Chapter Fourteen

910 25 0
                                    

JACKIE

"Jackie?" I heard someone said from afar. Natigilan ako sa pag-iyak. Pinunasan ko ang luha ko bago tumingin sa direksyon ng boses. I saw Kuya Vhong scowling at me. Nagpabalik balik ang tingin niya sa akin at sa pinuntahan ng lalaking kausap ko kanina. Pinigilan ko ang hikbi ko. Ayokong malaman niya na umiiyak ako. Lumapit si Kuya Vhong sa akin habang tinitingnan ng mabuti ang mukha ko.

"Okay ka lang? Sino 'yun? Sinaktan ka ba niya?" Narinig ko ang pag-aalala sa boses niya. Nakakuyom na rin ang mga kamao niya na parang handa siyang puntahan iyong lalaki kung sasabihin kong sinaktan nga niya ako. Alam kong galit pa rin si Kuya Vhong sa akin pero nandito siya, nag-aalala sa akin. Parang gusto kong mas umiyak. Ang laki rin ng kasalanan ko sakanya. I hurt his friend.  Umiling ako sakanya para hindi na siya mag-alala.

"Hindi Kuya. Kilala ko iyon. Nagkwento lang siya ng drama sa buhay niya." Pagdadahilan ko habang nananalangin sa isip ko na paniwalaan niya ito. Tumitig pa rin siya pero maya maya ay unti unti siyang tumango. Naging relax siya sa sagot ko.

"Ganun ba. Pumasok ka na. Huwag kang magpapaiwan mag-isa lalo na at gabi na." Bilin niya at tumalikod na. Mabilis akong tumayo at nagsalita.

"Kuya Vhong." I stop him. I've been wanting to talk to him too pero nauunahan ako ng takot at hiya. Pero sa tingin ko ito na ang tamang pagkakataon. Tumigil siya ngunit hindi na humarap sa akin. Nanatili siyang nakatalikod habang inaantay ang sasabihin ko.

"I'm sorry." Nag-unahang tumulo ang luha ko.

"Alam kong galit ka sa akin dahil sa ginawa ko. I'm sorry kung sinaktan ko siya Kuya Vhong." Patuloy ang pag-iyak ko. Humikbi ako na parang bata. Nakita kong bumagsak ang balikat ni Kuya Vhong bago siya humarap sa akin. I saw him took a deep breath before releasing it. I saw his face soften when he saw me crying. He took a tentative steps towards me. He stop when he's inches away from me.

"No Jackie. I'm sorry. Hindi naman kita pwedeng sisihin kung iyon talaga ang nararamdaman mo. I just..I'm pissed. Naiintindihan mo naman na ganoon ang mararamdaman ko dahil kaibigan ko si Vice at ayokong makita na nasasaktan siya diba?" Tumango tango ako sakanya. I know. They've been friends for years now and they're relationship is something deep like they're already brothers. He's just protective and I understand that.

"Pero malaki pa rin ang kasalanan ko Kuya Vhong. I hurt him." Umalog ang balikat ko dahil sa patuloy na pag-iyak ko. Tinawid ni Kuya Vhong ang distansya namin at hinapit ako para yakapin.

"Shh. It's not your fault that you don't feel anything for him. I'm sorry I didn't realize that sooner. I'm just blinded with the fact that I want to protect my friend who's like a brother to me. Stop crying."

Mas lalo naman akong naiyak sa sinabi niya.

"Huy tahan na. Lagot ako neto kay vice kapag nalaman niyang pinaiyak kita." He laugh nervously and I lightly chuckle. Humiwalay siya sa akin at pinunasan ang luha ko. Lumayo siya at umatras. Pinigilan kong huwag ng umiyak at pinunasan ang luha ko.

"We're good now, okay? Don't be too hard on yourself." He said softly. Tumango ako kahit hindi ko maipapangako kay Kuya Vhong na titigilan ko ng sisihin ang sarili ko.

Tiningnan ko si Kuya Vhong. Gusto kong sabihin sakanya ang problema ko. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya. My talk with the stranger awhile ago kinda help me open my eyes on some things but I still need Kuya Vhong's opinion. Alam ko matutulungan niya ako sa problema ko. Kakapalan ko na ang mukha ko dahil talagang desperado na ako.

"I need your help Kuya Vhong." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Kapag kuwan ay tumango siya.

"Ano yun Jackie?"

I look him in the eyes and mumble my secret.

"I think I'm falling for Vice."

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now