Epilogue

1K 25 13
                                    

She left. After we made love countless times that day, I woke up without her by my side. She left me with a letter and the memories of what happened that night. Iyong sulat na iyon ay kasalukuyan kong hawak. Tinitigan ko ito at hinaplos. It's been 8 months since she left. Walang araw na hindi ko siya naiisip at namimiss. Wala akong balita sakanya kung nasaan man siya o kung okay lang siya. I hope she's okay. Kahit na mahirap para sa akin na tanggapin ang pag-alis niya ay wala naman akong magagawa. I understand her. And all I could do now is wait for her.

Ang tanging pinanghahawakan ko na lang ngayon ay ang iniwan niyang sulat. Unti unti ko itong binuksan. Medyo crumpled na ito dahil ilang beses ko na rin itong binasa. Sa labas nito ay may nakasulat na: To my Vice. Napangiti ako ng makita ang sulat kamay niya.

Dear Vice ko,

I'm sorry. Sana mapatawad mo ako sa gagawin ko. By the time na mabasa mo ito ay nakalayo na ako. Hindi ko gustong iwan ka at lumayo pero kailangan ko itong gawin Vice. Masyado nang mabigat ang dinadamdam ko. Hindi ko kayang magpanggap na okay lang ang lahat lalo na kung hindi naman. I can't keep being with you while pretending that everything's fine. I'm lost. The guilt is eating me. Kahit sabihin mong wala naman akong kasalanan, I can't help but to feel that I'm at fault. Lagi na lang kitang sinasaktan. Lagi ka na lang napapahamak dahil sa akin. Every day that I spent with you, I can't stop myself from hating myself more because how can I be with you when all I ever did was hurt you? I know you said you already forgave me but I still haven't forgiven myself Vice. I have to leave and forgive myself first. Please give me time. Alam ko ayaw mong gumagawa ako ng sarili kong desisyon pero sana hayaan mo ako ngayon. I hope you understand. My heart will always belong to you my love. Wait for me, please? I love you. Ikaw lang.


Yours always,
JACKIE

Bumuntong hininga ako ng matapos basahin ang sulat. Gusto kong magalit sakanya dahil nag desisyon na naman siya para sa amin pero hindi ko naman pwedeng balewalain ang nararamdaman niya. Siguro nga ay talagang nahihirapan siya. Simula ng bumalik ako mula sa ospital ay lagi ko na lang siyang nahuhuling umiiyak. Nakangiti nga siya pero iba ang sinasabi ng mata niya. Para bang may mabigat siyang dinadala. Napapansin ko iyon pero hinintay kong siya ang unang lumapit at mag-open up sa akin. Hindi ko naman inexpect na ang naisip niyang solusyon ay ang lumayo. Naiintindihan ko na iyon ngayon. We have to be apart and grow individually. Sana kapag bumalik na siya sa akin ay okay na siya at pwede na kaming magsimula ng panibago. I want her to take her time but I'm missing her so much I'm tempted to ask my PI to find her but I stop myself. I want to respect her decision. Wala akong karapatan na kwestyunin ang nararamdaman niya dahil wala naman ako sa pwesto niya. I trust her and I know she'll come back to me. Hihintayin kita Jackie ko.

"Sorry late ako." Tiningnan ko ang bagong dating. Umupo siya sa tapat ko at tiningnan ako. Mukhang kagagaling niya lang sa pagtakbo.

"Hindi na nakakagulat."

"Sorry ah. May trabaho kasi ako hindi katulad mo." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang hehe." Sabi niya agad at nag peace sign. I rolled my eyes at him.

"Mag order ka na nga lang." Sabi ko sakanya. Tinawag niya naman ang waiter at sinabi ang order niya. Nanag makaalis ang waiter ay narinig kong bumuntong hininga siya. Tiningnan ko siya at nakita ko ang stress na itsura niya.

"You looked stressed." Sinamaan niya ako ng tingin sa naging komento ko.

"Nagulat ka pa? Eh alam mo naman kung bakit. Tangina ka kasi paalis alis ka tuloy feeling ko nakasalalay sa akin lahat ang kasiyahan ng madlang people." I chuckled as I heard his rants. Halos every time naman na nagkikita kami ay hindi niya kinakaligtaan na sabihin sa akin ang sama ng loob niya sa desisyon kong umalis sa Showtime. Matagal ko na rin namang gustong gawin iyon. Ngayon ko nga lang nagawa. Syempre nung una ayaw ni Direk pero nirespeto niya ang desisyon ko.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now