UNIQUE'S POV"Where are you Unique?"Halata sa boses niya ang pag aalala .
Bigla kong naalala ang eksena kanina sa opisina niya. Wala siyang karapatang mag-alala wala naman siyang pakialam sakin ehh.
"Nasa ospital ako" simpleng sabi ko.
"Wait , What? Wahat are you doing there ? may nangyari ba? Ok kalang ba? Nasaktan ka ba? " Nag aalalang tanong niya.
"Oo nasaktan ako Knight. Masakit. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan . Wala akong karapatan masaktan . Pero wala ehh masakit. Masakit na masakit." Umiiyak kong sumbat sa kanya.
Meron na akong pinoproblema dumadagdag pa siya.
"Nique please tell me where are you?"
"No, pabayaan mo muna ako Knight. Kasi sa tuwing mkikita kita nadadagdagan lang ang problema ko. Please just give me enough time to think." Hindi parin tumitigil sa pag-agos ang mga luha ko.
"Ok. But please come back to me. Please." Sabi niya na nagmamakaawa.
Then I ended the call. Hindi na ako nagsalita pa.
Agad kong pinahid ang luha ko. Nag isip ng paraan para makalikom ng malaking halaga para sa pag papaopera ng kapatid ko.
Nang makapag-isip-isip na ako. Agad kong pinuntahan si Sheen upang kunin sana ang halaga na ipinangako niya sa akin.
Pagtapos kong kunin ang pera kina Sheen. Pumunta ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko noon.
Pagpasok ko sa bar ay nakita ko si Mamang Wang. Agad ko siyang nilapitan.
"Mamang Wang." Tawag ko sa kanya.
Lumingon siya at nakita ko siyang napangiti ngunit biglang naglaho nung nakita niya ang mukha ko.
"Unique ayos ka lang? May pronlema ba?" Nagaalalang tanong niya.
"Si Unice po kasi sinugod sa ospital kanina. Kailangan ko po ng malaking halaga para maoperahan po siya. "Naiiyak na saad ko.
"Naku, kumusta na siya. ?"
"Medyo maayos naman po pero hindi ko alam kung hanggang kailan. Kailangan na siyang operahan sa mas madaling panahon." Sabi ko.
Dumukot si Mamang Wang ng pera sa bulsa niya at ibinigay sakin.
" Eto Nique maliit na halaga lang yan pero sana makatulong." Sabi ni Mamang Wang.
"Maraming salamat Mamang Wang"sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Pero mamang Wang kulang pa po ito. Kailangan ko pa po ng malaking halaga para sa pagpapaopera sa kapatid ko kaya kung pwede lang sana bumalik ako sa dati kong trabaho." Sabi ko kay Mamang Wang.
"Oo naman. Kahit kailan welcome kang bumalik dito." Nakangiti niyang sabi na tila ba pinapagaan ang pakiramdam ko.
"Maraming salamat Mamang Wang" sabi ko at umalis na siya para kausapin ang mga costumer niya.
Ako nagpunta ng dressing room namin. Magsisimula ulit ako bilang isang bayaran na babae para sa kapatid ko.
Pagkatapos kong magbihis at mag-ayos, biglang nagsidatingan ang mga kasamahan ko sa trabaho.
"Niqueeeeeeeeeeee" tili ni Eya na naging malapit kong kaibigan.
Agad akong kinumusta ng mga kasama ko lalong lalo na si Eya.
"Nique narinig namin galing kay Mamang Wang ang problema mo. Eto ohhh" sabay abot niya ng pera sakin.
" Maliit na halaga lang yan pero sana makatulong. Nag ambag ambag na kami." Sabi ni Eya sakin.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) Completed
RandomMagagawa ba ni Unique ang kanyang misyon na i-seduce ang inosenteng si Knight o magagawa bang baguhin ni Knight si Unique? Tuluyan bang mabago ang buhay ni Unique dahil sa isang misyong SEDUCING MR. INNOCENT.