Gusto kong kalimutan ang nangyari. Gusto kong maging okay tayo pero paano ko magagawa yun kung sa bawat pagkakataon na nagkakaharap tayo naalala ko iyong gabing 'yon? Kapag naririnig ko yung boses at ang sorry mo bumabalik sa akin ang mga salitang binitawan mo noong huli? Sa tuwing nakikita kita Jackie..." I suck in a breath, the side of my eyes heating.

"Isa kang suntok sa akin sa katotohanan na walang kayang magmahal sa akin. N-Na lahat ng m-minamahal ko hindi ako kayang mahalin pabalik." I whispered in a small voice. Naramdaman ko ang pagtulo ng isang luha sa pisngi ko. Hinang hina ako. Once again, I'm miserable in front of her.

Pareho na kaming umiiyak ngayon. Nakita kong napailing iling si Jackie. Humakbang siya papalapit sa akin. Ikinulong niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Umiwas ako ng tingin. She cupped my faces harder and made me look at her. She started wiping the tears that's falling on my cheeks.

"I'm sorry." She sobbed, her voice broken.

"I'm sorry I hurt you. I'm sorry I can't take away the pain. I'm so sorry Vice." Lumakas ang iyak niya. She's bawling now. Eventhough my heart is in its own pain, I can't help but to feel the sting in my heart when I saw her cry.

I lift my hand and pull her towards me. She come willingly and I felt her buried her face on the crook of my neck. I caress the back of her head, sushing her. Her whole body is shaking. Naramdaman kong basang basa na ang gilid ng leeg ko dahil sa luha niya. She move away and crane her neck to look at me in the eyes. Matagal niya akong tinitigan. And in a small voice, she whisper the words,

"I think I'm inlove with you Vice." She sob. My hand froze and my breathing stop. Parang tumigil ang lahat ng marinig ko ang sinabi niya. Unti unting umiling ang ulo ko. I start to step back. Am I hearing things? Did I just hear Jackie telling me that she's feeling something for me? Maybe I don't heard her right. Or maybe this is all a dream. Parang nabasa niya naman ang iniisip ko.

"Totoo iyon Vice. I'm falling for you."

Lumayo ako ng tuluyan sakanya. Again, I shook my head. I don't believe her. Bakit...B-Bakit ngayon..Paano..No. She's just telling me para mabawasan iyong sakit. Pinunasan ko ang luha ko at umiling sakanya.

"No. You're just telling me that to make me feel better. You don't have to Jackie." Sabi ko sakanya. Halos hindi ko na makilala ang boses ko. It lacks emotion. Para namang mas naiyak siya sa sinabi ko. Sinubukan niyang lumapit pero tinaas ko ang kamay ko para pahintuin siya. She stop her attempt.

"No Vice. I'm telling you what I really feel. I broke up with Tom because I don't feel anything for him anymore." Umiiyak na paliwanag niya. Naalala ko ang itsura ni Tom kanina ng makita ko siya. Kaya ba mukha siyang pinagbagsakan ng langit at lupa? Kasi nakipag-hiwalay na si Jackie sakanya?

"J-Jackie..I don't..." Umatras ako. I grab a fistful of my hair and pull on it.

"I know it's hard to believe. A-Ako rin Vice. Naguguluhan ako at natatakot sa nararamdaman ko. But it's the truth Vice."

No. I'm doing okay now. Why did she have to tell me that? Gusto niya ba talagang masaktan na naman ako? I don't know what to feel. Bakit ngayon lang?

Flashes of that night came to my mind. Me, pouring my heart out on her. Me, getting on my knees. Begging for her to choose me. Parang bumalik ang sakit na naramdaman ko ng gabing iyon. I can feel my heart splitting into two. Napahawak ako sa dibdib ko. I don't think I can survive another heartbreak from Jackie. She wreck me last time. Halos hindi ko kayanin iyon. Kapag sinaktan pa ako ni Jackie ngayon, alam kong hindi ko na talaga kakayanin.

"I n-need to t-think." I stammer and took a step back. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Napahilamos ako sa mukha ko. I need to get away. Far away from her.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now