UNIQUE'S POV
NAGLALAKAD ako patungo sa swimming pool ng bahay nila Knight para magpahinga mula sa paglilinis na ginawa ko.
Bigla kong nakita si Jewel. Nakangisi siya sa akin habang nakaharang sa dinadaanan ko.
"Wala si Knight dito kaya makakaalis kana." Walang ganang sabi ko.
Wala naman talaga akong ganang makipagsagutan sa kanya. Pagod ako kaya wag niya akong simulan."I'm not here for Knight, I'm here because I want to talk to you. Layuan mo na si Knight dahil akin siya, akin siya. Noon paman akin na si Knight hindi ka pa dumating sa buhay namin, mahal niya na ako. Ngunit lahat ng yun nagbago ng bigla kang umeksena sa buhay namin." Sabi niya.
Gusto ko siyang sagutin kaso nakakapagod na. Paulit-ulit nalang palagi.
"Ano ba ang nakita ni Knight sa iyo? Eh isang hamak na hostess ka lang naman sa bar. Siguro nadala mo siya sa pangseseduce mo? Ano? Sabihin mo, magkano ka ba at ng maibigay ko sa yo ang halaga na nararapat sayo at ng layuan mo na si Knight at para umalis ka na sa pamamahay nato." Hinihingal niyang sabi.
Imagine lumabas na ang ugat niya sa leeg pero hindi na ako naapektuhan ng mga pinagsasabi niya dahil lagi ko naman din yang naririnig kahit kanino. Kumbaga immune na ako sa mga ganyang salita.
"Tapos ka na ba?" Tamad ko siyang tinapunan ng tingin.
"Sa tingin ko tapos kana." Dagdag ko ng hindi siya umimik.
"Unang una sa lahat, eto oh" Sabi ko sabay abot ng piso na nasa bulsa ng shorts ko. "Bumili ka ng kausap mo, atsaka lumabas ka nga dito at pakihanap ng pake ko kasi nawawala eh. Atsaka hindi man eto kamahalan tulad ng natatanggap mo tuwing pasko galing sa mga parents mo pero tutal papalapit na ang pasko sana tanggapin mo " sabi na kunwari may binibigay sa kanyang regalo.
"Tanggapin mo ang katotohanang hindi ka mahal ni Knight, dahil ako ang mahal niya." Sabi ko pa na nakataas ang noo.
Ilang beses na kaming nagpangabot at kahit isang beses hindi ako naging mahina sa harapan niya.
"Atsaka eto oh pahabol." Sabay sampal ko sa kanya. "Para yan sa pagpapakita ng pangit mong mukha sa harapan ko. Baka kasi matulad sayong psycho ang anak ko mahirap na." Kitang-kita ko na nanggagalaiti na siya sa galit.
"Walang hiya ka." Naramdaman ko nalang na bigla niya akong sinabunutan. Ramdam ko ang paghila niya sa buhok ko sobrang sakit kaya agad ko rin hinila ang mahaba niyang buhok . Nakarating kami sa gilid ng pool na nagsasabunutan. Mahuhulog na sana kaming dalawa ng naramdaman ko ang malakas na pagsipa niya sa tiyan ko.
NOOOOOOOOO. MY BABY.
Yun agad ang naisip ko ng bigla akong sinipa ni Jewel.
"Nique, Nique" narinig ko ang nag-aalalang boses ni Sheen.
"S-sheen My baby, p-please H-help m-my b-baby" nanghihina kong sambit.
"Nique , kapit lang wag kang bumitaw." Nakita ko pa na may tinawagan siya bago ako mawalan ng malay.
Nang magising ako, puting kisame at maliwanag na ilaw ang bumungad sakin.
"Ano ba talaga ang nangyari Sheen?" Tinig yun ni Knight, bakas sa boses niya ang pag-aalala at kaba
Ang mga anak ko kumusta na sila? Yun ang mga salita na gusto kong maisatinig kaso wala akong lakas at natatatakot rin ako sa posibleng nangyari.
Sana okay lang ang anak ko
Nararamdaman kong okay lang siya."Nung papunta ako sa inyo para bisitahin siya katulad ng bilin mo tinawagan siya nung on the way pa ako. Kaso hindi siya sumasagot kaya naisipan kong sopresahin nalang siya. Pagkarating ko dun tahimik ang buong bahay kaya naisipan ko baka nandun siya sa swimming pool nagpapahimga kaya agad akong nagpunta doon. Saktong pagdating ko kita ko ang pagsipa ni Jewel sa tiyan ni Unique." Sabi ng boses ni Sheen
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) Completed
De TodoMagagawa ba ni Unique ang kanyang misyon na i-seduce ang inosenteng si Knight o magagawa bang baguhin ni Knight si Unique? Tuluyan bang mabago ang buhay ni Unique dahil sa isang misyong SEDUCING MR. INNOCENT.