~UNIQUE'S POV~Nandito kami ngayon ni Sir Knight sa isang restaurant dito sa hotel.
Siya na ang nag order ng pagkain namin.
Habang maghihintay walang nagsasalita sa amin.
Siya palingon lingon kahit saan while ako tinitingnan ang mha pictures kanina.
Dahil sa sobrang tahimik ako na ang unang nagsalita.
"Ahm Sir Knight okay lang kayo?" Tanong ko kasi parang hindi siya mapakali ehh.
Tumango-tango lang naman siya .
At sa wakas dumating na rin ang order namin,ang dami tsaka mukhang ang sasarap pa.
"Wow ang bongga! Fiesta ba?" Pagbibiro ko.
Hindi parin siya umiimik at kumain na.
Habang ako ay pinipicturan ang mga pagkaing hindi pa ginagalaw.
Wala rin naman siyang pakialam sa pinaggagawa ko.Nung nakaramdam na ako ng gutom nagsimula na rin akong kumain.
Dahil sa sobrang gutom at sa sarap na rin ng pagkain. Naparami ng nakain ko.
"Burrrrrrrppppp" dighay ko pagkatapos ko kumain.
"Oh excuse me!" Nakita kong tumawa siya.
"Ang gwapo mo pala no?lalo na pagngumingiti ka,mas bagay sa iyong ngumiti. Ngiti ka palagi huh!" At dahil sa sinabi ko yumuko sya.
Hinawakan ko yung baba niya at iniangat ang mukha niya.
Hinuli ko muna ang mata niyang mailap.
"I hope pag-uwi natin sa Manila ay palagi ka ng ngumiti at sana maging confident kana. You are a company CEO you must have confidence. Minsan napapaisip ako paano mo kaya napalago ang kompanya niyo gayong parang napakamahiyain mo. And you're so naive to some things just like sex.
You are a man pero ako pa ang nag-iinsist na mag sex tayo. Ako pa ang nag-ga-guide sayo. Wala ka ba talagang experience?" Mahabang speech ko.Hindi siya sumagot at hindi ko na rin siya kinulit pa.
Nandito kami sa gitna ng dagat.Nagrenta si Sir Knight ng bangka. Kinulit ko kasi siyang mag snorkling kaya eto, atsaka excited nako. Nag selfie muna ako dahil hindi naman na ako makakapagselfie sa ilalim hindi naman waterproof yung phone ko ehh.
Si Sir Knight? Ayun kausap yung may-ari ng bangka meron silang pinag usapan pero hindi ko sila marinig.
Biglang gumalaw ang bangka . Umaandar pala kami kaya naupo nalang rin ako.Nang tumigil kami.
"Pwede na ho bang mag snorkling dito?" Eksayted kong tanong .
"Opo mam,mas safe na po dito sa lugar nato." Sagot naman ni kuya.
Kaya dahan-dahan akong bumaba ng bangka at ng nasa tubig na ako. Nag-swimming muna ako bago nag dive.
Pagdating ko sa ilalim ang ganda ng mga isda at mga coral reefs.Ang colorful!.
Nagulat ako ng biglang may pumulupot ng braso sa katawan ko.At umahon kami.
"Tinakot mo ako. Akala ko kung ano ng nangyari sayo bigla ka nalang nawala."
"I'm sorry. Hindi ko sinasadyang pag-aalalahin ka." Sabi ko habang tumitingin sa mukha niya kitang-kita talaga ang pag-aalala sa mukha niya.
"Yieee Sir Knight, ang ganda ng mga isda.Wahhh thanks sir Knight dahil sayo nakapunta ako rito."Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Sa sobrang saya ko nayakap ko siya.
Ng kumalas na ako kita ko ang gulat sa kanyang mukha.
"Oh babe nagugulat ka parin sa simpleng yakap,eh nagawa na nga nating mag---" he cut me off with a kiss.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) Completed
RandomMagagawa ba ni Unique ang kanyang misyon na i-seduce ang inosenteng si Knight o magagawa bang baguhin ni Knight si Unique? Tuluyan bang mabago ang buhay ni Unique dahil sa isang misyong SEDUCING MR. INNOCENT.