EPILOGUE

1.2K 26 0
                                    

EPILOGUE

UNIQUE'S POV

15 YEARS AFTER.

"Babe gisingin mo na yung mga anak mo baka malate sila sa unang araw ng klase nila." Utos ko kay Knight na inaantok pa. Hindi ko sila magising kanina kasi mas inuna kong magluto ng agahan. Nakaleave kasi si Manang Nena habang simula nung nag-grade 7 na sina Math at Scien ay hindi na  nanilbihan samin sina Joy at Jai. Gusto ko rin kasing matutong maging independent ang mga anak namin ni Knight. Ayaw kong masyado silang ini-ispoil. Kahit hindi man sang-ayon si Knight ay napilit ko parin siya.

Nang  napansin kong hindi parin gumalaw si Knight ay nilingon ko siya. Nakita kong nakapout ang asawa ko.

"Oh bakit?" Tanong ko sa kanya habang inihahanda na sa lamesa ang mga niluto  kong agahan.

"Wala man lang good morning tsaka good morning kiss?" Tanong niya habang nakapout.

"Tsssk, I already greeted you good morning kanina. And also I kissed you." Sabi ko na natatawa pa dahil di parin natanggal ang pout niyang labi.

"But ang aga mo yatang nagising kaya tulog pa ako nun. Hindi ko nga man lang namalayan so hindi counted yun" pagmamaktol ng isa haysssst minsan talaga childish din tong asawa ko.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"Good morning" sabi ko at kita ko ang mabilis ng pagpalit mula sa pout hanggang sa ngisi ng mga labi niya.

"Gigisingin ko na sila babe,"sabi niya sabay tungo sa isa-isang kwarto ng mga anak niya.

Patuloy kong hinanda ang agahan namin. Naghugas narin ako sa mga ginamit ko.

Mahigit kalahating minuto bago sila bumaba lahat. Nakabihis na sila lahat pati narin si Knight.

"Good morning mom" Shignle, my youngest, greeted me first. Then she kissed me in the cheek.

Sumunod naman sina Phame, Scien, Math atsaka si Filip.

"Good morning babe." Sabi naman ni Knight sabay halik sakin.

Naupo na sila lahat pati narin ako

"Math, your phone mamaya nayan, magbe-breakfast muna tayo." Saway ko sa panganay ko.

"I'm sorry mom " sabi niya sabay bulsa sa phone niya.

"Who will be going to lead the prayer?" Tanong ni Knight

"Dad it's mom" si Shignle ang sumagot .

Naghawak-kamay na kaming lahat at nagsimula na akong maglead ng prayer.

"Lord God we thank YOU for giving us another day to live and for giving us all these blessings in front of us . I thank YOU for giving me such wonderful kids and a very loving husband. This all we pray Amen."

Nagsimula na kaming kumain ng sabay-sabay. Nagkuwentuhan at tawanan kami sa harap ng hapag-kainan na lagi naming ginagawa. Sinasanay ko sila sa ganitong set-up. I just want them all to be family -oriented.

Habang masayang nag-she-share ng mga kung anu-anong bagay mataman kong tiningnan ang lima kong magaganda at gwapong anak.

I'm always asking myself , what did I have done in my pastlife to deserve all these but I think the answer is just GOD loves me very much to give me a very loving, caring and understanding husband and a very wonderful kids.

Sobrang tuwa ko sa mga nangyayari sakin. I feel so blessed. Blessed to have them.

Hindi ko inakalang ang lahat ng nangyayari ngayon sakin ay nagsimula sa simpleng misyon---OPLAN: SEDUCING MR. INNOCENT.

❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon