S O N 5

1.2K 59 0
                                        


S O N 5

Dumaan ang mga araw na hirap na ako mag lakwatsa kakahanap lang ng matinong trabaho, marame kasi akong pinuntahan na merong job offer pero lahat ng yon ay puro pangangatulong. Hinde pumapasa sa akin yung mga nakikita kong mga amo dahil mukha palang manyak na at baka pagsamantalahan nila ako sa loob ng bahay nila.

Ewan ko ba pero parateng napapansin ng manyak ang kutis ko, pati na rin ang figure ko kaya nag hanap ako ng mga job offer sa mga fast food chain pero hinde sila tumatanggap ng hinde pa nakapagtapos ng high school.

Siguro kailangan ko munang ipagpatuloy ang pagaaral ko, pero naiwan ko lahat ng gamit ko sa bahay at mga requirements ko sa school. Kausapin ko kaya si Edward tungkol dito ?

Siguro mamaya pagdating niya, ngayon pupuntahan ko muna ang pinakamalapit na school dito sa bahay. kaagad naman akong naglakad papalabas ng subdivision, tumawid pa ako tapos naglakad na muna ako ng mga 5 minutes hanggang sa makarating ako ng sakayan.

Naglakad lang ako ng diretso hanggang sa nagtanong na ako sa ale kung saan makikita yung high school dito.

" maglakad ka muna ng diretso, sa bandang dulo naman ay dalawa na yung daan.. kumaliwa ka at sa kaliwa may madadaanan kang simbahan at Elementary school. Paglagpas mo dun, may tatlong daanan kaya kumaliwa ka ulit.. pagliko ko may matatanaw kang naglalakad na nakaunigorm na.. uwian pa naman ngayon ng studyante kaya mabilis mo lang makikita ang eskwelahan sag awing yon.." paliwanag niya sa akin.

" salamat po.." sagot ko sa kanya, ngumiti na lang saken si ate at nilagpasan ko na siya.

Tumakbo ako para mabilis akong makapunta doon, tama nga ang sinabe ng ale dahil nakita ko na kaagad ang building kung saan marameng mga nakauniform na papalabas ng gate. kaagad akong pumasok sa gate para makapagtanong na ako.

" Manong saan po dito ang principal Office ? papaturo lang po kase ako kung paano mag transfer dito .." paliwanag ko, napangiti na lamang si manong.

" don lang ang office.." turo niya sa may bandang kaliwa ay meron ngang nakasulat na principal office sa gilid.

" salamat po.." masayang sabe ko sa kanya. kaagad na akong dumeretso sa office dahan-dahan lang ako naglalakad nang malakas akong mabangga ng tumatakbong studyante dito sa school na ito.

Napasalampak sa sahig ng malakas ang pwetan ko, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na hawakan ang pwetan ko. sobra kasing sakit nung pagkakasagi niya sa akin.

" ano ba naman yan, tumayo ka nga dyan bakla !! " sabe nung lalaking nakabangga sa akin.

Tumayo na kaagad ako tinignan ko siya ng masama, hindi ko hahayaang ibaba nila ang morality ko.

" wala manlang sorry diyan ? ikaw na nga nakabangga diyan ikaw pa yung galit ?!! " galit ko ding tugon, ewan ko ba pero masyado atang puno ng mga immature ang school na ito.

" tumahimik ka nga diyan bakla !! hindi mo ako kilala !! " banat niyang sabe sa akin.

" parehas lang tayo na hinde naten kilala ang isa't-isa.. anyway, maghanap ka na lang ng kausap mo.. bored ka ata eh.." sagot ko sa kanya at nilagpasan ko na siya. Ayaw kong pumatol sa mga katulad niya.

Alam kong masama siyang nakatingin sa akin pero hindi ko pinansin yon, mahalaga kasi ngayon na malaman ko kung anong gagawen ko para makapag transfer na ako dito.

Pagkapasok ko sa Principal Office ay kaagad naman niya akong pinaunlakan na umupo sa harap niya.

" ano iho, bakit ka nandito ?" sabe nung principal.

" uhmm, nandito po kasi ako para mag transfer sa school niyo.." sagot ko, kaagad siyang may hinalungkat sa drawer niya at naglabas na siya ng form.

" sagutan mo yang maikling exam na yan, tapos pag pumasa ka dyan ay pwede ka nang mag enroll dito.. pwede ka nang mag start bukas, kailangan nga lang ay ipapasa mo ang requirements bago matapos ang taon.. lalong-lalo na yung birth certificate at form 137 at card.. kahit hindi na muna ang 1 x 1 picture mo.." paliwanag nito, kaagad ko namang sinagutan yung exam. Pagkatapos kong sagutan ay kaagad naman niyang sinuri yung papel ko.

" Well, bukas pwede ka nang mag-aral.. nakapasa ka naman sa exam kaya okay lang.. sa ngayon sagutan mo muna itong form.. hihintayin kita bukas dito sa office ko ng maaga.. meron ka bang uniform ? " sabi nito.

" wala po akong uniform.." sagot ko sa kanya, ngumiti siya.

" mag pantalon ka at puting t-shirt, kaagad kitang ihahatid sa section mo bukas.. magdala ka atleast ng notebook at ballpen.." sagot nito.

" salamat, maaga na lang po akong papasok bukas.." sagot ko sa kanya, ngumiti na lamang ito sa akin at sinamahan na niya ako papalabas ng school.

" Manong, papasukin nyo tung batang ito bukas.. wala pa siyang uniform kaya nakapantalon at nakaputing t-shirt lang ito bukas.." paliwanag ng principal.

Lumabas na ako ng school, binilisan ko ang paglalakad para makauwe na ako kaagad. Pagkauwe ko sa bahay ay kaagad akong nag sangag ng kanin at nagluto ako ng ulam.

Tutal marameng gulay sa reff kaya nag chop suey na muna ako ngayon para masustansiya naman ang makain namen.

Pagkatapos kong magluto ay inihanda ko na ang ulam at yung kanin sa lamesa, dumeretso na muna ako sa banyo para makaligo na rin ako. binabad ko ang katawan ko sa sabon ng ilang minuto. Nakagawian ko na kasi gawen ito para sa skin ko, bata pa kasi ako maputi na ako kaya inaalagaan ko lang.

Magbabanlaw na ako ng marinig ko na may nagbukas ng banyo, nakita ko si Edward na binuksan ang banyo. Napatingin siya sa gawi ko, kaagad kong binalutan ang sarili ko ng tuwalya at siya naman ay nagmadaling lumabas ng banyo.

" Nyx, hindi ko sinasadya na pumasok ng banyo ah.." sagot ni Edward, kaagad akong tumakbo sa pintuan ng banyo at kaagad na sinarado. Hindi kop ala na lock ang pinto kaya nakapasok siya.

" okay lang kuya, ako kasi may kasalanan dahil hinde ko sinarado yung pinto.." sagot ko dito, binilisan ko ang pagligo ko, kaagad naman akong nagbihis at paglabas ko ay kaagad na akong dumeretso sa kusina. Kasalukuyan niyang kinakain yung niluluto ko.

" ngapala Edward, pumunta ako sa malapit na school dito.. nakapasa ako sa exam kaya pwede na ako pumasok kinabukasan.. gusto ko sanang asikasuhin mo yung requirements ko sa dati kong school.. hinde ko kasi kayang kunin yun eh, baka kasi makita ako ng papa ko.." paliwanag ko sa kanya.

" pakuha ng request letter sa school at ipapa LBC ko na lang.. sila na ang kukuha ng requirements mo.." sagot nito sa akin.

" salamat.." sagot ko, masaya akong napatingin sa plato ko at nag sandok na ako ng pagkain.

" ngapala, dito ka na lang sa bahay mag trabaho.. ako mag papasweldo sayo.. hindi ko kase maasikaso tung bahay tapos malinis ka pa magtrabaho kaya dumito ka na lang.." sabe nito, napangiti naman ako sa sinabe niya.

" salamat ulit kuya.." sabe ko sa kanya. nung matapos na kameng kumain ay nilagay na niya ang pinagkainan niya sa sink at ako naman ang nag hugas ng pinagkainan namen.

Bukas makakapasok na ako, gagamitin ko na muna ang blanko kong notebook sa maleta.

/ Pasensiya na kung masyadong matagal ang Update / 

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon