CHAPTER 23
UNIQUE'S POV
PAGMULAT KO ng mata, pamilyar na kwarto ang nakita ko. Kwarto ni Knight.
Naramdaman kong may humahawak sa kamay ko at paglingon ko nakita ko si Knight na halatang nag-aalala.
"K-knight." Kuha ko sa atensyon niya.
"Nique, what are you feeling right now, nahihilo ka parin ba. Sinasabi ko na nga ba at hindi ka nagsasabi ng totoo, masama nga ang pakiramdam mo." Sabi niya na halata sa boses na nag aalala.
"I'm okay Knight. I assure you." Sabi ko .
"Please be okay Nique, don't be sick."
Agad kaming napalingon sa isang babae na nakasuot ng doctor's coat.
"Doc, anong nangyari kay Nique?" Agad na tanong ni Knight sa doktora na pumasok.
"I still need to ask questions to Ms. Aquino" sagot niya at binalingan ako.
"Ms Aquino, when is your last period?" Tanong niya.
Nagulat naman ako sa tanong niya . Hindi naman siguro yan konektado sa nararamdaman ko.
"Last, last month po" sagot ko.
"Ano-ano ang mga nararamdaman mo these past few days?" Tanong niya ulit.
"Madalas po akong mahilo, at earlier nga po ay parang hinalukay ang sikmura ko nung naamoy ko ang niluto ni Knight." Honest kong sagot sa kanya.
"Ano po ba ang sakit ni Nique? Is it serious? Malubha ba?" Singit naman ni Knight sa usapan namin ng doktor .
Hindi ko alam kung bakit yan ang tinatanong niya pero unti-unti ay parang nagkakaideya na ako.
"Wala po kayong dapat ipagalala Mr. Monreal, normal lang sa buntis ang maranasan ang mga ganoong sintomas." Nakangiting sagot ng doktor kay Knight.
Nakita ko siyang natulala at natigilan.
Maski ako hindi ko alam kung ano ang ire-react ko.
"You're one month pregnant Ms. Aquino congratulations." Sabi ng doktor.
Hanggang sa nakaalis na ang doktor hindi parin ako nakabawi sa nalaman ko.
Maging si Knight walang nagsasalita saming dalawa.
"Is it true magiging daddy na ako?" Nakangiting sabi niya.
"Yes! Yes! magiging daddy na ako" paulit ulit niyang utas.
Kita ko sa kanya ang tunay na saya sa mukha niya.
Parang may humahaplos sa puso ko sa nakita kong reaksyon ni Knight sa nalaman niya.
"Thank you Nique," pauli-ulit niyang sabi habang buhat-buhat ako. Dahil siguro sa saya kaya niya iyon nagawa.
Nangingilid ang luha sa mata ko dahil sa saya na nararamdaman ko.
Oo masaya pero natatakot rin ako, natatakot na baka hindi matanggap ng pamilya ni Knight ang anak ko.
Hindi na kami natuloy sa paglipat sa apartment dahil nga sa nangyari.
Kung kahapon ay napilit ko siya na lumipat kami ni Nice ngayong alam namin na buntis ako hindi na talaga siya pumapayag.
"Ate ba't biglang nagbago ang desisyon mo. Kanina lang ay gustong-gusto mo ng lumipat pero ngayon parang ayaw mo na." Tanong ni Nice sakin.
"Kasi Nique b-buntis ako." Kinakabahan kong sabi sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero yun talaga ang nararamdaman ko ehh.
"Talaga ate?" Gulat niyang tanong.
BINABASA MO ANG
SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) Completed
RandomMagagawa ba ni Unique ang kanyang misyon na i-seduce ang inosenteng si Knight o magagawa bang baguhin ni Knight si Unique? Tuluyan bang mabago ang buhay ni Unique dahil sa isang misyong SEDUCING MR. INNOCENT.