S O N 2

1.4K 75 0
                                    


S O N 2

Pagkagising ko ay dumeretso na ako sa kusina, base sa pagtingin ko sa kusina ay tulad ng inaasahan ko ay madumi rin ito at marameng kalderong hindi nalinis kaya inuna ko na munang hugasan itong kusina bago yung iba.

Inuna ko muna yung mga kaldero at mga kawali para magamit ko mamaya pag magluluto ako, kaagad kong inabot ang scotch brite sa lababo at tinodo ko na ang paghuhugas doon. Pagtapos kong maghugas ng kawali ay sinunod ko naman ang mga pinggan at kutsara at baso. Konti lang ang baso niya sa kusina at ang karamihan ay siguro nabasag kaya marame akong nakitang mga bubog sa sala kanina.

Pagkatapos ko ay kaagad ko lininis ang stove para doon naman ako magluto. Kumuha ako ng pagkain don sa ref at ininit ko yung iba para makain namen nung lalaki. actually hindi ko alam ang pangalan niya kaya nagluto na muna ako. habang nagluluto ay nililinis ko naman ang lemesa na puno ng dume kaagad akong kumuha ng trash bag at pinaglalagay ko ang mga kalat doon.

Siguro mamaya ko nang linisin ang sahig ng kusina pagkatapos nameng kumain ng agahan.

After kong makapagluto ay nilagay ko ang mga niluto ko sa lamesa at nag sangag din ako ng kanin para kumpleto na. hanggang sa makarinig ako ng yabag ng paa na paparating, hinde ko na lang tinignan dahil alam kong yung lalaki yun na nagpatuloy sa akin kagabi.

Pagtingin ko ay nakaupo na siya sa stool at nilalantakan yung niluto ko, kasalukuyan ko pa naman tinitimpla yung kape niya kaya nilagay ko na kaagad ito sa lamesa.

" kape nyo kuya, kumain lang po kayo.." sabe ko sa kanya, habang hinuhugasan ko ang ginamit kong kawali.

" sarap mo palang magluto, konting linis na lang malilinis mo na tung kusina.." bilib na sabe niya sa akin.

Hindi na lang ako sumagot at nagpatuloy na lang ako sa paghuhugas.

" pakabusog po kayo kuya.. itatapos ko lang yung mga kalat na naipon ko sa labas.." kinuha ko na ang trash bag sa kusina at nilabas ko na. hinde lang isang trash bag na puno ang maiipon ko dito dahil sa dame ng kalat ng bahay na ito at panigurado akong sobrang manlalata ako sa dame niyang kalat.

Pagkabalik ko sa kusina ay wala na siya roon kaya tinuloy ko na ang paghuhugas ng lugar, pati na rin ang sala na sobrang dume. Kaagad kong inihanda ang walis ting-ting at dustpan inuna ko munang dakutin yung mga bubog sa sala at pati na rin yung naiwang basag na bote. Tinakpan ko muna yung natirang pagkain para makain ko mamaya.

Pagkatapos ko dinustpan ko na ang paligid, sinama ko na ang kusina. Konti lang ang alikabok pero mas marame ang pinagkainan ng tsichirya.

Nang marinig kong ulit na may bumababa na galing sa taas, akala ko umalis na siya yun pala hinde dahil ngayon ay nakabihis na siya at hawak na niya ang brief case niya.

" malalate ako mamaya kaya ikaw na bahala sa bahay.." sabe niya, kaagad ko naman siyang tinaguan. Kaagad siyang lumabas ng bahay at hindi na niya ako nilingon.

Kaagad kong binilisan ang paglilinis sa baba, pero aaminin kong napakalungkot siguro niya kaya naging ganto ang bahay niya. may napagdaanan siyang parte sa buhay niya na nag tulak sa kanya para maging ganto ang bahay niya.

Hindi ko na yata dapat pang malaman ang parting yon ng buhay niya kaya pababayaan ko siya, imposible kasing makaranas siya ng ganon sa gwapo niyang taglay.

Kaya nag focus na lang ako mag linis at hindi ko na inabala pa ang sarili na kakaisip sa problema niya.

=====

Natapos na ako sa paglilinis ng baba at sobra akong napagod doon kaya yung taas naman yung inasikaso ko, kaagad kong binaon ang napakarameng trash bag at ang balak ko sa mula sa taas ko na lang ibaba ang kalat dahil masyadong malinis na ang baba para dumihan.

Pero hindi pa gaano dahil sa marumi pa den ang sofa, kailangan ko na lang na linisin ang sofa mamaya para mahigaan ko ito. Pagdating ko sa taas ay marameng kalat ang tumambad sa akin, nag mistulang bodega ang taas dahil sa dameng agiw sa taas at mga gagamba. Tingin ko pa nga na mas lalo akong mapapagod sa taas dahil sa sobrang dume.

" mapapasabak ako sag era na tinatawag na World War 2 .." nbagot na sabe ko, kaagad kong kinuha ang ga dume at kinuha ko na den ang mga kalat at pinag-lalagay sa trash bag. Kinuha ko na den ang mga sirang gamet na siguro ay hindi na kailangan pa dahil sa ang rurupok na rin naman.

Pagkatapos kong kunin ang mga basura at mailagay sa trash bag ay kinuha ko naman ang walis tambo para walisin ang ceiling. Pagkatapos kong malinis ang labas ay pumasok naman ako sa kwarto nung lalaki.

Grabe akala ko malinis ng konti ang kwarto niya, yun pala mas malala pa pala ang dume dito kaya kaagad kong dinala yung trash bag at pinagkukuha ang mga kalat sa paligid. Kinuha ko din yung mga damit niyang nagkalat sa kama at sa sahig para mailagay ko sa laundry area. Siguro bukas ko na lang lalabhan para sa kanya, kabayaran ng pagtira ko sa kanya.

Marameng damit ang nakatambak pa sa isang sulok na nasa tabi lang ng kama na hinihigaan niya. grabe ilang buwan nab a itong mga damit niyang hindi nalalabhan ? panigurado akong napabayaan na niya ang mga damit niya sa sobra niyang busy sa buhay niya. kinuha ko ang mga damit niya na para bang inaamag na sa sobrang tagal na.

Nilagay ko sa trash bag ang iba na inaamag na dahil sa katagalan at yung iba naman ay nilagay ko sa another trash bag at yun ang dadalhin ko sa laundry station. Sayang ang gaganda ng mga damit niya pero pinabayaan niya amagin sa katagalan.

Bumalik ako sa taas at tinuloy ko na ang paglilinis at inayos ko din yung gamit niyang magugulo, tinignan ko din ang drawer niya na wala nang halos laman, sinarado ko na lang ulit ang mga ito at inabala na muna ang sarili na ayusin ang mga gamit sa loob. Pati ang study table niya ay inayos ko at binago ko ang porma. Pati bed sheet niya ay pinalitan ko dahil may nakita naman akong bedsheet na nakaplastic na natabunan lang ng mga hinubad niya.

Pagkatapos kong ayusin ang kama niya ay inayos ko naman ang bintana niya para magkaroon naman kahit konting silip ng araw. Pero may nakita akong picture sa ilalim ng kama niya, siguro ang kasama niya sa litrato ay ang babae na minamahal niya kasi ang sweet talaga nila. tinignan ko ang likuran ng picture at doon ko nalaman ang pangalan niya.

' Edward '

Kaagad akong kumuha sa baba ng pamunas sa sahig para kaagad na mawala ang mga naiwang mga alikabok sa sahig.

Kinuha ko ang mga kagamitan ko at sinunod ko naman ang sofa na linisin para makahiga na ako pagkatapos matuyo ng sofa.

Pagkalinis ko ng sofa ay nagabala pa akong magluto ng pagkain sa kusina, pagkatapos kong makapagluto ay nag saing naman ako sa rice cooker niya sa kusina. Natapos lahat ng ginagawa ko ng bandang hapon na kaya, hindi ko na namalayan na sobra nap ala akong napagod sa kakalinis ng bahay niya.

Hanggang sa nakatulog na ako dahil sa sobrang pagod.

/ ito muna ang Update ko, gusto ko malaman kung ano magiging reaction nyo dito.. pag marame ang reads at lumagpas ng bente ay itutuloy ko ito, buti na lang marame akong ideas dito.. kaya nga lang malapet na ito matapos sa draft ko hehhe.. pero gusto ko paunti-unti lang ang post para ma edit ko pa kung ipopost ko na .. /

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon