CHAPTER 25

1K 13 0
                                    

CHAPTER 25

UNIQUE'S POV

Umuwi na kami mula sa mansyon ng magulang ni Knight.

"Babe, I'm sorry dahil sakin nagkagalit kayo ng mama mo." Hingi ko ng paumanhin kay Knight. Nagiguilty ako eh dahil sakin nagkasira sila.

At maari pang dumating sa punto na pwedeng mawala kay Knight ang pinaghirapan niya.

"Don't worry about it babe, magkakaayos din kami ni mommy. And about sa kasal, I will do anything para di yun matuloy. Hihingi ako ng tulong kay daddy." Sabi niya.

"But babe-----"

"Psshhhhh, wag mo na alalahanin yun babe. Ma-i-istress ka lang at hindi yun makakabuti kay baby." Sabi ni Knight.

"Hayyy"

"Inaantok ka na babe matulog na tayo"sabi ni Knight at hinila ako papunta sa kwarto Ni----Namin.

NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumatama saking mukha.

Nang kinapa ko ang bahagi ng kama kung saan ang puwesto ni Knight, wala na siya doon.

May naririnig akong tinig.
Mahina nga lang.

Bumangon na ako hindi pa ko naghihilamos at nagmumumog ay
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Knight di masyadong malayo sa pinto ng kwarto niya.

Nakatalikod sya sakin habang may kausap sa telepono.

"Yes dad, thank you dad. By the way kumusta na po si mom?" Tanong ni Knight.

Dad niya pala ang kausap niya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya sa likod.

"Morning babe" bati ko sa kanya and he gave me a smack at pinagpatuloy ang usapan nila ng daddy niya.

"Ok dadp. Ikumusta niyo nalang ako kay mom. And please send my apology to her."

"Ok dad thanks. Love you too and also mom." At binaba na ni Knight ang tawag.

Hindi lang pala sakin sweet si Knight
Even to his parents. To his mother and to his father na bibihira lang mangyari.

He's a family oriented man at yun ang isa sa nagustuhan ko kay Knight.

Yeah he is a family oriented man at parang ako pa ang makakasira nun. Sana naman hindi  kasi ayaw kong magkasiraan silang magpamilya lalo na yung ina niya.

"Hey babe good morning, breakfast?" Masiglang sabi niya.

"Hmmmm, I want nutella with nips on it tapos ipapalaman ko sa bread." Paglalambing ko sa kanya.

" Babe wala akong ganyan sa ref. But we can go grocery together." Bigla akong naexcite sa sinabi niya.

Isa sa dream ko ay makapag grocery kasama ang lalaking mahal ko.

"Really, you' re not joking right?" Pagkukumpirma ko. Baka kasi paasahin niya lang ako.

"I'm serious babe, mag ayos ka na. Maliligo narin ako. Pagkatapos mag gogrocery na tayo." Sabi niya ng nakangiti at doon ko nakumpirma na hindi nga siya nagsisinungaling.

"Yieeeee, okay babe maliligo na ako." Tumakbo ako dahil sa excited na akong mag grocery kasama siya.

"Babe, wag kang tumakbo baka madapa ka."sabi niya at napahinto naman ako.

Bumalik ako sa kanya at hinalikan siya sa labi.

"Thank you babe." Sabi ko at tumakbo ulit papuntang kwarto namin para makapaghanda na.

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon