Kanina pa ako naglalakad naghahanap ng trabaho pero wala pa rin akong nahahanap. Gutom na ako kaya pumunta ako sa foodcourt at doon na kumain.Habang kumakain may isang babae ang huminto sa harapan ng table na kinakainan ko. Halata sa mukha niya na nag aalangan pa siya.
"Ahm miss do you need something?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.
"Ahmm pwede maki-upo?" Sabi niya .
Nilibot ko ang tingin sa kabuuan ng food court. Wala na ngang ibang bakanteng table.
"Sure!" Pagkasabi ko nun agad niyang nilapag ang tray niya sa mesa.
"Hmm. What's you're name pala?" tanong niya. Sa tingin ko mayaman siya base sa damit at kutis niya.
Para siyang nakalunok ng buong glutathione sa puti niya.
Pag ngumingiti siya parang perlas na kumikinang ang ngipin niya tas ang bango niya . Para siyang naligo ng mamahaling pabango. EXAGERATED BA?
Pero yun talaga eh. Nakaka concious naman tong babaeng ito."Hello " may biglang wumawagayway sa mukha ko. Natulala ba ako.
"Hindi ka naman siguro lesbian 'no? Base sa pananamit mo I can say that you're feminine ."
Napatingin ako sa suot ko . Simpleng floral dress at pares ng doll shoes ang suot ko.
Habang sa kanya napaka elegante.
Hindi ko talaga maiwasang ikumpara ang sarili ko sa kanya ."What's your name nga pala?" Nakangiti pa siya habang nag tatanong .
"Unique Aquino" sagot ko .
"Nice meeting you Unique, I'm Sheen by the way. Sheen Vazquez. "Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ni Sheen . Parang nag-eendorso ng Close Up.
"By the way , what are you doing here? Are you meeting someone here? Baka makaistorbo ako?" nag simula ng kumain si Sheen .
"It's okay I'm not meeting someone here. Naghahanap ako ng trabaho ng makaramdam ako ng gutom kaya kumain muna ako dito."
"So you're jobless?" Tanong niya kaya napayuko ako.
Tumango ako habang hindi tumitingin sa kanya. Nanliliit ako sa sarili ko , hindi ko alam."I can offer you a job and I think you're perfect for it."
Napaangat ang tingin ko sa kanya. Mukhang hindi naman siya nagbibiro pero anong trabaho ang i-ooffer niya. Baka naman illegal yun. Umalis na nga ako sa trabaho sa bar eh.
"Oh my job offer for you isn't ilegal"aniya na parang nabasa ang sinasabi ng isip ko.
"So what's you're job offer for me?" Desperada na ako. Kailangan ko ng trabaho para sa pangangailangan namin ng kapatid ko.
At ayaw ko ng bumalik sa dati kong trabaho.
"So you're interested huh?" Nakangisi na siya ngayon .
"My guy bestfriend ask me to hire a secretary . " Sabi ni sheen.
"You are going to be his secretary. But I want to offer you a part time job."dagdag niya nangunot naman ang noo ko sa sinabi nya.
Anong ibig sabihin niya sa PART TIME JOB??
Kasalukuyan akong umiinom ng tubig ng ipinatuloy niya ang kanyang pagsasalita."I WANT YOU TO SEDUCE MY INNOCENT GUY BEST FRIEND" naibuga ko ang iniinom kong tubig sa gulat ko sa sinabi niya.
"What?" Napataas ang boses ko sa gulat.
Hindi naman sa ayaw ko syempre trabaho na yun eh. Hindi ko na kailangan pa maglakad buong araw para maghanap ng trabaho ika nga nila Ang palay na ang lumalapit sa manok pero .......
Aishhhh ewan ko ba kung bakit parang nag aalangan ako.
"Hey, did I offend you?" Tanong niya sa kin ng matagal akong di na umiimik.
I shook my head. Hindi naman ako na offend eh. To be honest na excite ako sa idea ng job offer niya pero there's a part of me na nag aalangan parin.
Hindi ko kilala ang tinutukoy niyang bestfriend niya ..
She said that Guy bestfriend of her is an innocent. Innocent?? It makes me more excited when I heard that guy bestfriend of her is innocent.I accepted Sheen's offer.
I hope i can fulfill my duty😇❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌
*Flashback*
"But why did you want me to seduce you're guy bestfriend? " Tanong ko sa kanya.
"Because I hate his fiancee. " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I dont get it.
"If you think na may gusto ako sa best friend ko then you're mistaken. I doesn't have. I just want him to be free from that bitch ." halata sa boses niya na naaasar siya sa tinutukoy niyang babae.
"And aside from that , my BEST FRIEND is so innocent to the point that he doesn't even watched a sex video." She giggle ..
But I'm wondering what's the connection of his friend being innocent to my job.
Ahh . I think I know the answer to my question.
Papunta na kami ngayon sa office ng magiging boss ko-slash-victim..
Kasabay kong naglalakad si Sheen .
Lahat ng nakakasalubong namin binabati siya.
She's confidently walking with her black tight dress .. with matching black stilleto and a sun glassess .
Nagtataka lang ako ...
Wala namang araw sa loob ng building pero still she's wearing a sun glassess ganyan talaga siguro pag fashionista.Habang ako confident ding naglalakad wearing a red tight dress with a deep V neck. Kitang-kita ang cleavage. I love this dress, syempre kailangan ko ng daring and sexy dresses para sa mission ko. Hindi naman na bago sakin na magsuot ng ganitong klase ng mga damit. Meron na rin naman akong sexy dresses pero sabi ni Sheen na kailangan ko pa raw ng marami. Sinamahan niya akong mag shopping -no scratch that, I mean pinag-shopping pala ako ni Sheen ng mga damit kahapon.
Dahil sa malalim na pag iisip ko. Nauna na si Sheen sa paglalakad at bigla siyang pumasok sa isang kwarto .
I think that's her bestfriend's office . Pumasok narin ako kasunod ni Sheen .
Pag pasok ko...... I was in awe for about a minute or two .🙊SO HE'S THE INNOCENT GUY I NEED TO SEDUCE?😏
"HEY Knight this is Unique your new secretary." Pagpapakilala ni Sheen sakin dun sa magiging boss ko.
"O sige aalis nako. I have something to do " dagdag pa niya . Shock pa rin si Knight ako nakabawi na ... I'm wondering kung bakit lagi nalang kaming pinagtatagpo are we destined to each other. Stop that daydreaming Unique paalala ko sa sarili ko.
"And by the way,Youre welcome Knight." Then she left the room.
"Ahmm Sir" tawag ko kay Knight.
He's still in shock hindi niya talaga siguro inaasahan na makikita niya ko muli.
"What's your fullname?" Tanong niya nung nakabawi na siya
"Unique Aquino sir" tipid kong sagot sa kanya.
Bakit parang bigla akong natakot sa kanya. Mula sa angelic face niya kanina ngayon naging cold ang expression . Seriously ? Bipolar ba siya.?
Sa tingin ko hindi magiging madali ito tulad ng inaasahan ko."Ok miss Aquino. I dont need you're resumé because i believe na hindi ka naman kukunin ni
Sheen if your not capable for the job. I trust her"seryoso niyang sabi sakin."I will assure you sir hindi kayo magsasawa ..... I mean hindi kayo magsisisi sakin" at ningisihan ko siya na para bang hindi ko siya boss.
"Then start your job by making me coffee. I want it black no creamer no sugar...." Plain niyang sabi. Napaka professional pala ng lalaking to . Hindi man lang pinahalata sa boses nito na nagkita na sila ng dalawang beses hindi tatlong beses na actually.
"Ok sir" nagtungo na ako sa mini kitchen ng office ni knight para magtimpla ng kape.
"I thought this is going to be easy but I think mahihirapan ako nito" bulong ko sa sarili ko.
Paano ko ba sisimulan ang OPLAN:SEDUCING MR. INNOCENT.
❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) Completed
RandomMagagawa ba ni Unique ang kanyang misyon na i-seduce ang inosenteng si Knight o magagawa bang baguhin ni Knight si Unique? Tuluyan bang mabago ang buhay ni Unique dahil sa isang misyong SEDUCING MR. INNOCENT.