HHBH

556 5 0
                                    

Sabi nila ang mga taong nasaktan sa pag-ibig ay nagiging bitter at ayaw ng magmahal muli.

Pero bakit ako? Maraming beses na aking nasaktan sa pag-ibig pero nandito pa rin ako at may ngiti pa sa mga labi.

Oh diba, bongga?

Seriously, bakit ako malulugmok? Sabi nga nila, habang may buhay may pag-asa.

Siguro hindi siya ang nakatadhana para sa akin diba? Malay mo, pagsubok lang pala yun?

Hayyys....pag-ibig nga naman.

"Hoy BABAE!" sigaw ng maganda kong pinsan.

"Bakit ba sweetiepie? Ang aga aga, ang ingay mo!" Sabi ko sakanya habang nakaupo sa mahaba at malambot kong sofa.

"MARIA ELLISSA ERINNE! TUMAWAG SA AKIN SI MR. MENDEZ! KAHAPON PA DAW SIYA TAWAG NG TAWAG. HINDI KA NAMAN SUMASAGOT!" hysterical niyang sabi.

Lumaki naman sa sobrang gulat ang maganda kong mga mata.

Shets! Amputs!

Agad kung hinagilap ang phone ko. Shocks! Mayroon akong 10 missed calls galing kay Mr. Mendez.

Agad akong nag dial. Nakailang ring pa lang ay sumagot na siya.

(Miss Rios?)

"Ahm... Sir? Sorry po kung hindi ko nasagot ang tawag niyo kahapon. Busy po kasi ako." Paliwanag ko sa kanya.

(It's okay Miss Rios, by the way, hindi na pala ako ang boss mo iha. You're new boss is my son. You are going to be his secretary for three months) sabi niya sa akin.

Shootz!

"Ahm...ganun po ba Sir? Kailan po ako magsisimula?" Tanong ko.

(Bukas. Sige Miss Rios. I have a meeting. Be good) sabi niya.

Napatayo nalang ak sa sofa at tumitig kay Julianna.

"Napano ka friend? Galit ba si Mr. Mendez? Hindi naman siya galit nung tinawagan niya ako ah." Sabi niya.

"Sweetiepie, hindi na ako ang secretary niya, hindi na siya ang boss ko."

"WHAT?"

"Kalma couz, yung anak niya na daw ang bago kong boss. For three months."

Nanlaki naman ang mga mata niya.

"Ang bago mong boss ay si Clarence Christian Mendez? Ang panganay na anak nina Bernard Chris at Celestine Sarah Mendez?" Namamangha niyang sabi.

Ang masungit na si Clarence ang magiging boss ko? Bigti na bes.

Napabuntong hininga nalang ako. I have no choice. Malaki ang utang na loob ng pamilya namin sa mga Mendez.

Si Mr. Bernard Mendez ay matalik na kaibigan ni Papa. Dahil likas na matulungin si Mr. Mendez ay pinag-aral niya ako.

Mabait din yung asawa niya na si Mrs. Celestine. Kaibigan din pala siya ni Mama.

Nung nagkakilala sina Sir Bernard at Maam Celestine ay pinakilala nila sina Mama at Papa sa isa't isa.

Bata pa lang ako ay palagi na akong nasa mansyon ng mga Mendez. Maganda naman ang buhay namin noon.

Kaya nga lang nung ipinanganak ni Mama si Dave, nalaman nila na mahina ang puso nito. Kailangan namin siyang alagaan ng mabuti. Sanggol pa lang siya pero naranasan niya na ang ganung klaseng paghihirap.

Nung tumuntong siya ng dalawang taong gulang ay lalo pang lumala ang sakit niya. Napagastos kami.

Naibenta lahat ng pag-aari namin. Tinulungan kami ng mga Mendez. Bilang kapalit ng lahat ng tulong nila, kailangan ko silang pagsilbihan. Eleven years old ako noong nagsimula akong manilbihan sa kanya. Three years old na noon si Dave. Bumuti naman ang lagay niya.

15 years na akong naninilbihan sa mga Mendez.

Kaibigan ko pa nga ang nag-iisa nilang anak na babae na si Christine Clarisse Mendez. Lima silang magkakapatid.

Panganay si Clarence Christian.
Pangalawa si Christof Cleo
Pangatlo si Christine Clarisse
Pang-apat si Christoffer Clyde
Panglima si Crayon Chris

Mababait naman sila pwera lang kay Clarence. Siya ang pinakamasungit sa kanilang lima. He is a ruthless businessman.

Mas naging ruthless pa siya nung iwan siya ng girlfriend niya.

"Kinakabahan ako friend. Masungit si Clarence na yun." Sabi ko kay Julianna.

"Ellissa, kaya mo yan. Tatlong buwan lang naman diba?" Sabi niya.

Magsasalita pa sana ako ng may mag doorbell. Binuksan ni Julianna iyon at bumungad sa amin ang napakagandang Celestine at Christine Mendez.

"Mrs. Mendez, Miss Christine, pasok kayo." Sabi ni Julianna.

Pinaupo ko sila sa sofa.

"Ate Ellissa, Julia, bakit lagi kayong magkasama?" Tanong sa ni Christine.

"Christine, Julia and Ellissa are cousins. Bakit ka na naman nakabusangot?" Malambing na sabi ni Maam Mendez.

"I want to hang out with Ate Ellissa Mommy. Julia, hanap ka ni Kuya Cleo. Girlfriend ka ba niya?" Tanong nito kay Julianna.

"Christine Clarisse!" Sambit ni Mrs. Mendez.

"Ahm..Christine...I am your brother's personal assistant." Sabi naman ni Julia. Medyo namumula naman ang pisngi niya. 

Ano kayang meron kay Julianna Eleanne Rios at Christof Cleo Mendez?

"Ahm...ano pong sadya niyo sa akin?" Tanong ko.

"Lis, nabalitaan ko kasi na ikaw na ang bagong secretary ni Clarence. Gusto ko sanang humingi ng pabor sa iyo." Malumanay na sabi ni Mrs. Mendez.

"Ano po yun?"Tanong ko.

"Please, heal my son's broken heart." She said with pleading eyes.

Huh?

Seriously?

Then, why me?

Hello readers! Another story for you!

Heal his Broken Heart (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon