Chapter Three

1K 20 2
                                    

VICE

"People are shocked and sad when they learned that you suddenly disappeared. We are all dying to know your reasons. Can you finally answer that question for our peace of mind?" Kristine gave me a kind smile as she asked that question. Sandali akong nag-isip ng sasabihin bago magsalita.

"Well, I realized that I need time for myself that's why I left." Maikling sagot ko. Tumango tango naman siya sa naging sagot ko.

"So what made you come back?"

"Direk." I chuckle. Natawa si Kristine sa sagot ko. It's not a lie tho.

"No. The real reason is, I still have some responsibilities here that's why I came back."

Pinanood ko siyang isulat ang mga sagot ko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang isulat ang mga sagot ko eh nakita ko namang nirerecord niya rin ang mga sinasabi ko gamit ang phone niya. She stared at her notes for two seconds before looking up at me.

"I know many are thrilled once they hear the news that you're coming back. We all missed you. Are you staying for good?" She ask. Muli ay ngumiti ako. Tumingin ako sakanya bago sumagot.

"The truth is, I don't know. I realized many things while I'm away. And I'm thinking of quitting showbiz soon."

Hindi nakaligtas sa akin ang gulat na bumakas sa mukha niya ng marinig ang sagot ko. Pangalawa siya sa mga pinagsabihan ko nito. Una syempre si Nanay. And now that I blurted it out, I know in a span of days, or maybe hours, the news will spread like a virus.

She asked me five more questions and then we're done. Pinaunlakan ko ang request niya na magpapicture. After the interview, lumabas na ako. Sinalubong ako ni Ate Pats and I saw that she's not happy. Siguro doon sa sagot ko. I don't know and I don't care. That's my decision and not theirs. Hindi siya nagsalita at sinabayan na lang ako sa paglalakad. Pinagbigyan ko na nga lang siya sa gusto niyang magpa-interview ako eh tapos ngayon magagalit siya.

Sinalubong kami ng mga ilang paparazzi sa labas ng building kaya naman tinakpan at pinrotektahan ako ng mga guards ko. Hindi ko alam kung paano nila nalaman na nandito ako. Oh well, that's their job. Pagkapasok sa sasakyan ay tiningnan ako ni Ate Pats habang malalim ang kunot ng noo.

"What was that all about?"

I shrugged at umarteng walang alam.

"What?"

"You'll quit? Hindi mo man lang sinabi sa akin bago mo ibinunyag sa interview?"

I sigh.

"That's my decision. Isa pa, iniisip ko pa lang naman hindi pa final."

Isa ito sa mga rason kung bakit gusto ko ng umalis sa showbiz. I'm sick of them dictating my acts. Isa pa, kababalik ko lang tapos trabaho kaagad ang ginawa ko. Ni hindi ko man lang nagawang magpahinga muna. Galing akong airport and we went straight to the interview. Naisip ni Ate Pats na makakabuti kung magpa-interview ako ngayong nakabalik na ako. Marami ang nagulat ng mawala ako bigla at marami rin ang naghahanap ng sagot. Ayaw kong nagpapa-interview pero naisip ko na I owe an explanation to my fans. Kaya pumayag ako. Ako ang pumili kung kanino ako magpapa-interview at hindi na nakatanggi si Ate Pats doon.

Once I read Kristine Angeles name, I immediately know that she's the perfect choice. Her name's familiar and if I remembered it right, she's been trying to get ahold of me for months now. Isa pa, there are no cameras that's why I thought I made the right choice. Blogger lang naman kasi si Kristine and it would be a big break for her because I let her interview me. Ayoko kasi ng masyadong tawag pansin na pagbabalik. Pero kahit anong gawin ko, alam ko namang magiging malaking news ito kapag nalaman ng madla na nakabalik na ako. Baka nga habang nag-eempake pa lang ako sa New York, alam na ng mga tao na babalik na ako. People nowadays are quick and smart to discover and know things. Maraming detectives kuno. Most of the times, I chose not to dwell too much on how they learned about certain things about me because it will just give me a headache. Ayokong ma-stress at isipin pa ang mga diskarte nila kung paano nalalaman ang mga bagay bagay tungkol sa akin at ibang bagay.

Naging maiksi lang naman ang interview niya sa akin. Kristine had been considerate to the fact that I just got back from the airport. I think I like her.

My thoughts are halted when I heard Ate Pats sigh. Mabuti na lang hindi na siya nakipagtalo pa sa akin. I'm not really in the mood to talk to anybody. Ngayon pa lang iniisip ko na, na hindi ata magandang desisyon na bumalik ako.

Tumingin ako sa labas at inabala ang sarili sa pagpansin ng mga pagbabago simula nung umalis ako. It's only been five months so wala namang masyadong bago. May mga napalitan lang na ilang billboards. Ganun pa rin naman. Mausok at traffic.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng paru-paro sa tiyan ko. Hindi pa naman sana ako babalik. Actually, I'm thinking of not coming back at all. Nung umalis ako, dun ko lang napagtanto na kulang na kulang pala ako ng oras para sa sarili ko. Napagtanto ko na parang buong buhay ko trabaho at kaibigan ang inaatupag ko. And while I'm away, I very much enjoyed every second of my freedom. Spending time with myself. Enjoying life without work and stress. I traveled all by myself and I love it.

Binigay ko kay Nanay ang bago kong number bago ko putulin lahat ng koneksyon ko sa mga kaibigan ko. I was tempted to deactivate all my social media accounts pero nagdalawang isip ako kasi sayang naman ang mga encounter ko dun with my fans. Sa huli, napagdesisyinan ko na lang na i-unstall ang mga 'to. Nagliwaliw ako at ginawa ko lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa noon. I was having the best time of my life but it was cut short. Hindi ko alam paano nakuha ni direk ang number ko pero nagulat na lang ako isang araw tumawag siya sa akin.

He almost beg for me to come back. Ayokong may naririnig o nakikita na nagmamakaawa dahil alam ko ang pakiramdam noon. Kaya pumayag ako na bumalik. We had a deal na sandali lang akong babalik. I am planning on quitting showbiz soon. Malaki ang utang na loob ko kay Direk kaya pinagbigyan ko siya. But when it's time for me quit, wala na siyang magagawa. Showbiz life had been toxic at gusto ko ng maalis ang toxic sa buhay ko. Eventhough masaya ang pagiging artista, nakakapagod rin. Siguro magtatagal lang ako ng dalawang buwan tapos aalis na ako ulit at hindi na babalik. Sasamahan ko na lang si Nanay sa London at doon na titira.

I can't stop myself from reminiscing what happened five months ago. It was an unpleasant memory but somehow it played a big part of the realizations and my decisions in life. That night, my heart was broken that I feel like I will not be able to recover. It felt like I can still feel the pain that I felt that night.

Unang pumasok sa isip ko pagka-uwi ko ng gabing iyon ay ang umalis at lumayo. Hindi ko alam kung ano pa ang mukhang ihaharap ko sakanya pagkatapos ng nangyari. Lasing ako kaya kung ano ano ng nasabi at nagawa ko nang gabing iyon. But I can't use that as my excuse. Ginusto kong mangyari iyon kahit na hindi ko naman inaasahan na ganun ang magiging kalalabasan. I took the risk and then my heart got broken. Alam ko kung anong pinasok ko ng sumugal ako. It's either I will get the girl or I will get my heart broken into pieces. And I received the latter. Lumayo ako para makalimot pero sa paglayo ko, marami akong napagtanto. Kung hindi siguro nangyari ang gabing iyon, hindi ko marerealize ang mga bagay bagay sa buhay ko. Kaya kahit masalimuot ang alaalang iyon ay nagpapasalamat ako na nangyari 'yon. Kahit na nasaktan ako...

Buti na lang bago pa makalayo ang takbo ng isip ko ay nakarating na kami sa bahay. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa ako ng pinto ng driver. Lumabas ako at hinayaan ang driver na ilabas ang mga maleta ko mula sa likod ng sasakyan. Nagsilabasan ang mga kasambahay ko at tumulong sa pagpasok ng mga gamit ko. They told me that they're all happy that I'm back. Nginitian ko na lang sila. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo. Napahinto ako ng tawagin ako ni si Ate Pats. I almost forgot about her. Nilingon ko siya.

"Rest well Vice. You still have a big day tomorrow." Paalala niya sa akin bago magpaalam at isara ang pinto. Pinanood ko ang sasakyan nilang umalis. Napabuntong hininga ako.

Oh yeah. I almost forgot. I'm going back to Showtime tomorrow.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now