S O N 7
Natapos ang klase at breaktime na kaya kaagad kong kinuha ang notebook kong baon at ballpen para lumabas na ng classroom. Nang may humarang sa harapan ko sa pinto, nakangisi ang ugok na nasa harapan ko habang intense na nakatingin sa akin.
" alam mo, hinde ako naniniwala na wala ka pang naisahan bakla !! bakit hinde ka naging honest kanina ?!! " namamahiyang sabe niya, naririnig siya ng iba nameng kaklase.
" hinde ako nagsisinungaling kanina, wala pa akong naisahan.. disente akong tao kaya wag kang mang akusa ng mali sa akin.." matapang kong sagot sa kanya.
" ah.. tlaga lang ?!!! pare-parehas lang kayong mga bakla.. mga linis tubo, kung virgin kappa gusto mo ako maka virgin sayo ?!! tamang – tama sumama ka sa Cr dale.." nakangising sabe nito sa akin.
" alam mo, kung maghahanap ka ng pagtitripan mo ay wag ako.. dahil hindi ako pumapatol sa immature na tulad mo.." walang emosyon kong sabe sa kanya, nilagpasan ko lang siya at nagpatuloy na akong maglakad papunta sa canteen.
Nakita ko ang mga studyante na galing sa likod ng isang building kaya alam kong nandoon ang canteen. Pagpunta ko doon ay napakasikip naman pala ng canteen nila at sobrang siksikan ang loob kya mainit ang lugar.
Hindi na ako nakipagsiksikan at umupo na lamang ako sa ilalim ng puno sa harap ng building namen. kaagad kong naalala yung sinae ni kuya na bilhin ko daw muna ang uniform kaya nilapitan ko kaagad si maam, yung adviser namen na aakyat ng building namen.
" maam, saan po bilihan ng uniform ? " tanong ko sa kanya.
" malapit sa canteen sa may tabi, bago ka pumasok sa loob ng canteen may bintana doon.. " sabe ni maam kaya bumalik ako sa canteen, pagtingin ko ay meron ngang bintana doon at meron pang nakapila nga lang kaya pumila na muna ako.
Hanggang sa ako na ang bibili ay kaagad akong bumili ng uniform, pagtingin ko ay bagay naman sa akin yung uniform.
Kaagad ko namang binayaran ang uniform at bumalik na ako sa classroom, pagpasok ko sa classroom ay wala pang teacher pero nagdadaldalan ang mga kaklase ko.
" alam mo sayang yung bago nateng kaklase, dahil balita ko bakla raw yun.." sabe nung babae sa harapan ko.
" bakit ganun ? lahat ng gwapo kailangan ay tanungin mo muna kung bakla or lalaki ? " patanong na sagot nito sa kaibigan niya. ako ba pinariringgan nito ?
Hindi ko na lang pinansin ang sinabe nila at tumingin na lamang ako sa orasan sa loob ng classroom. Hanggang sa dumating na nga ang teacher namen, nakangiti ito hanggang sa napunta sa akin ang atensyon niya.
" bago ? " sabi niya, tumango na lang ako sa kanya. napatango rin siya bilang response.
Kaagad naman siyag nag discuss kaya nga lang mag nangungulit sa tabi ko. tumabi sa akin yung ugok at kasalukuyan akong kinakalabit nito.
" kailan ka titigil sa pangangalabit ? " nababanas na sabe ko sa kanya.
" hanggang sa tumingin ka sa akin.." sagot naman niya, tinginan ko siya ng masama at siya naman ay nakangiti na parang tanga.
" masaya ka na ? " sabe ko sa kanya sabay tingin kong ulit sa dinidiscuss ni sir.
Ewan ko ba pero naiinis ako sa presensiya nitong taong ito, may nagsasabing layuan ko daw tung taong ito.
Naalala ko na kailangan kong kumuha ng request para makuha ang requirements ko sa dati kong school kaya nagpaalam muna ako sa teacher namen na may important matters ako sa adviser namen. pagkakuha ko ay kaagad naman akong bumalik g classroom.
Hindi ko na lang pinansin ang ginagawa niya hanggang sa natapos ang klase, kaagad kong inayos ang gamit ko at hinawakan ko ng maigi para mabilis akong makaalis dito sa paaralan. Sa dati kong school ay nangguguglo ng buhay ko tapos sa bagong school ay may bagong nangungulit nanaman sa akin.
" Jhomarie.. halika na.. masyado ka nanamang natutuwa sa bago mong laruan.." sabe ni ng mga katropa niya.
" bye, pet.. bukas ulit ah ? " sabi nito, kaagad na ikinakunot ng noo ko yung sinabe niyang pet. Pero bago pa man ako magalit ay wala na siya sa harapan ko, kasalukuyan na niyang kasabay ang tropa niya.
Naiinis man ay inalis ko na muna sa isip ko yung sinabi niya, dumeretso na ako sa bahay para makapaglinis na ako doon at labhan ang damet ni kuya. 2nd grading na ngayon at buti na lang nakapag test ako ng periodical test doon sa quezon bago ako umalis.
Kaya babawe na lang ako sa grading na ito, sa ngayon kokopya na muna ako ng notes sa mga kaklase ko. pagkauwe ko ay kaagad akong nagsaing sa rice cooker at nagluto naman ako ng ulam namen.
Pagkaluto ko ay kaagad kong kinuha ang uniform ko maihanda ko na. umakyat ako sa taas para kuhain ang mga labahin ni sir. Nakuha ko ang mga labahin niya kaya nga lang nasa isang sulok lang yung underwear niya kaya dinampot ko na lang at nilagay sa basket. Nilagay ko na lang ang underwear niya sa basket at kinuha ko yung mga polo niya at slacks na gamit na.
Kaagad kong dinala sa Laundry Area sa likod para kaagad na malabhan kasama ng damet ko. pagkatapos kong labhan ay kaagad ko naman ito nilagay sa dryer at maisampay.
Bumalik ako sa loob ng bahay para patayin yung rice cooker, tapos naalala ko yung ginawa ko kanina. Nahawakan ko yung underwear ni kuya, kaagad naman akong pinamulahanan ng mukha.
Bakit kasi big deal sa akin ang paghawak ng underwear ng ibang tao ?
Binuksan ko ang tv at nanood na lamang ako habang hinihintay ko siyang dumating. Para sabay na kameng kakain at maibigay ko na sa kanya yung request na bigay sa akin ni maam.
Sa totoo lang nakasanayan ko nang kumain kasama siya kaya kahit gutom na ako ay hinihintay ko siya, ganun din ba ang na fefeel niya ? sabik kaya siyang umuwe para sabay kameng kumain ?
Siguro imposible yung naiisip ko..
Imposible talagang mangyayari yun..
/ tagal kong hinde nakaupdate dito sana mapatawad nyo ako !! HAHAHA /
BINABASA MO ANG
Sa Overpass Nagsimula
RomantikSa Overpass nagtagpo ang dalawang tao, sa pagtatagpong ba ito nila mahahanap ang tunay na pagmamahal ?