S O N 8
Edward
Nakaupo ako sa swivel chair ko habang hinihilot ko ang ulo ko, hinde naman ako ganito dati dahil nakasanayan ko nang nakaupo ako dito at iniisip ko lang ay yung mga kailangan pirmahan na mga dokumento.
Pero ngayon ay nangongoroblema na ako dahil dalawang buwan na rin kasi nakatira sa bahay ko si Nyx, baka iniisip nyu yung pagtira niya sa bahay ang iniisip ko pero ang totoo ko kasing iniisip is yung pagaaral niya sa school. Grabe, hinde ko alam kung anong gagawin ko, gusto ko man siyang tignan sa school ay hindi ko magagawa dahil sa kailangan ako dito. Kahit na mataas ang katungkulan ko sa kumpanya ay kailangan ko paring I assist ang mga empleyado ko.
" Kamusta ka na Edward ? " nakangiting sabe ng exgirlfriend ko. ewan ko ba kung iniinis ako nito pero ngayon hindi na ako affected, hindi ko lang alam kung bakit hindi na ako naapektuhan sa pangaasar niya. nasasabayan ko na nga siya eh.
" okay lang naman ako, masayang masaya nga ako eh.." nakangiti kong tugon sa kanya, nakita ko kaagad ang fake niyang ngiti.
" good, para walang samaan ng loob.. ikakasal na kasi kame ni Tyrone Nxt Month eh.." sabe niya, alam kong iniinis niya lang ako.
" good to hear.." nakangising sabe ko, hanggang sa may kumatok sa office ko. pumasok ang nakapulang lalake na may hawak na sobre na malaki.
" Yung pinaasikaso nyo po, pakipirmahan na lang po dito at pwede nyo na pong makuha ang envelope.." sabe nung deliveryman. Kaagad ko namang pinirmahan at nakangiti kong kinuha yung brown na envelope.
Nakaisip ako bigla ng paraan para mapuntahan ko sa school si Nyx, napangiti ako habang iniisip kong makikita ko annaman si Nyx sa eskwelahan niya. Siguro ang busy rin nun sa school ?
" may bago ka na bang kinababaliwan Edward ? " sabe ng ex girldfriend ko.
" Oo, at wala ka na doon.." sagot ko sa kanya, tumayo na ako at masaya kong kinuha ang car key ko. napatakbo pa ako sa sobrang excitement para lang mabilis na makapunta sa elevator.
Pagpunta ko sa parking lot ay kaagad kong pinuntahan ang kotse ko, kaagad naman akong nag drive palabas ng kumpanya.
Pagdating ko sa school ay kaagad akong naman akong pinapasok ng guard dahil kilala niya ako, dati na rin kasi akong nag-aral sa paaralan na ito.
" kamusta na Edward ? muntik na kitang hindi makilala ah ? " sabe ni manong guard.
" ikaw talaga, sa gwapo kong to ? hindi kalimot-limot ang kagwapuhan ko.." pagbibiro ko, totoo naman kasi na gwapo ako eh. Sa paglalakad ko ay marameng napapatingin sa akin, head turner talaga ako nung high school at hanggang ngayon head turner pa rin dahil gwapo nga ako eh.
Sa paglalakad ko ay nakita ko si Nyx na naglalakad pero may nangungulit sa kanya sa bandang likuran niya. nakaramdam ako ng galit nung makita kong kinukulit siya ng lalaki na nasa likuran niya kaya kaagad naman akong napasugod.
Kaagad kong hinila si Nyx palayo doon sa lalaking yon.
" Kuya, nasasaktan po ako.. pwede pong dahan-dahan lang ?" sabi ni nyx kaya napahinto ako sa paghila sa kanya.
" sorry, hindi ko lang napigilan.." sagot ko, pagtingin ko ay nasa likuran na niya ulit yung lalaki nayon.
" excuse me kuya, bakit ka nga pala nandito ? " pagtatanong niya sa akin. Napangiti ako ng nakangiti din siya sa akin.
" dinala ko pala yung mga requirements mo, tignan mo na lang diyan sa loob ng envelope.." sabe ko, tinignan nga niya at napangiti siya ulit.
" hinde na pala ako mahihirapan dahil mataas ang binigay na grado sa akin ni maam, tignan mo kuya.." sabi niya sabay pakita sa akin ng card niya.
Nanlumo ako ng makita ko ang grade niya sa first grading. 85 pataas ang gade niya, sabay hablot pa niya ng form 137 niya. nakita kong may history siyang valedictorian nung elementary kaya matalino siya.
Nung bata pa ako I didn't achieve those grades, inuna ko kasi pagbubulakbol kesa mag-aral ng mabuti. Nakakahiya tuloy kong makikita niya ang mga report card ko sa bahay. nakita ko din ang mga grade niya nung Grade 7 to 9. Consistent na matataas ang grado niya at meron pang mga line of 90 sa 4th grading.
" wow ang talino mo pala bakla !! meron na tayong makokopyahan sa classroom.." sabe nung lalaking nakasunod sa kanya.
" sino ba tong umaaligid sayo ?" pagtatanong ko sa kanya, hinde kasi ako mapalagay sa lalaking ito. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya kaya hindi ko mapigilan na hindi siya samaan ng tingin.
" Siya yung buisit sa classroom, ginugulo niya ang pagaaral ko.." sabe ni Nyx, kita sa mukha niya na buisit na buisit siya sa tuwing nakikita niya yung lalaki.
Tama yan, mabuisit ka pag nandyan siya para sa akin lang ang atensyon mo. Akin ka lang dapat, hindi ko na hahayaang maagawan pa akong muli.
Nagtama ang mga tingin namen nung lalaking umaaligid kay Nyx at tinignan ko siya ng masama, pero nginisihan lamang ako nito. feeling ko nagseselos ako ng matinde dahil ginagawang pagaligid ng lalaking it okay Nyx.
Ito na ata ang confirmation na kailangan ko, gusto ko na nga talaga si Nyx. Kailangan ko na atang mag tapat sa kanya baka maunahan pa ako ng kung sino dyan.
" halika na Nyx, ipapaalam na kita sa adviser mo para makaalis na tayo ngayon.." nakangiti kong sabe sa kanya. kaagad naman siyang sumama sa akin, siya pa nga nag guide sa akin para makausap ko ang adviser niya at ibigay na rin yung requirements niya.
Pagkatapos ko siyang ipaalam ay kaagad ko na siyang isinakay sa sasakyan ko at lumabas na kame ng school.
" Nyx, wag lalapit sa lalaking nangugulo ng pag-aaral mo.. layuan mo siya parate.." seryoso kong sabe sa kanya.
" okay po.." sagot naman niya sabay buklat ng notes niya, grabe ganito pala siya kadedicated mag-aral. Siguro kung makapagtapos siya ay baka mas malagpasan pa niya ako. ewan ko ba kung na coconcious ako sa grades niya oo ako lang itong isip ng isip. Gusto ko sanang umamin sa kanya na nagugustuhan ko siya pero hindi ko yata kayang gawin ngayon.
Kanina sobra talagang nag selos ako don sa lalaking umaaligid sa kanya, kung makangisi akala mo isa sila na ni Nyx. Hinde ako papaya na mangyari ulit yun, kailangan kong maunahan ang lalaking yon sa pag-amin.
" Kuya, mukha po kayong Balisa.. baka po mabangga tayo.." paliwanag ni nyx, pinokus ko muna ang atensyon ko sa daan hanggang sa nakarating na kame sa bahay.
" ikaw na bahala dito sa bahay, babalik lang ako sa opisina ko para tapusin yung trabaho ko.." sabe ko sa kanya, kaagad naman siyang bumaba at pumasok sa bahay at ako naman ay nag drive pabalik ng kumpanya.
Pagakyat ko ay sobra akong masaya dahil feeling ko satisfied ako sa nangyari ngayong araw.
Pagpasok ko sa office ay nakita ko si Liezel ang Ex girlfriend ko na kahalikan niya ang fiancée niya.
" bakit nandito pa kayo sa office ? lumabas na kayo dahil kailangan kong taposin ang mga gagawin ko dito at mabilis na makauwe ng bahay.." nagmamadaling sabi ko, kita ko ang galit ng ex girlfriend ko pero hinde ko na lang inintinde dahil balewala na siya sa akin.
Kapag naging akin na si Nyx ay kaagad ko siyang ipapakilala sa mga katrabaho ko, ayaw ko din naman mag lihim na isang gay ang nagugustuhan ko eh.
Sana lang sa akin ka lang Nyx, ikaw na ngayon ang nagugustuhan ko at hinde ko hahayaang maagaw ka ng iba.
/ anu na mga bess xD may nanalo na !! HAHAHAHHA .. anyway kayu nang bahalang humusga kung gaano kahaba ang hair ni Nyx xD kayu na talaga HAHAH /
BINABASA MO ANG
Sa Overpass Nagsimula
RomanceSa Overpass nagtagpo ang dalawang tao, sa pagtatagpong ba ito nila mahahanap ang tunay na pagmamahal ?