Chapter Eight

914 21 4
                                    

VICE

Nasa harap ko si Ate Pats habang nakasunod naman sila Macey at Dianne sa likuran ko. Nag-uusap si Macey at Dianne habang si Ate Pats naman ay tahimik na naglalakad sa harapan. My attention is on my phone. I'm browsing through my newsfeed and looking for some gossip.

Nang marating namin ang labas ay binuksan kaagad ni Manong Roger ang van. Naunang pumasok si Ate Pats sa may shotgun seat. I settled on the seat and I leaned my back comfortably. I heard the engine roared to life. Nagsimulang umabante ang sasakyan.

"Wait Manong."

Nag-angat naman ako ng tingin dahil sa biglaang pagsalita ni Ate Pats. Tiningnan ko siya at napansin na nakatingin siya sa labas. Binaba niya ang bintana. Sinundan ko ang tinitingnan niya. Nagulat ako ng makita si Jackie sa labas ng building. She's typing furiously on her phone. What is she still doing here?

"Jackie!" Sigaw ni Ate Pats para kunin ang atensyon niya. Jackie look in our direction and her eyes widen in surprise.

"Ano pang ginagawa mo dito? Nasaan ang mga kasama mo?" Ate Pats ask the question I want her to answer also. Nakita kong tumingin si Jackie sa direksyon ko pero hindi niya naman ako nakikita mula sa labas dahil tinted ang window. Siguro alam niyang nasa loob ako. Malamang van ko ito eh.

"Nauna na po sila Ate Pats. Susunod na lang ako." Sagot ni Jackie. I don't like where their conversation are going. Alam ko na kasi kung anong susunod na mangyayari.

"Pupunta ka na ba?" Muling tanong ni Ate Pats. Tumango si Jackie.

"Sumabay ka na sa amin."

I sigh. Sabi na eh. Tumingin ulit si Jackie sa likod bago ibinalik ang tingin kay Ate Pats.

"Hindi na po Ate. Magtataxi na lang ako."

Tsk. Ayan na naman siya. Umaayaw kapag pinapasabay. I almost rolled my eyes. Mabuti na rin siguro na hindi siya sasabay. I think it's not a good idea. Baka magalit pa si Tom. Ayoko ng maging dahilan ulit ng pag-aaway nila.

"Ano ka ba. Halika na. Hassle pa iyon para sa'yo. Tsaka alam kong gusto rin ni Vice na sumabay ka na sa amin. Diba Vice?"

Nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako nadamay? Tiningnan ako ni Ate Pats tapos tumungin din ulit kaagad kay Jackie.

"Oh. Oo daw."

What the. Wala pa nga akong sinabi! Magsasalita pa sana ako pero nakita kong nagdalawang isip si Jackie kung tatanggapin niya yung offer o hindi. I think Ate Pats grew tired in waiting so she opened the door and stride towards Jackie. Hinila niya si Jackie kaya wala na siyang nagawa. Binuksan niya ang pintuan sa gilid namin. Nagtama ang mga mata namin ni Jackie. Umiwas naman ako kaagad.

"Dianne lipat ka sa likod." Rinig kong utos ni Ate Pats. Napalingon ako kaagad sakanya. My eyes widen. Hinawakan ko ang braso ni Dianne bago pa siya makatayo. I panicked.

"I need my PA beside me." I said to Ate Pats. Tinaasan niya ako ng kilay.

"And why is that? Ni hindi mo nga siya pinapansin. Tsaka ang tagal niyong hindi nagkita ni Jackie. I'm sure you missed each other. O baka naman may problema ka na katabi mo si Jackie?" Sabi ni Ate Pats. She's watching me intently. Na parang binabasa niya ang reaksyon ko. I mask my emotions before I cleared my throat. I look at her casually.

"B-bakit naman ako magkakaproblema." Depensa ko. She smiled.

"Iyon naman pala eh. Dianne lipat. Go Jackie pasok ka na."

Tumingin ako sa harap at umayos ng upo. Naramdaman kong umupo si Jackie sa tabi ko. I felt her arms brush against mine. Napapikit ako lalo na nung maamoy ko ang pabango niya. I took a deep breath. It's okay. Ilang minuto lang naman ang byahe. I can ignore her or I can pretend to nap. Tiningnan ko na lang ang phone ko at inabala ang sarili doon.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now