Chapter Six

959 22 3
                                    

JACKIE

I look at their direction. Napatigil ako sa pagsasayaw ng makita na wala na siya doon. Where did he go? Tiningnan ko si Tom.

"Pupunta lang akong restroom."

"What?!" Sigaw ni Tom sa akin dahil siguro hindi niya naintindihan ang sinabi ko. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.

"Sabi ko pupunta lang akong restroom." Nilakasan ko ang boses ko para mas marinig niya. Ang lakas kasi ng tugtog sa club. Lumayo ako matapos iyon sabihin sakanya.

"Do you want me to come with you?" Tanong niya. I rolled my eyes.

"Hindi na. I can handle myself." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya. Tumalikod ako at naglakad palayo sakanya. Iginala ko ang tingin ko sa paligid. Siguro nag cr siya. I really need to talk to him. I can't let another minute pass without talking and apologizing to him. Pumunta muna akong ladies room para ayusin ang sarili ko. Mabuti na lang at walang tao pagkarating ko doon. I locked the door and I stared at myself in the mirror.

Napabuntong hininga ako. Inayos ko ang buhok ko at muling tumitig sa sarili.

"Okay Jackie. Kaya mo 'yan. Kakausapin mo siya. You'll apologize and everything will be okay." Pagkausap ko sa sarili ko.

Pumasok sa isip ko ang nangyari kanina. I don't know what to feel regarding what happened awhile ago. Kinausap niya nga ako at ngitian pero may mali pa rin. May iba pa rin. Ibang iba.

He felt and sounded...cold.

Dapat hindi na ako nagulat. Ano bang inaasahan kong gagawin niya? Mapapatalon sa tuwa at yayakapin ako? You're stupid to think that Jackie. You hurt him and looking pleased to see you is the last thing he will do. Gusto kong umiyak pero wala namang lumalabas sa mata ko. Napagod na rin siguro ang mata ko kakaluha. O kaya yung puso ko ang gustong umiyak this time.

Nung sinabi sa akin ni Tom na pupunta kaming club dahil nag-aya si Vice, hindi ko alam ang una kong mararamdaman. Nagulat ako. Kinabahan. Natatakot akong makita siya at sa magiging reaksyon niya kapag nakita ako. Muntik na nga akong hindi sumama. Pinipilit ako ni Tom na pumunta. Sa pagkakatanda ko, pinagseselosan niya pa si Vice noon pero ngayon siya pa ang nagtutulak sa akin papalapit sakanya. Maybe he realized that it was a crazy act to be jealous of Vice.

Nanaig ang kagustuhan ko na makita si Vice kahit na halos mahimatay na ako sa sobrang kaba habang papunta sa club. I readied myself to his cold treatment towards me but it still didn't stop me from feeling hurt. Ang sakit palang maging awkward sa pagitan niyo ng dati mong kaibigan. Yung dating nagpapatawa sa'kin, ngayon wala ng pake. Yung dating itinuturing kong kaibigan, ngayon halos stranghero na.

Huminga ako ng malalim. Ang lamig ng pakikitungo niya kanina. Pero kahit na kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari, gusto ko na talaga siyang makausap. Gusto ko ng humingi ng tawad. Gusto ko ng maging okay kami. With that in thought, lumabas na ako ng restroom. Bumungad sa akin ang mga nakasimangot na mukha ng mga babae sa labas ng restroom. Humingi naman ako ng paumanhin dahil pinag-antay ko sila. They rolled their eyes at me before walking passed by me.

Hindi ko na sila pinagtuunan ng pansin. Tiningnan ko ang pwesto nila kanina pero hindi pa siya bumabalik. Naglakad ako palapit sa cr ng mga lalaki. Nag-antay ako sa labas. Lumipas ang limang minuto pero walang Vice na lumabas. Napaisip ako na baka naman pala hindi siya nag cr. Umalis ako at umakyat sa second floor kung saan kami nakapwesto. Nakaupo na doon si Tom pero wala si Vice. Nadismaya naman ako. Isa na lang ang pwede niyang puntahan. Bumuntong hininga ako at lumabas. I'm silently praying na makikita ko siya sa labas.

Naglakad lakad ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan siya hahanapin. Kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad. Nagprapractice rin ako kung anong sasabihin ko kapag nagkaharap na kami. I look up and I was startled to see him leaning on the side of a car. Napatigil ako sa paglalakad. Mas nagulat ako ng makita ang ginagawa niya. He's smoking. I never thought na naninigarilyo pala siya. Bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. Lalapitan ko na ba siya? Diba gusto ko siyang makausap? So bakit hindi ako makahakbang papunta sa kinaroroonan niya? Naramdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Inunahan ako ng kaba at takot. Looking at him, na realized ko na hindi ko pa kayang harapin siya. Shit. Tumalikod na ako bago pa niya ako makita.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now