SON 19

877 48 5
                                    


SON 19


Natuwa ako dahil maayos kong nakita si Edward na lumabas ng bahay, walang masamang nangyare sa kanya. kaagad kong hinawakan ang kamay niya nang maramdaman kong mamasa-masa ang kamay nito.


Napatingin ako sa bandang kamay niya at doon ko napagtanto na dumudugo ang kamay nito.


" anung nangyare bakit dumudugo ang kamay mo ? " natatakot kong tanong sa kanya, ewan ko ba pero kinutuban ako sa nakikita kong dugo sa kamay niya.


" tinuruan ko ng leksyon ang papa mo, don't worry.. hinde ko napatay ang papa mo .. iginanti lang kita .. naging sundalo ang papa mo kaya alam kong makakasurvive siya sa mga suntok ko sa kanya .." sagot ni Edward, nakahinga ako ng maluwag pero nagalit parin ako sa ginawa niya.


" dapat hinde mo sinuntok si papa ! dapat inde mo siya ginanon .. ang plano ko sabihin lang sa kanya yung about sa aten at umalis na tayo .." sermon ko sa kanya, pero ngumiti lang ang kumag.


" man to man talk ang tawag sa ginawa namen ng tatay mo .. kaya nga lang may kasama nang suntukan .." sagot nito, pero mali parin yun. Hinde dapat niya binugbog si papa.


Sumimangot na lang ako at tinalikuran ko na lang siya. Pero naramdaman ko na lang ang pagyakap nito mula sa likuran ko.


" wag ka nang magtampo .. well, nakuha ko permiso ng papa mo na ligawan kita .." kaagad akong napaharap sa kanya nung narinig ko ang sagot niya. nakita kong lumabas si papa sa bahay at alam ko na kung saan dederetso yun, sa inuman kasi ganitong oras ay inuman na nila ng mga tito ko.


" sure ka ah ? natatakot kasi ako kay papa kaya hinde ko siya matatanong .." sgot ko sa kanya, hanggang sa napadako ang mata ko sa paligid. Pinapanood pala kame ng mga kamag-anak ko habang gumagawa kame ng eksena sa gitna ng lugar. Kaagad akong nakaramdam ng pamumula sa mukha.


" bakit ka pinamumulahanan ? siguro alam mo nang pinapanood tayo ng kamag-anak mo .." nakangising sabi nito, gusto ko talagang pingutin ang lalaking ito pero bawal kasi baka magtampo ito sa akin.


" halika .. punta tayo sa dati kong school .. nandoon pa ata ang mga dati kong mga bullies at mga kaibigan ko .." sabi ko, dual purpose kasi kung dadalhin ko siya sa school. Meron na akong maitatapat sa mga kaibigan kong may jowa na.


Pero isa lang ang gusto kong malaman ? sana mapahiya ni Edward yung mga nambully sa akin, gusto kong makaganti sa pamamahiya nila pero di yung masyadong grabe yung tipong gagamitin ko si Edward na panakot sa mga yun para hinde na nila ako maasar.


" sige ba .. ngapala sakay na muna tayo sa sasakyan kasi may ibibigay ako sayo .." nakangiting sabi nito, kaagad naman akong nacurious kaya napasunod niya ako hanggang sa nakapasok na kames a loob ng sasakyan niya.


Pagpasok namen ay kaagad niyang hinugot yung pulang kahon na nababalutan ng ribbon na maganda.


" buksan mo .." nakangiting sabi nito, hanggang sa binuksan ko na. habang tinatanggal ko ang ballot ay nagkakaideya na ako kung anong laman ng kahon, tuluyan ko nang natanggal at doon ko nakumpirma na tama pala talaga ang teorya ko.


Kaagad kong hinalikan sa labi si Edward, latest version kasi ng cellphon yung ibinigay niya sa akin. mahal pa naman ang cellphone na ito. hanggang sa ako na ang pumutol ng halikan, nararamdaman ko kasi lumalalim na kaya tinigil ko na.


" couple cellphone tayo .." pinakita niya yung kanya, parehas pala kame ng version pero yung kanya merong nakalagay na Nyx Property at picture namen na magkayakap sa likuran ng Cellphone niya. kinuha ko yung cellphone sa loob ng kahon at tinignan ko yung likod, tulad ng inaasahan ko ay merong nakalagay doon. Edward Property tapos sa picture hinahalikan niya ako sa pisnge habang yakap ko yung bago niyang regaling teddy bear.


" ang cute ng napili mong picture sa likod .." muli ko siyang hinalikan pero sa pisnge ko na lang siya hinalikan. Tong lalaking ito, hinde niya talaga ako binibigo sa tuwing pinapakilig niya ako. nararamdaman ko nanaman ang pamumula ng mukha ko nung maalala ko yung deretsahang paghalik ko sa labi niya. that's the first time na naghalikan kame, kita ko sa mata ni Edward na gusto niya pa ng kiss. Pero hinde ko na siya napansin kasi nahihiya na ako.


" okay .. wag mo na ako ikiss .. tsaka na lang ulit .. dale saan ba yung school nyo pupuntahan naten ..." sabi ni Edward, nawala ng slight yung hiya ko at tinuro ko yung daan pero ituturo ko palang yung daan ay naramdaman ko na lang na lumapat yung lips niya sa lips ko.


" your lips wifey .. alam mo bang unang beses kong nalasahan ang lipss mo ? may bago na akong kaaadikan .. at tingin ko, hinde ko mapipigilan ang sarili ko na halikan ka everyday .. kaya bantayan mo yang lips mo, kasi nanakawan kita ng halik .." pilyong sabi nito, ako naman muli nanamng pinamulahanan ng mukha. Mas lalong pumula ang mukha ko kesa sa kanina.


Alam na alam talaga niya kung paano ako pakiligin ..


Kaya siya ang gusto ko kasi siya lang ang nakakaalm kung ano ang halaga ko, siya lamang ang taong nakakagawa sa akin. I even feel my heart skip a beat when I first saw him sa Overpass.


" Edward .. punta na tayo sa school .. pag nagtampo ako, sige ka .." pagbabanta ko sa kanya, kaagad namang nanlaki ang mata niya at nagmadali siyang buksan yung engine ng sasakyan.


Gusto ko din yung pagiging taranta niya minsan ..


Nakakainlab haahaha


/ UPDATE NANAMAN xD /

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon