SON / 22

853 43 0
                                    


SON / 22


Natapos ang kasal at pati sa venue ay sobra akong napagod kasi pinagod ako ni Edward, kasi siya parate nag initiate na sumali kames a palaro sa reception. Parate siyang nag pepresinta na akala mo energetic akong tao.


" natuwa ka ba kanina ?!! aminin mo.. nag enjoy ka din kanina, lalo na yung part na alam mo na .." nakangising sabi nito sa akin, kaagad akong pinamulahanan ng mukha dahil sa sinabe niya. ayaw ko na kasing maalala ang makakahiyang parting yon ng araw.


Nadulas kasi ako kanina then bigla ko na lang siya nahatak kaya napunta ang mukha ko sa may bandang pribadong bahagi niya. hinde ko inaakala na mangyayari yun.


" manahimik ka nga .." naiirita kong sagot pero hinde parin siya tumitigil sa pagkilatis sa akin. nangaasar kasi ang mukha niya, sa tuwing napapatitig ako sa kanya ay naalala ko yung scenario kanina.


Nakarating kame sa parking lot, kung saan solo namen ang lugar. Panay din ang pang-aasar sa akin ni Liezel, tinititigan niya ako habang nakangisi ito. para bang nanunuksong expression nito.


Hinila niya ako at muli nanaman niya akong ikinulong sa kanyang braso, sobrang saya yung na fefeel ko sa tuwing ginagawa niya yun. I always feel that im an important person.


" alam mo, hinde ko alam kung bakit gustong-gusto kitang nakikita parateng namumula.. hinde ko na alam sa sarili ko kung bakit ko gustong-gusto iyon gawen sayo .. pero yung mga ginawa ko sayo ? hinde ko pinagsisisihan yun .. minahal kasi kita dahil sa traits mong yun .. sa totoo lang ikaw lang ang lalaking nakilala ko na may ganoong mannerism .. " sabi niya, seryoso ang mukha niya habang ako naman ay pinamumulahanan na ng mukha sa linya niya.


Hinde ko na alam ang gagawen.


I think I love this man, more than anyone who surrounds us.


Gumalaw ang kamay ko at niyakap ko ang kamay ko papunta sa likuran niya, ramdam ng aking kamay ang napakatigas nitong likuran.


" alam mo Edward .. natatakot ako .." naiiyak na sabi ko, humigpit ang yakap ko sa kanya at sa totoo lang sa kanya ako ngayon humuhugot ng lakas para magsabi ng nararamdaman ko. I want him to know what I feel, I feel towards him.


" bakit ka natatakot ? " sabi nito, seryoso ngunit ramdam ko ang sinseridaad sa boses nito.


" natatakot ako, natatakot akong mahalin ka .. I know im a bit harsh to say this to you but yun yung nararamdaman ko.. siguro ito ata yung dahilan kung bakit hinde pa kita sinasagot .. natatakot ako sa kahihinatnan nito ... alam mo naman yung mga pinagdaanan ko .. at alam mo din na marameng sakit na akong napagdaanan pero sa part na ito ng buhay ako ay natatakot ako mahalin ka kasi baka mag sawa ka sa akin .. pasensiya na, kung nagsasalita ako ngayon ng ganito .." humahagulgol na sabi ko sa kanya, naramdaman ko na lang ang paghigpit din ng yakap niya sa akin.


" ako din .. pero alam mo kung anong ikinatatakot ko ? ang hinde mo ako mahalin .. mahal na kita at kahit na ayawan kita ay malalim na ang hukay na nagawa mo dito sa puso ko, sa totoo lang nahigitan mo pa si liezel sa buhay ko .. sayo ko natagpuan ang happiness na gusto kong makamit, hinde ko nga inaakala na paglalaruan ng tadhana ang buhay ko para ipares ako sayo ... ngayong nandito kana sa tabi ko ay asahan mo hinde na kita papakawalan .. hinde ito isang pangako dahil gagawen ko ito .. dahil mahal kita .." yakap niya ako ng mahigpit, kita ko din ang mga butil ng luha niya na husag lumalandas sa kayang pisnge.


Kasabay nun ay napaiyak na din ako, hinde ko alam ang gagawen ko sa oras na ito dahil ang gusto ko lang gawin ay yakapin siya. niyakap niya ako ng mahigpit at muli ko namang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya.


Yakap na pinunan ko ng pagmamahal mula sa puso ko, gusto kong maramdaman niya ang pagmamahal ko kahit na hinde ko ito kayang sabihin sa kanya ngayon.


Inilebel niya ang sarili sa akin at hinalikan niya akong muli, sa puntong ito ay wala na akong alam sa nangyayari basta sumusunod na lamang ako sa ritmo na ang puso namen ang gumagawa. Ritmong nagdadala sa akin sa isang kakaibang mundo na kahit kailanman ay hinde ko pa naranasan.


Karanasang kailan may hinde ko pa nararanasan sa kamay ng ibang lalaki, siya lang ang alam kong lalaki na kaya kong ibigay ang lahat. Ang puso ko, kaluluwa ko, at ng buong pagkatao ko. Naglakbay ang kanyang kamay hanggang sa naramdaman kong patungo na ito sa aking ibaba, gusto ko man siyang pigilan ay hinde ko magawa. Masyado na akong nalulunod sa halik ng lalaking ito.


" wag tayo dito .. I want our first experience ay maganap sa isang special place .." hinila niya ako papasok sa kotse, kahit na gustong-gusto kong muling maglapat ang aming labi ay pilit ko muna itong ipinagpaliban.


Nakarating kame sa bandang isang resort, katabi lang ng resort na pinag-ganapan ng kasal nila liezel. Sa puntong ito ay muli nanamang napaawang ang aking bibig dahil sa nakakabighaning lugar na ito.


The place is so natural, yet elegant. Kita mo ang mga halaman na pinaghirapan na gupitin para kumorteng hayop na makikita mo sa daan.


Hanggang sa lumabas kame ng kotse at ibinigay niya ang susi sa isang lalaki na may suot na pulang damit na may sombrero.


" wag kang mag-aalala .. ipapark lang niya ang kotse sa baba .." paliwanag nito muli niyang hinawakan ang kamay ko at sabay nameng tinahak ang lugar pataas.


" meron po bang vacant room dito ? " pagtatanong ni edward sa babae, kaagad namang ngumiti ang babae.


" meron pa po, pero nasa bandang dulo po ito .." kinuha ni Edward kaagad ang susi, muli niyang hinawakan ang kamay ko na para bang wala siyang kasawa-sawa sa kamay ko. muling nagtagpo an gaming mga mata na para bang sa bawat minutong nakatitig kameng dalawa sa isa't-isa ay para bang nawawala ang mga pagaalinlangan ko.

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon