JACKIE
"Eh parang konti na lang matatanggal na 'yang ngipin mo ah." Sabi ni kuya Vhong na naging dahilan ng tawanan mula sa madlang pipol.
"Ay hindi po. Malakas po kapit niyan. Hindi 'yan basta basta bibitaw." Sabi naman pabalik ng contestant. Napuno ng tawanan ang studio. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na mabilang kung pang ilang beses na iyon.
"Jackie." I blink twice when Ate Mandy's voice registered in my mind. Napalingon ako sa tabi ko. Nakalimutan ko na nasa tabi ko pala siya. Nakatitig lang kasi ako sa kawalan habang nag iisip ng malalim.
"Kanina pa kita kinakausap hindi ka namamansin." Sambit niya. Halata ang pag-aalala sa mukha niya.
"Sorry ate may iniisip lang. Ano yun?" Tanong ko sakanya. I heard her sigh.
"Lagi ka na lang natutulala. May problema ba? You can tell me." Nag-aalala na sabi niya. Napailing ako ng ulo kay Ate Mandy.
"Wala ito ate. Pagod lang." Pagdadahilan ko sakanya. Muli akong napatingin sa nangyayari sa harapan namin. Nagbanggit ng joke si Kuya Vhong at nagtawanan naman ang mga audience. Hindi ko nagawang sumabay sa tawa nila.
"Ramdam mo rin ba?" Ibinaling kong muli ang atensyon ko kay Ate Mandy ng magsalita siya. Bago pa ako makasagot ay itinuloy niya na ang sinasabi niya.
"This certain sadness in the studio since Vice left?" Napasinghap ako ng marinig ang pangalan niya. It's been five months since he filed a leave. Walang nakakaalam kung hanggang kailan siya mawawala o kung babalik pa siya. Wala ring nakakalam kung saan siya nagpunta. Naramdaman ko ang lungkot sa puso ko ng maalala siya. Kamusta na kaya siya? I missed him. Everybody does.
"Kahit na kaya namang dalhin ni Vhong ang It's Showtime, may kulang pa rin. It will never be the same without him. I wondered kung nasaan siya. O kung babalik pa ba siya."
Ang sa akin lang naman, sana okay lang siya kung nasaan man siya. Ayokong balikan ang mga nangyari bago siya umalis. Kapag iniisip ko kasi iyon, naalala ko kung paano ko siya nasaktan. Ako ang dahilan kung bakit siya umalis.
My heart constricted inside my chest with that thought. Naramdaman kong uminit ang gilid ng mata ko. No. Don't cry Jackie. Stop it. Nakontrol mo na nga eh kaya dapat hindi ka na iiyak ngayon kapag naiiisip siya. Conceal it. Humugot ako ng malalim na hininga bago ito ibuga.
"Okay tawagin na natin ang magbibigay sa'yo ng tanong. Jackie lika na." Tiningnan ako ni ate Anne kaya tumayo naman ako kaagad at naglakad palapit sakanila. She was smiling warmly at me. Narinig ko ang ingay ng mga madlang pipol na nagtatawag sa pangalan ko. Katulad ng ginagawa ko these past few months, ngumiti ako ng pilit sa kanila. I already mastered flashing it dahil araw araw ko iyong ginagawa. Sana nga lang ay hindi napapansin ng mga tao na peke iyon.
"Hi Jackie." Bati sa akin ni Ate Anne. Nilapitan niya ako dahil hindi man lang ako tinapunan ng tingin ni Kuya Vhong. Ang lamig ng pagtrato sa akin ni kuya Vhong simula ng umalis si Vice. Hindi ko alam kung sinabi ni Vice sakanya ang nangyari or he just figured it out. Hindi ko naman siya masisisi. Siguro kung alam rin ni Ate Anne na ako ang dahilan ng pag-alis ni Vice, hindi niya rin ako papansinin. Gusto kong humingi ng sorry kay kuya Vhong pero lagi akong inuunahan ng hiya.
"Hi ate Anne." I smile a bit at her.
"Kamusta ka? Alam mo miss na miss na namin si Viceral pero I'm sure ikaw ang pinaka-nagungulila sakanya. May gusto ka bang sabihin baka nanonood yun." Sabi ni Ate Anne sabay gesture sa camera. Parang may humalukay naman sa tiyan ko ng marinig ang pangalan niya.
"Sige na. Go." Pagpush ni ate Anne sabay bigay ng mic niya sa akin. Nanginginig ang kamay na kinuha ko ito mula sakanya. Tumingin ako sa camera. Tahimik ang lahat sa studio at lahat ay nag-aabang ng sasabihin ko.
"H-Hi." I mumbled. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mabanggit ang pangalan niya simula nung umalis siya. Araw araw naman akong tinatanong nila ate Anne kung anong gusto kong sabihin sakanya pero iniiwasan kong sabihin ang pangalan niya. I think it will only trigger my emotions I'm trying to contain. Everytime I hear his name, I can't stop myself from feeling sad. Looking at the camera, I imagine that I am looking directly at his pair of expressive eyes. I took a deep breath to contain my tears.
"K-Kumusta ka na? Sa..Sana okay ka lang k-kung nasaan ka man." I stuttered, my voice shaking.
"I...I m-missed you." Dagdag ko ng pabulong. Pumikit pikit ako ng ilang beses para pigilan ang pagpatak ng luha ko. Ngumiti ako kay ate Anne at ibinalik sakanya ang mic. I saw ate Anne wiping the tear that fell down her eyes.
"Aww. We all miss you Sis. Balik ka na uy." Tumawa si ate Anne sa huli pero rinig ko ang lungkot sa boses niya.
"Oh sige magtanungan na tayo." Singit ni kuya Vhong bago pa tuluyang mag-iyakan ang lahat.
Matapos ang segment ay dumiretso ako sa dressing room namin para magpalit. Ayaw ko kasi na nagtatagal sa studio. His memories are everywhere. Maglakad lang ako sa hallway, naaalala ko siya. Kapag sumasakay ako sa elevator siya pa rin ang sumasagi sa isip ko. Kapag mapapadaan ako sa dressing room niya, napapatigil ako sa paglalakad at mapapatitig sa pinto. Minsan iniisip ko na lang na nasa loob lang siya ng dressing room niya para hindi ko siya masyadong mamiss.
Tinapos ko ang pag-aayos ng gamit ko bago lumabas ng dressing room. Wala na kasi akong prod pero ang iba kong kasama ay magpeperform pa mamaya dahil may bisitang artista. Gusto ko ng umuwi at magmukmok muna doon sa condo ko bago kami lumabas mamaya nila Ate Mandy. Buti na lang din wala kaming rehearsal. Paglabas ko ng dressing room ay sinara ko ang pinto. Napatigil ako ng makita si Tom na nag-aabang sa labas. He smiled at me.
"Hey, babe. Ready to go?" Nakalimutan ko na sabay nga pala kaming uuwi ngayon. Ngumiti ako sakanya ng bahagya at tumango. Kinuha niya ang bag ko at inakbayan ako.
Pagkasakay sa kotse niya ay tahimik akong tumitig sa labas ng bintana. There's a soft music playing on his stereo and that's the only sound inside his car.
"Wanna eat? Nagugutom ako." Sabi bigla ni Tom sa tabi ko. Hindi ako kumibo.
"Jackie." Napalingon ako sakanya ng marinig ang seryoso niyang boses.
"H-Ha?"
I heard him sigh. His jaw clenched and his grip on the steering wheel tightened.
"I said do you wanna eat?" He said in a controlled voice. Umiling ako.
"Hindi na. Lalabas kami mamaya nila Ate Mandy. I will reserve it later na lang." Sabi ko sakanya. Lumingon siya sa akin ng saglit bago lumingon pabalik sa harapan.
"At wala kang balak sabihin yun sa akin?" Kunot ang noo na tanong niya.
"I am telling it to you now."
"No. Kasi ang dating hindi mo pa sasabihin kung hindi ako mag-aaya." There's an annoyed tone in his voice.
"It's not a big deal." I sigh. I'm sick of this scenerio. It's like its always happening every time we're together.
"Ofcourse it is! I'm your boyfriend so you have an obligation to tell me all your plans!"
"Okay. I'm sorry." Pagod na sabi ko. Ayoko ng palakihin ang away kaya hindi ko na siya sinabayan. Naging tahimik kami ng ilang segundo. Maya maya ay siya rin ang bumasag sa katahimikan.
"I'm going with you."
I turned my head towards him abruptly.
"You can't." Muli ay lumalim ang kunot ng noo niya.
"Why the hell not?"
"Because it's girls night out. You're not allowed."
"I don't care. I'm going with you."
"Pwede ba Tom. Kahit ngayon lang stop being immature." I said, releasing an exhausted sigh.
Mabuti na lang at hindi na siya nakipagtalo. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Hanggang 11 ka lang."
A sigh escape my lips. Napailing na lang ako at muling tumitig sa labas ng sasakyan.