CHAPTER 15

1.2K 19 0
                                    


UNIQUE'S POV

"Wala naman" then tumahimik na siya.

"Teka lang pwede umupo muna tayo nangangawit na paa ko ehh. Ikaw kasi bigla kang nagdrama" tunawa ako para pagaanin ang atmosphere.

"Naistorbo ba kita? May ginagawa ka ba kanina? " Si Al

"Ahh hindi naman, nagiimpake lang ako ng mga gamit para dalhin ko dun sa ospital" tiningnan ko ang mukha ni Al. Bakas ang pagod sa mukha niya pero bakit nandito siya? Sana umuwi nalang siya sa kanila at nagpahinga.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Bakit ayaw mo bang nandito ako?" Na misinterpret niya naman agad ang sinabi ko.

"Hindi naman, eh kasi dapat nakauwi ka na ngayon sa inyo at nagpapahinga. Alam kong pagod ka kaya bakit ka pa pumunta dito pwede mo naman akong itext eh." Nag aalala din ako sa kanya syempre kaibigan ko parin siya .

"Pagdating ko kasi kanina sa bar galing business meeting sa Baguio. Narinig ko sa mga babaeng waiter at mga dancer na malaki daw ang problema mo dahil sinugod sa ospital ang kapatid mo. Kaya pumunta ako kaagad dito. Nag aalala lang naman ako eh" sabi niya.

"Salamat sa concern Al. Pero di mo naman kailangan pumunta dito lalo na at pagod ka." Marahan kong sabi

"Gusto ko lang naman masiguro na ayos ka lang." Titig na titig siya sa mukha ko kaya naasiwa ako. Agad akong nag-iwas ng tingin

"I'm fine Al. Sige na umuwi kana kailangan mo ng magpahinga." Pagpapauwi ko sa kanya. Halata kasi sa itsura niya na pagod na pagod na talaga siya.

"No, hanggat hindi kita naihahatid sa ospital hindi ako uuwi." alam kong matigas ang ulo nitong si Alfred pero kailangan na niya talagang magpahinga.

"No Al, pagod kana tas magmamaneho ka pa. Umuwi ka nalang at magpahinga kana magkakasakit ka niyan dahil sa tigas ng ulo mo."  Naiinis na ako dahil sa tigas ng ulo niya.

"Sige na Nique hayaan mokong ihatid ka sa ospital kahit naman makauwi ako samin. Hindi parin ako makakapagpahinga hanggat hindi ko nasisiguro na maayos ka.  Please just let me be this time." Pagpupumilit niya. At dahil alam kong matigas talaga ang ulo nitong si Al pumayag nalang ako kesa matagalan pa kami dito.

Mas lalo lang siyang hindi makakapagpahinga kung patuloy parin kaming magtatalo dito.

"Ok umupo ka muna dyan. Ipagtitimpla muna kita ng kape." Agad akong nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.

Pagkatapos kong magtimpla ng kape bumalik agad ako sa sala at naabutan ko siyang hinuhubad ang polo niya.

Nang makita niya akong pabalik na agad niyang isinuot ulit ang kanyang polo.

"Pasensya na mainit kasi. Wala pa naman akong  dalang damit."pagpapaumanhin niya.

"Ah ok lang. Kung gusto mo hubarin mo muna yang polo mo. Para maaliwasan ka kahit sandali lang. Ah eto pala ang kape mo" at inabot ko sa kanya ang timpla kong kape.

"Inumin mo muna yan ."

"Salamat " sabi niya sabay ngiti.

" Sige dun muna ako sa kwarto at tatapusin ko lang yung pag aayos ng gamit na dadalhin ko sa ospital. Gamitin mo nalang yung electric fan para hindi ka mainitan. " Sabi ko at pumunta na sa kwarto ni Unice para kumuha ng damit para dalhin sa ospital.

Mahigit 20 minutes din bago ako nakalabas ng kwarto.

Naabutan ko si Al na nakatapat sa electric fan na nakahubad baro .
Kumbaga 'topless' maganda naman yung katawan niya. Mas maganda pa kay Knight pero di ko alam kung bakit wala talaga siyang epekto sakin di katulad ni Knight na kahit  hindi hubad naapektuhan parin ako.

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon