Chapter Fifteen

1K 29 2
                                    

VICE

A week had passed after that two days vacation we had at Vitto's resort. Back to work na kami. I let out a tired sigh after the show. Finally, natapos na rin. Kanina pa ako wala sa mood magtrabaho pero mabuti na lang katulad ng palaging nangyayari, naka-survive naman ako. At kahit papano ay napasaya ko ang madlang people.

Naramdaman kong may umakbay sa akin habang naglalakad ako sa hallway palabas ng building. Tiningnan ko ang hinayupak na nanggulat sa akin at hindi na ako nagulat ng makita si Vhong.

"Labas tayo. Ang tagal na nating hindi nagca-club." Sabi niya sa tabi ko. Simula ng bumalik kami mula sa resort nila Vitto may napansin akong iba kay Vhong. Napansin ko lagi siyang ngumingiti ng malawak sa akin. Na para bang may alam siya na hindi ko alam. I hate it. It makes me curious as hell. Katulad ngayon, magyayaya lang naman lumabas pero parang mapupunit na ang labi niya sa lawak ng ngisi niya. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Vhong umamin ka nga. Gumagamit ka ba ng pinagbabawal na gamot?" Seryoso kong tanong. Baka kasi may pinagdadaanan na pala itong kaibigan ko tapos akala niya ang solusyon ay ang gumamit ng droga. Nawala ang ngiti niya at bigla akong binatukan. Aba'y gago!

"Aray!" I glared at him.

"Siraulo ka kasi. Kung ano ano naiisip mo." Hinimas ko ang parte ng ulo ko na binatukan niya. Nagpatuloy siya sa paglalakad kaya sumunod ako.

"Sinong hindi mag-iisip ng ganon eh ang saya saya mo lagi. Para kang baliw na ewan."

"Diba pwedeng masaya lang talaga?" Bumalik ang malawak na ngiti niya. I squinted my eyes while thinking of other reasons why he's this happy. Nanlaki ang mata ko ng may pumasok na ideya sa utak ko.

"Aha! May bago kang jowa no?" Napailing lang siya sa akin. He gave an amused smile. Muli ay inakbayan niya ako.

"Wala. I'm just happy my friend." Medyo natigilan naman ako sa sinseridad ng ngiti niya sa akin.

"Oh sige na mauna na ako. Use your car tas sunduin mo ako mamaya ha!" Yun lang at tumakbo na siya paalis. Tingnan mo yun papasundo pa sa akin. Napailing na lang ako. Palabas na ako ng building ng makita ko si Tom na papasok na sa kotse niya. He looked like a mess. Parang hindi pa siya nakakakuha ng maayos na tulog. He looked like he didn't even took a bath for days. Napataas naman ang kilay ko sa itsura niya.

Pinanood ko ang kotse niyang makalayo bago ako pumasok sa sarili kong kotse. Hindi na ako masyadong nagpapasundo at nagpapahatid sa driver ko. I prefer driving myself to work.

Nang makauwi ako ay natulog naman ang ginawa ko. 3 hours ang naging tulog ko. Nakangiti naman akong bumangon dahil nakatulog ako ng maayos. Bumaba ako sa kama at lumabas ng kwarto. Tinungo ko ang hagdan at bumaba sa first floor. Napatigil ako sa kalagitnaan ng hagdan ng makita ang bwisita ko sa living room.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakakunot ang noo na tanong ko kay Vhong. Tiningnan niya ako at tumayo naman siya mula sa couch.

"Kanina pa kita tinatawagan hindi ka sumasagot."

"That's because I was asleep." Sagot ko naman. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano pang hinihintay mo? Magbihis ka na. Aalis na tayo." Mas lumalim ang kunot ng noo ko. Tiningnan ko ang oras sa dingding.

"What the hell? 7:30 pa lang tapos pupunta na tayong club?" Nagtataka na tanong ko sakanya.

Wala na akong nagawa ng pilitin ako ni Vhong na mag-ayos na. He said something na kailangan niya daw talagang uminom. Hindi naman siya mukhang problemado kaya nagtataka ako kung bakit atat na atat siya umalis. I also suggested na sa bahay na lang kami uminom pero ayaw niya. Pinagbigyan ko na lang siya sa trip niya. Naligo ako at nagbihis. Nang marating namin ang club na pinili niya ay naghanap naman ako kaagad ng parking space. Bumaba kami at tinanong ko siya kung sinong kasama namin. May binanggit siya na mga kaibigan niya. Kilala ko naman sila dahil nakasama na rin namin sila minsan magclubbing. Naupo kami sa Vip seats habang inaantay ang mga kasama namin. Lumipas ang isang oras pero wala pa rin ang sinasabi niyang mga kaibigan niya. Ni halos hindi nga uminom si Vhong eh. Nagtataka na tuloy ako sa ikinikilos niya.

Worth The Risk (Book 2) [COMPLETED] Where stories live. Discover now