CHAPTER 13

1.2K 26 1
                                    


UNIQUE'S POV

"Kuya Knight tanong ko lang po, ano pong meron sa inyo ng ate ko?" Halata sa boses niya na gusto niya talagang malaman na may namamagitan samin ni Sir Knight.

"Unice tumahimik ka nga kung hindi bubusalan ko talaga yang bibig mo. " Banta ko sa kapatid kong  may pagka intrimitida.

"Ilan beses ko bang  sabihin sayo na boss ko si sir Knight." Sabi ko sa kapatid ko.

Nagpapasalamat ako ng tumahimik na siya. At matiwasay nga kaming nag agahan. Pagkatapos naming kumain ako na naghugas ng pinggan . Umalis na sila Unice at ang kaklase niyang si  Khailee. Naliligo narin si Sir Knight sa banyo.

Nang matapos akong maghugas ng pinggan . Pumunta na ako ng kwarto para magbihis at maghanda para sa trabaho. Naabutan ko si Sir Knight na kasalukuyang nagbibihis. Nilapitan ko siya  at ako na nag lock at nag zipper ng pants niya.

Naramdaman kong lumalim ang hinga ni Sir Knight. Nang tingnan ko ang mukha niya  sobrang pula nito. Para bang isa siyang lasing.

Tinulungan ko na rin siya isuot ang polo niya. At pag aayos ng necktie niya. Pagkatapos niya ako naman ang nagbihis . At naghanda na kami para pumunta ng  kompanya.

Hindi na sana ako sasabay sa kanya kasi baka  ano isipin ng mga empleyado  niya pag nakita kaming magkasama gayong alam nila na meron na siyang fiancee.

Pero makulit siya ehh. Ako ang mas napilit niya na sumabay sa kanya.

"Paano kung tanungin tayo kung bakit tayo magkasama?" Tanong ko habang nakasakay na sa kotse niya.

"Sasabihin natin ang totoo. " Diretsong tanong niya.

"No way. Alam mo naman sigurong pagtsitsismisan tayo ng buong kompanya kung sasabihin mo yan. May fiancee ka diba?" Sabi ko in a matter of fact tone.

"Hindi na ba pwede sabay ang boss at ang secretary  pumasok?" Balik niyang tanong sakin.

Nanahimik nalang ako at nag iisip ng pwedeng ipalusot kung may nagtanong kung bakit kami sabay pumasok ni Sir Knight.

Pagdating namin sa opisina ni sir Knight naabutan namin dun si Hali I mean Jewel.

"Hi babe. Where have you been?  Tumawag ako sa inyo but they said wala ka daw dun kagabi pa. Wala naman kasing tao dun" Bakas sa tono ng boses ni Hali ang pag-aalala.

"I slept in a hotel. " Simpleng sagot ni sir Knight .

"Why did you slept in a hotel? Ba't dika umwi sa inyo o sa condo mo? I was so worried for you . "

"Hindi ako nakauwi kagabi dahil ang lakas ng  ulan. So I decided to sleep in the nearest hotel. I can't sleep here in my office. I'm not comfortable." Si sir Kngiht.

Ako? Eto nanonood sa paglalampungan nila. Sir Knight didn't send me out. And I think Hali didn't know I'm here watching them.

"Ohhhhhhhh," Hali looks shocked when she saw me, finally.

"Why are you here? Do you think were shooting a movie. Can you please get out." Pagtataray ni Hali.

Ang sarap bigwasan nung mukha niya. Aalis na sana ako ng.....

"Wait can you buy a breakfast for two. I'm sure my knight hadn't eat already." Pahabol ni Hali.

Kung makautos akala mo kung sino. Siya ba nagpapasweldo sakin? Sasagutin ko na sana siya pero tiningnan ako ng makahulugan ni sir Knight. Isa pa to ehh sabi niya sasabihin daw ang totoo. Ehh tingnan mo naduwag naman pala.

Kaya lumabas nalang ako at nagtungo sa telepono at nag order ng breakfast  nina Hali at ng boss kung magaling.

Hayssss bat ba ako naapektuhan? Kailangan kong tapusin ang trabaho ko. Ang misyon kung  i-seduce si sir Knight sa tingin ko naman pag nagawa ko na iyon wala ng hali na bibida pa sa istorya namin ni Knight.

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon