S O N 1
Mabilis akong tumakbo paalis ng bahay, ayaw ko na kasing makasama pa ang aking ama na puro na lang sakit ang binibigay sa akin. Hindi ko na kaya, kung hindi pa ako umalis sa pwuder niya ay mamamatay na lang ako ng walang kalaban-laban.
Ewan ko ba, kasalanan bang ipinanganak ako ?
Bakit ganun na lang ang pagtataboy niya sa akin ?
Porket isa akong tao na kabilang sa third sex ?
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magisip dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, yung tipong ayaw sayo ng pamilya mo at ang tangi mo lang kakampe sa bahay na yon ang sarili mo. Wala na ang aking ina, wala na siya dahil namatay siya kakadepensa sa akin mula kay tatay.
Ngayon, magisa na lang akong naglalakad sa daan habang hila-hila ko ang maleta ko na may lamang mga damit ko. hahayaan ko na lang siyang mag isa sa bahay para matahimik lang siya.
Kung ayaw niya sa akin ay wala akong magagawa, hindi ko na kasalanan basta tama na yung mga taon na pinakisamahan ko siya.
Habang naglalakad ay napunta ang attention ko sa overpass, kaagad akong umakyat dala-dala ko ang maleta ko. hanggang sa makarating na ako sa taas. Nakaka tanggal ng stress ang mga ilaw na nanggagaling sa kotse, para bang mga laser sa bilis ng pagpapatakbo nila ng sasakyan nila.
" hayzz " buntong hininga ko sabay tingala sa langit.
Napasandal ako sa railings ng overpass at doon muna ako nagpahinga ng sandale. Hinde ko alam kung saan ako ngayon makikituloy, wala akong naging kaibigan at higit sa lahat wala akong kakilala na malalapitan dito dahil panigurado kung tumira man ako sa mga kakilala ko ay hahabulin ako ng tatay ko.
" saan na kaya ako tutuloy ? " malungkot kong sabe, wala eh kung nagkaroon lang sana ako ng ama na maunawain ay hindi ako nangongoroblema ng ganito. Naupo na lang ako sa sahig at hindi na nag abala pa dahil sobra na akong pagod at hindi na kaya ng paa ko dahil sa haba ng nilakad ko.
Naramdaman ko na lang na gusto na ng mata ko na makapagpahinga na kaya pinikit ko na ang mata ko.
Kapipikit ko palang ng mata ko ng may maramdaman akong may kumakalabit sa akin, kaagad naman akong nagbukas ng mata at nakita ko ang isang wangis ng anghel sa harap ko. patay na ba ako para makakita ng anghel ?
" hoy, hindi tulugan ang overpass !! " sabe ng anghel na nasa harapan ko.
" ikaw na ba anghel na susundo sa akin ? " nakangiti kong sabe, pero nakita ko na lang na lumukot ang mukha nitong anghel. Bigla na lang naging nakakatakot ang mukha niya.
" are you nuts ?!! ginigising lang kita dahil hindi tulugan ang overpass !! " sermon niya sa akin.
Kaagad akong napabangon sa kinahihigaan ko at napatayo ako sa paninigaw niya.
" sorry naman, inaantok na ako at ang haba ng nilakad ko.. wala kasi akong mapupuntahan dito kaya iidlip lang sana ako dito.." sagot ko sa kanya, nakakainit pa naman ng ulo yung paninigaw niya. hindi ko gusto ang paninigaw niya para siyang si papa.
" tumayo ka dyan, sa bahay na lang kita papatuluyin pero kinabukasan aalis ka din ah.." mahinahong sabe niya, kaagad akong napahawak sa maleta ko.
" pwede ba akong tumira sa inyu kahit ilang araw lang ? pramis.. maghahanap ako ng trabaho at pag nakaipon na ako ng pang down sa apartment aalis na kaagad ako..." pakiusap ko sa kanya.
Napaisip yung lalaki sa sinabi ko, napatingin siya sa akin panandalian at kaagad naman siyang umiwas sa akin.
" pwede pero ikaw gagawa ng mga gawaing bahay.." sabe nito, kaagad naman akong napatango sa sinabi niya.
" oo ako gagawa sanay naman ako sa gawaing bahay eh.." sagot ko at napangiti naman yung lalaki sa sinabi ko.
" okay deal.." tipid nitong sagot ako, tulad ng sinabi niya ay sumama ako sa kanya hanggang sa makarating kames a bahay niya. 2 storey building ang bahay niya at tingin ko luma na talaga ang bahay.
Kaagad na siyang nauna sa bahay at binuksan na nga niya ang bahay. magulo ng sobra ang bahay niya sa sobrang gulo ay bigla akong nahilo. Marumi pa, parang basurahan na ang bahay niya dahil sa nagkalat na mga lalagyan ng tsichirya. Hinde lang balat ng tsichirya kundi mga ibat-ibang brand ng bote ang nakakalat sa bahay niya.
" bahay pa ba to ? ot tambakan ng basura.." pagtatanong ko, kaagad ko nanaman nakita ang nakakatakot na expression sa mukha nung lalaki.
" bahay to, hinde lang talaga ako nag linis dahil tinatamad ako..." sagot niya, kaagad naman akong napatango at sa itsura ng lugar na ito ay parang may matinding unos ang nangyari para magkaganito ang mga gamit.
Wala akong magagawa kundi linisin tung mga kalat niya, siguro naman makakuha lang ako ng sapat na tulog at pahinga ay magagawa ko lahat ng ito. Baka hindi lang dito ang makalat kundi pati din sa taas.
" hindi lang dito ang makalat dahil makalat din sa taas.." sabe nito, alam ko na na makalat dahil ineexpect ko na talaga.
" dito ka matutulog sa sofa pero kailangan mo pang linisin muna ito." Sabe nito sa akin.
" meron kayung pagkain dito ? gutom na ako hindi pa ako kumakain ng hapunan, agahan, tanghalian tapos hapunan ngayon.." pagtatanong ko sa kanya. gutom na talaga ako at ang hapdi na ng tiyan ko kaya hindi ko na mapigilan na tanungin siya.
" meron sa ref, nga pala bakit hindi ka pa kumakain? Gaano ba kalayo ang nilakad mo ? " sabi nito sa akin.
" hindi ko alam kung gaano kalayo, basta galing akong quezon.. sumabit lang ako sa jeep para mabilis akong makalayo sa amen.. gabi kasi ako lumayas kaya hindi na ako nakakain bago umalis sa amen dahil nga nag layas ako." sagot ko, kaagad naman siyang napatango pero parang natulala tila parang may naisip siyang bigla.
" aakyat na ako, bahala kana sa tutulugan mo.." sabe niya at tuluyan na nga siyang nakaakyat sa taas. Ako naman ay nagtataka man sa ikinilos niya ay dumeretso na rin ako sa kusina para makakain na.
BINABASA MO ANG
Sa Overpass Nagsimula
RomanceSa Overpass nagtagpo ang dalawang tao, sa pagtatagpong ba ito nila mahahanap ang tunay na pagmamahal ?