S O N 6

1.2K 56 1
                                    


S O N 6

Edward

Hindi ko alam kung anong nangyari pero feeling ko sinaniban ako ng kung ano kaya napapasok ako sa banyo, alam ko namang may tao sa loob dahil naririnig ko ang ragasa ng tubig.

Tulad nga ng inaasahan ko ay nasilayan ko ang ibang parte ng katawan nitong Nyx, bigla akong nakaramdam ng libog. Ewan ko ba kung normal ba ito ?

Basta ang alam ko lang ay straight ako at hindi ako pumapatol sa bakla. Kaagad akong napabangon sa kama para bumamaba. Siguro dala lang ito ng stress ko sa trabaho kaya napababa ako papuntang kusina para makainom na ako ng tubig.

Pagbaba ko ay nasilayan ko siyang natutulog sa sofa, kita sa mukha niya na himbing na himbing na siyang matulog. Tama lang ang desisyon kong tumira siya sa bahay dahil kahit papaano nalilimutan ko na ang ex girlfriend ko.

At siya na parate kong naiisip, siguro naguguluhan lang ako sa nangyayari.

Napalakad na ako papuntang kusina para kumuha ng tubig sa reff, habang lumalagok ako ng tubig ay hindi sinasadyang napatingin akong muli sa gawi ni Nyx. Grabe nakanganga na siya ngayon sa pagtulog, mukha siyang timang sa ayos niya kaya napalapit ako sa kanya.

Paglapit ko sa kanya ay doon ko mas lalong nakita ang bawat ditalye ng mukha niya, sayang tung baklang to. Ang gwapo pala niya kung magaayos lang siya, naiimagine ko tuloy kung babae siya. Napakapula ng labi niya, yung tipong natural yung pagkapula ng labi niya tapos yung ilong niya napakatangos naman ang pagkakahulma at samahan pa na mahahabng pilikmata niya.

Hinde ko maimagine na ginagawa ko ngayon, pinagmamasdan ko ang mukha niya at nageenjoy akong tignan ang mukha niya.

Kaagad kong napagtanto ang ginagawa ko, napatayo ako at kaagad na umakyat sa taas. Ewan ko ba paglipas ng ilang araw na pananatili niya dito sa bahay ay nagiiba na ang takbo ng buhay ko.

Maganda ba itong nangyayari sa akin ?

Humiga na ako sa kama at pinilit kong makatulog pero nabigo ako, pigura kasi ni Nyx ang nakikita ko.

" Hayzz !! " nangigigil na sambit ko, tumitig na lang ako sa kisame hanggang sa makatulog ako.

Nyx

Pagkagising ko kinaumagahan ay kaagad na akong nagluto ng pagkain namen. kaagad akong nagtimpla ng kape dahil magigising nayun malapit na. pagkatapos kong magluto ay naligo na ako at kaagad na nagpalit ng damet para pumasok sa paaralan.

Paglabas ko ng banyo ay nandoon ay nakita ko si kuya na kumakain na sa lamesa sabay higop ng kape niya.

" Good Morning Kuya.." bati ko sa kanya, pero sinungitan niya lang ako. baka bad mood siya kaya hindi ko na muna siya kinausap.

Natapos siyang kumain kaya dumeretso na kaagad siya ng banyo, kaagad kong nilantakan yung niluto ko kanina. Kasalukyan kong hinuhugasan ang pinagkainan namen ng marinig ko siyang nagsasalita sa bandang likuran ko.

Wala siyang suot na pangitaas at ang ibaba naman niya ay natatakpan ng ginamit niyang tuwalya. Kaagad akong napalunok sa nakikita ko, kasi nakabilad kasi yung ABD nya kaya feeling ko namula ako.

" Kuya, pwede po bang magdamit ka na ?" sabe ko sa kanya.

" Nyx, saan- saan ka naman tumitingin eh !! tignan mo tung hawak ko.." sabi nikuya, kaagad akong napatingin sa kamay niya. may hawak siyang isang libo at iniabot niya sa akin.

" gastusin mo sa pagbili ng gamit mo.. unahin mo muna yung uniform mo.. tsaka na yung ibang mga kailangan.." sabe niya sabay lakad niya paakyat. Ewan ko ba, kaagad akong napapasok ng banyo at tinignan ko ang sarili ko. napakapula ng mukha ko, oh my gosh tapos nahagip ng mata ko kanina yung nakabukol sa ibaba niya.

" SHIITT !! " ewan ko bas a tuwing napapatingin ako sa mga ganon ay namumula ang mukha ko.

" sa susunod kasi Nyx iwasan mong mapadako yung mata mo sa mga ganun.." saway ko sa sarili ko. kaagad naman akong lumabas ng banyo at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

Pagkatapos ng ginagawa ko ay kaagad na akong naglakad papasok sa school, siguro kailangan ko munang tipirin tong pera ko sa ngayon. Bibilhin ko muna ang uniform para may maisusuot ako sa school.

Pagdating ko sa school ay pinapasok kaagad akong ni manong guard.

" Good Morning Manong.." bati ko sa kanya, nginitian niya na lamang ako at nag taas ng cap niya. dumeretso na ako sa principal office at kaagad ko namang nakita yung principal.

" tamang tama lang yung dating mo, halika na.. ihahatid na kita sa classroom mo.." sabe niya sa akin, kaagad kameng pumunta sa kulay dilaw na building at pumasok kame sa isang classroom.

" Students.." sabi ng teacher.

" Good Morning Sir, Manaoag.." sabay-sabay na sabi ng mga studyante.

" hello, fellow students.. I would like to introduce to you your new classmate.. please introduce your self.." sabe ng principal, dahan-dahan akong naglakad papunta sa gitna at lahat sila nakatingin sa akin. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang isang pamilyar na lalaki na nakabunggo sa akin malapit sa principal office.

" my name is Nyx Aizen Hermoso, im 17 years old at galing ako sa probinsiya ng quezon.. kung tatanungin nyo po ako ay pwede na po kayong magtanong, yun lamang po.." kaagad naman akong napatingin sa kanilang lahat.

Tulad ng inaasahan ko ay tumayo yung ugok na nakabunggo sa akin kahapon.

" ilan na ang naisahan mo.." nakangisi nitong pagtatanong.

" naisahan ko ? saan naman ako nakaisa ? " patanong na sagot ko sa kanya.

" alam mo nayon, common sense .." muli nitong sagot.

" Wala.." sagot ko.

" Mr. Hermoso, pwede ka nang umupo sa kahit saang upuan diyan.." sabi ng teacher, kaagad naman akong umupo sa likuran. Yung pwesto na malapit sa bintana.

Tingin ko magiging mahirap ang pagaaral ko dito sa school na ito. 

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon