CHAPTER 28

1.2K 22 0
                                    

KNIGHT'S POV

DAHIL sa sinabi nila Unice at Japeth na dinukot daw si Unique agad kong tinawagan sina Alfred at Sheen upang humingi ng tulong.

Nakipagtulungan na ako sa mga pulis bago pa tumawag si jewel. Humingi na rin ako ng tulong kay mommy at daddy at agad din naman silang tinulungan ng mga kakilala nilang pwedeng makatulong samin.

"Dude mag-iingat ka "sabi ni Al habang nilalagyan ako ng bullet proof vest ng kaibigan niyang pulis .

"I will bro." Sabi ko. Kita ko ang pag-aalala sa mata niya.

"Knight please save Nique, please" maluha-luhang sabi ni Sheen .

"Don't worry Sheen, promise I will save her no matter what happen." Sabi ko kay Sheen para hindi na siya mag-alala.

Pagkatapos ko masuot yung bullet proof vest agad kong sinuot yung polo at suit ko.

"Here , save yourself also." Sabi ni Al sabay abot sa isang baril.

Tinanguan ko lang siya.

Matagal na akong hindi nakagagamit nito but last time I check magaling pa naman akong gumamit .

Nilagay ko ito sa bewang ko at tinakpan ng suot kong polo at suit.

"Sir nalocate na po namin ang address ng kidnapper." Sabi ng nakasibilyan na pulis.

"Okay lets go men" agad sabi nung kaibigan na pulis ni Al. Mamaya na ako magpapasalamat sa kanya.

Sumakay ako sa kotse ko mag-isa habang sila gumamit ng pangkaraniwang sasakyan upang di matunugan ni Jewel na pulis natong kasabay ko.

Mayroong sasakyan sa unahan ko at sa likod . Hindi masyadong malapit ang distansya at hindi rin naman masyadong malayo.

Nauna na yung sasakyan ng pulis na naglocate sa address na binigay ni Jewel samin.

Medyo bumagal ang takbo ng sasakyan na nasa unahan ko sa tapat ng isang gate na malaki.
Huminto sila hindi kalayuan sa gate na malaki.

"Knight, huminto ka sa harap ng malaking gate," Dinig ko ang boses ng kaibigan ni Al sa maliit na device na nilagay nila sa tenga ko.

Sinunod ko naman ang sinabi niya at pagbaba ko nakita ko ang isang sasakyan na nakabuntot sakin . Nakahinto ito di rin kalayuan sa sasakyan ko.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Jewel.

"Nandito na ako." Sabi ko.

"Baby ang bilis naman, gusto mo ng makasal tayo ano? Haha okay pumasok ka at pumunta sa pinakatuktok ng building nato." Sabi niya. Tiningnan ko ang building na luma na nasa harapan ko.

Limang palapag lamang ito. Wala na akong sinayang na oras at agad kong tinakbo ang lumang gusali na iyon.

Pagdating ko sa huling palapag ay naging mapagmasid na ako.

Biglang nagring ang phone ko at sinagot ko ito.

"I know you're already here baby, just open the door on your left then we can proceed to our wedding." Bakas ang tuwa sa kanyang boses.

"I'm here because you want me to marry you but in exchange you will spare Unique, I'm true to my words Jewel sana ganun ka din," narinig ko pa ang pagsigaw ni Unique sa kabilang linya. Don't you ever touch my girl Jewel or else I don't know what I can do to you.

"You're really a businessman huh! But yeah I promise " sabi niya at nakikinita ko na nakangisi siya ngayon.

Binaba ko na ang tawag at pumasok na sa pinto na sinasabi niya.

SEDUCING MR. INNOCENT (Seducing Series #1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon