CHAPTER 21
UNIQUE'S POV
NAPAG-ALAM namin na nagsimula ang sunog sa apartment limang units ang pagitan sa amin.
Mabuti nga at kasama ni Unice si Japeth.
Isang oras pagkatapos maapula ang apoy.
"A-ate san na tayo ngayon titira?"nanginginig na tanong ng kapatid ko. Halata pa rin sa kanya ang takot.
"Hindi ko rin alam Nice. Pero sigurado ako di tayo pababayaan ng Panginoon" pagpapalakas ng loob ko sa kanya.
"Nique pwede ba kitang makausap?" Biglang sulpot ni Knight sa tabi ko.
"Okay"tumalikod na siya at sumunod nalang ako sa kanya.
Nung huminto siya ay huminto narin ako.
"Nique, I know that you don't have anywhere to go,so I'm offering you to stay in my house." Sabi ni Knight.
Tatanggapin ko ba o hindi.....
Pero marami na siyang nagawa para sa amin, baka isipin niya tini-take advantage ko ang pagiging mabait.
"Thank you Knight pero hindi ko matatanggap ang offer mo. Ang dami na ng ginawa mo para samin, para sakin." Sabi ko.
"But Nique------" hindi na natuloy ni Knight ang sasabihin niya.
"Tinanggap ko na ang alok ni Aling Nena na patuluyin kami sa bahay nila." Sabi ko.
" But Nique mag-aalala ako kung di ko alam o di ko nakikita na maayos ka, kayo ni Nice" pagpupumilit ni Knight.
"Naiintindihan ko pero--------" this time he's the one who cut me off.
"No buts Nique, I don't accept no as an answer. Just accept my offer. Isipin mo nalang na pasasalamat ko ito dahil nakilala kita." Sabi Knight. Hindi na ako nakapalag pa.
Kasulukuyan kaming nasa sasakyan ni Knight papunta sa bahay niya.
"Thanks" bulong ni Knight sa tenga ko
Hindi ko man alam kung para saan yun pero ningitian ko lang siya.
Huminto ang sasakyan ni Knight sa isang malaking bahay.
Umikot siya para pagbuksan ako pagkatapos si Unice naman ang pinagbuksan niya.
"Thanks kuya Knight" nakangiting sabi ni Nice.
Pumasok na kami. Wala kami ni isang gamit na dala ni Nice lahat naapula ng apoy pati yung ibang mahalagang papeles namin ni Nice.
Knight guided us to our room. Kuwarto namin ni Nice
Nang nakapasok na kami sa kwarto na uukupahin namin ni Nice ay lumabas na si Knight kasi may aasikasuhin raw siya.
"Ate ang gara naman ng bahay ni kuya Knight." Manghang sabi ni Nice.
"Ate dito na ba tayo titira.?" Tanong niya.
"Unice pansamantala lang to. Hanggang di pa tayo nakakakita ng bagong matutuluyan dito muna tayo." Pagpapaliwanag ko.
"Ate pero pag nagkatuluyan kayo ni kuya Knight dito na tayo titira diba ate?" Tuwang tuwa na tanong ni Unice.
"Psssshhhhh, manahimik ka nga baka marinig ka nun" saway ko sa kapatid ko.
"Uyyyyyyy si ate, guilty. Guilty si ate"paulit -ulit na pang aasar ni Unice.
"Eh kayo ni Japeth, kumusta na kayo?" Balik kung pang-aasar.
Nakita kong biglang nagbago ang mukha niya.
"Ako ate okay lang, pero siya hindi ko alam. Malay ko ba dun?" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) Completed
RandomMagagawa ba ni Unique ang kanyang misyon na i-seduce ang inosenteng si Knight o magagawa bang baguhin ni Knight si Unique? Tuluyan bang mabago ang buhay ni Unique dahil sa isang misyong SEDUCING MR. INNOCENT.