SON 18
Umalis kame ng maynila para magtungo sa quezon, kung saan nakatirik ang bahay namen sa lupain ng mga kamaganak ko. sa totoo lang ang angkan namen ay nakatira sa isang lupain at halos isang barangay kame sa dame pero hinde lahat ng tao doon ay kamag-anak ko. meron din namang nakatira sa lugar na iyon na hinde namen kamag-anak, lalo na yung mga kamag-anak namen na may negosyong apartment for rent.
Kinakabahan man ay lumabas ako sa kotse, kaagad nakuha ng pagbaba ko sa sasakyan ang atensyon ng mga tao sa paligid. Tila inuusisa nila ako at ang kasama kong lalaki. hanggang sa nakarating kame sa gitna ng lugar kung saan nakatirik ang bahay namen.
Kahit na natatakot ako ay buong lakas akong naglakad papasok sa loob ng bahay namen habang hawak ko ang kamay ni Edward.
" kinakabahan ka nyy .. stay calm .. hinde ka niya masasaktan dahil nandito ako poprotektahan kita .." sabi ni Edward, gumaan ang aking paghinga nung sinabe niya ang linyang yun.
Pumasok kame sa bahay, tulad ng inaasahan ko ay madumi na ang lugar at nagkalat ang mga gamit sa paligid. Mga basag na bote, plato at mga sirang gamit ang nagkalat sa paligid. Pati ang matino nilang TV ay wasak na dahil may nakabaong palakol sa mismong screen nito. nakita ko ang aking ama na naninigarilyo habang hinahasa nito ang kanyang mga kutsilyo. Alam na alam ko ang mga kutsilyo na iyon. Ang mga kutsilyong ginamit niya sa akin para pahirapan ako at gawin akong kaawa-awa buong buhay ko.
Tahimik lang akong nakatitig sa kanya habang walang emosyong nakatitig sa akin si ama pabalik. Hinde ko mahulaan ang gagawin niya, haggang sa lumapit na ako sa kanya at aakto sana akong magmamano pero iniwas niya ang kamay niya.
" bakit bumalik ka pa ? dapat tinuloy-tuloy mo ang pag-alis mo.." walang tono ang pagkakasabi nito pero wala na akong pakialam. Magulang ko pa din siya at kailangan kong ipaalam sa kanya kung ano man ang magiging status ko sa buhay ko.
Siya na lang ang natitirang magulang ko, sayang wala si ina para paunlakan kame at papasukin. " gusto ko lang ipakilala sa inyo ama si Edward .. yung manliligaw ko.." sabi ko, napatayo si papa sa kanyang kinatatayuan at kinwelyuhan ako.
" at may gana ka pang ipamukha sa akin yang pinag-gagawa mong immoral ?!! puhta ka talaga !! " malakas na sabi nito, sabay kuha niya ng kutsilyo. Muli nanamng bumalik ang takot at pangamba na dulot niya sa pagkatao ko. kahit kailan wala na akong magagawa sa ugali ni ama, ganyan talaga siya. Isa kasi siyang retired soldier ng bansa kaya hinde niya matanggap na naging bakla ang anak niya.
Ako sana ang magmamana ng apelyido niya pero hinde na mangyayari yun dahil naging bakla ako. at dahil pinilit ko ang kasarian ko ay ganito ang trato niya sa akin.
Sasaksakin ako ni ama nang pigilan ito ni Edward, siya ang huminto kay itay at sila na ngayon ang nagkatitigan.
" lumabas ka muna nyx, maguusap lang kame ng masinsinan ng ama mo .." seryosong sabi ni Edward kaya wala akong pagpipilian kaya lumabas ako. sana maging okay lang ang magiging kahihinatnan ng paguusap ng dalawa.
Edward
" sa totoo lang nacucurious ako kung bakit ganun na lang ang inabot ng anak nyo sa inyo ? ganun ba siya kawalanghiya para gawin yun sa kanya ? halos ikamatay na niya ang mga pinag-gagawa mo sa kanya .." walang emosyon na sabi ko sa tatay ni nyx. Wala ding emosyon itong nakatitig sa akin.
" wala siyang kwentang anak kaya dapat lang niya danasin yun .." sagot ng tatay ni nyx, hinde ako makapaniwala na merong taong tulad ng tatay ni nyx ang nabubuhay sa mundo. Hinde na ako nakapagpigil pa..
" nandito pala kame ng anak mo para ipakilala niya ako bilang manliligaw niya .. pero isa lang ang naging konklusyon ko sa nangyari .. kung ganito din pala ang mangyayari ay hinde na dapat pala kame pumunta dito at nag effort para ipaalam sa walang kwentang tulad mo ang nangyayari sa amen .. sa totoo lang kaya ko siyang pagsamantalahan na lang at tuluyan ko na siyang maging akin.. mahal na ako ng anak mo at gayun din ako sa kanya, kung sakaling ginahasa ko siya ay akin na siya .. pero hinde ko yun tinatake advantage dahil mahal ko ang anak mo, I don't know whats on him but im really attracted to him .. at hinde ko kinahihiya yun.." sagot ko sa kanya ng pabalang. Wala akong pakialam kung anong mahihimigan niya sa sagot ko pero nawawala na ang respeto ko sa taong nasa harapan ko.
" hayop ka ! ngayon nahawaan ka na ng kabaklaan ng anak ko ! parehas kayong mga immoral ! hinde na dapat kayo binubuhay ! " sagot nito sabay kuha nito ng patalim sa lemesa. Tatangkain akong patayin ng ama ng nililigawan ko.
Iniwasan ko ang atake niya sabay suntok sa tiyan nito. kaagad na namilipit sa sakit ang tatay ni nyx dahil sa ginawa ko, tama lang naman ang ginawa ko. bigla ko na lang naramdaman na nagdilim ang paningin ko. hinde ko na makontrol ang sarili ko hanggang sa napuruhan ko na ang tatay ni nyx. Ewan ko ba pero bumabalik nanaman ang pagkamaton ko sa away.
" hinde ako bakla, hinde ko kasalanan na mahulog ang loob ko sa anak mo .. kahit na may matinding pinagdaanan ang anak mo sayo ay hinde niya pinapakita sa iba na mahina siya .. sa totoo lang hinde niya deserve na magkaroon ng tatay na isang katulad mo .." sagot ko dito sabay nagpakawala ako ng suntok sa pisnge nito. tila walang buhay ang puso ko at nawawala ang awa ko sa taong nasa harapan ko.
" hinde ka dapat tawaging isang ama sa totoo lang dahil hinde ka naman naging isang ama sa anak mo .. isa ka lang tao na iniisip na kaimoralan ang isang lalaki na nagkakagusto sa kapwa nito lalaki .. isa ka lang taong ayaw na madungisan ang kanyang pangalan .. sa totoo lang mas prioridad mo ang reputasyon mo kesa sa anak mo .." banat ko pa sa kanya, sabay suntok naman sa kabilang bahagi ng mukha nito.
" kahit na ganoon ay may respeto padin sayo ang anak mo na si Nyx .. naikwento ni nyx sa akin ang naging buhay niya, at hinde ko na hahayaan pang masaktan ulit siya ng dahil sayo .. kung kailangang patayin kita ay gagawin ko para tuluyan nang sumaya ang pinakamamahal ko .." banat ko pa ulit sabay tayo, hinde ko na hahayaan na mangyari pa ulit ang naging karanasan ni Nyx sa taong ito.
" sa totoo lang hihingi sana ako ng basbas sayo para pormal kong maligawan ang anak mo pero wala na ang respeto ko sayo .. nawala na .." wala paring emosyon na sagot ko sa tatay ni nyx. Aalis na sana ako ng hawakan nito ang dulo ng pantalon na suot ko.
" tama ka .. hinde ako naging mabuting ama .. hinde nga ako karapat-dapat na sabihang tatay kaya sa pag alis nyo dito .. binibigyan kita ng permiso na ligawan ang anak ko .. pero wag mo akong gagayahin, mahalin mo ang anak ko .. di tulad ng ginawa ko sa kanya .. kay nyx .." sagot nito habang nakangiti ito sa lapag. Kita sa mukha nito na siya ay tumatangis. Tumayo na ito ng tuwid, di niya alintana yung sakit na ginawa ko sa kanya.
" sayo ko na ipinagkakatiwala ang anak ko .." huli nitong sinabi sabay akyat nito pataas ng hagdanan ng bahay nila. paglabas ko ng bahay ay bumungad sa akin si Nyx. Nagaalala ito sa akin, siguro dala ng takot nito sa kanyang ama at kung anong maaring gawin nito sa akin.
I've been through a lot na mas grabe pa sa mga nangyare sa buhay ni Nyx.
Kaya wala na akong kinakatakutan dahil sila na ang natatakot sa akin.
/ UPDATE NANAMAN xD /
BINABASA MO ANG
Sa Overpass Nagsimula
RomanceSa Overpass nagtagpo ang dalawang tao, sa pagtatagpong ba ito nila mahahanap ang tunay na pagmamahal ?