Chapter Nineteen

1K 33 6
                                    

JACKIE

"Sana lagi ka na lang may manliligaw Jackie para araw araw may pakain sa atin." Komento ni Chloe. Natawa naman ako sa sinabi niya. I heard Daphne moaned as she chew her food. Nakapikit pa siya habang ngumunguya.

"Shet this really tastes good. I can't agree more to Chloe." Sabi niya at bumaling sa akin.

"So may balak ka bang ishare sa amin kung sino itong manliligaw mo na napaka-generous masyado dahil pinakain kaming lahat?" Taas kilay na tanong ni Ate Mandy. Umiling ako at ngumiti lang.

"Hmm damot." Chloe pouted. Natawa na lang ako. I wonder what would be their reaction if I told them that Vice is my suitor. Napangisi ako sa naisip. I bet they'll be so shock. Kasi kahit ako nagugulat pa rin sa mga nangyayari. Alam na rin nila ang tungkol sa breakup namin ni Tom. Wala naman na akong choice kundi sabihin sakanila dahil nagtataka na sila kung bakit hindi na ako pinupuntahan ni Tom. Bakit ko pa itatago diba? Hindi naman sila nakialam at nirespeto nila kung ano man ang dahilan. Tapos nung nalaman nila na may manliligaw ako ay sabi nila hindi naman na daw nakakagulat dahil maganda raw ako. Sus.

"Pakisabi sa manliligaw mo dalasan ang panlilibre Jackie." Natawa ako sa sinabi ni kuya Patrick.

"Hay nako. Kumain na nga lang kayo." Sabi ko at nagfocus naman sa sarili kong pagkain. Tama si Daphne at Chloe. Masasarap nga ang pagkain. I don't know their names at ngayon lang ako nakatikim neto. They look and taste expensive. Kaya siguro ngayon ko lang natikman ito kasi hindi ko naman ma-aafford.

Napangiti ako ng maisip ang effort niya. Matapos ang panghaharana niya sa akin a month ago ay naging totoo si Vice sa gusto niyang gawin. Niligawan niya ako. Ginagawa at sinusubukan niyang gawin ang mga usual na ginagawa ng isang manliligaw. Magigising ako at unang bubungad sa umaga ko ay ang goodmorning texts niya. Hindi naman siya ang unang gumawa noon sa akin pero iba ang kilig na nararamdaman ko kapag galing na kay Vice. Tapos minsan hinahatid niya ako sa umaga at nagbrebreakfast kami sa labas. Alam ko namang hindi siya morning person pero nag-eeffort pa rin siya na magising ng maaga para maihatid lang ako. All his gestures makes me feel so special.

It still felt surreal to me. Ang isang Vice Ganda nanliligaw sa isang katulad ko na dancer lang. Minsan feeling ko nananaginip lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Kung panaginip lang ito, sana hindi na ako magising. It felt too good to be true. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito. Iniisip ko na magtext sakanya para magpasalamat pero I decided against it. Mas gusto kong pasalamatan siya sa personal. Halos maubos namin ang mga pagkain kung hindi lang time na para magtrabaho. Niligpit naman namin ang mga kalat bago kami lumabas sa dining area naming mga dancers at staffs.

Sabay kaming naglakad ni Ate Mandy sa hallway. Naramdaman kong kinawit niya ang braso niya sa akin.

"I'm getting more curious about this mysterious suitor of yours." Komento niya sa tabi ko. Tiningnan ko siya at nginitian.

"Ayaw mo talaga sabihin? Kahit sa akin?" Medyo nagtatampo na tanong niya.

"Hindi muna sa ngayon Ate." Sabi ko sakanya. Hindi pa namin napag-usapan ni Vice ang tungkol sa pag-amin sa kung anong meron sa amin pero alam kong hindi namin pwedeng sabihin dahil magiging malaking issue iyon. Knowing Vice, ayaw niya masyado ng pinapakialam ng press ang buhay niya. Kaya nga madalang lang siya magpa-interview.

I heard her sigh. "Okay I'll respect that. Just make sure na hindi iyan ang gago mong ex ah." Medyo natigilan ako sa sinabi ni Ate Mandy. Ang alam kasi ni Ate Mandy na dahilan ng breakup namin ni Tom ay iyong nahuli ko siyang kasama si Zoey. Iyon din ang alam ni Tom na dahilan. Naalala ko iyong last na pag-uusap namin. He promised and assured me na hindi na niya uulitin ang pagsisinungaling at pakikipagkita kay Zoey. He explained that nothing more happened except they talked. It doesn't matter what the real reason anyway because what I felt when I saw them made me realize things. It was a proof of what I really feel for Tom that night. Hindi ko na siya mahal.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now