S O N 10

1.2K 59 8
                                    


S O N 10


Nyx


Pagdating ko sa bahay ay nagpahinga muna ako sa bahay tapos nanood muna ako ng tv. Naalala kong kailangan ko na palang kunin yung hinubad niya sa taas kaya kaagad akong pumunta sa itaas para kunin yung labada niya, pagtingin ko sa lagayan niya ng damit ay puno na yung basket niya at nasa gilid lang ng basket yung underwear niya. 2 weaks na rin ang nagdaan at hinde manlang niya malabhan yung underwear niya kaya kinuha ko na at ako na ang mas kukusang loob na labhan ang mga yon.


Pagkuha ko ng damit niya ay kaagad naman akong bumaba para pumunta sa laundry area, kaagad kong nilapag ang mga labahan para mabukod ko muna ang mga puti sa di color.


Nung hahawakan ko nang muli ang mga underwear ay kaagad akong pinamulahanan ng mukha, nakakahiya kasi hawakan ang underwear niya. lahat kasi ng underwear niya ay kulay white at puro calvin klein ang tatak grabe.


Sinama ko na yung underwear niya sa washing machine para maisama sa mga puti at I washing muna. Nung matapos kong labhan ang mga damit niya ay hapon ko nang naisampay ang lahat ng mga yon.


Pagpasok ko sa bahay ay nagluto na kaagad ako ng ulam, inuna ko munang ayusin yung sinaing para habang nagluluto ako ay naluluto na rin yung kanin. Pagtapos kong magluto ay nagpahinga na muna ako saglit at nanood muna ako ng tv.


Mamaya pa ay dumating na si Edward pero may dala siyang higanteng teddy bear. Grabe ang laki naman nung teddy bear na dala niya, nalula ako dahil mas malaki pa ata yung teddy bear sa akin. Nakangiti itong nakatingin sa akin habang hawak niya yung teddy bear.


" Nyx, sa taas kana matutulog.. dalhin mo na rin yung gamit mo don.." sabi niya habang naglalakad papalapit sa akin. Hanggang sa binitawan na niya yung teddy bear sa harapan ko.


" Oo nga pala, para sayo yang Teddy Bear nayan.." sabi niya pero hindi ko na nakita pa ang expression ng mukha niya dahil nagmadale na siyang pumunta sa kusina. Kaagad ko namang kinuha yung gamit ko at doon ko sa gilid nilagay.


Yung teddy bear naman ay nilagay ko na din sa kwarto, ang lambot pala ng teddy bear. Kaagad kong inisip kung masarap bang itabi ang ganung kalaking teddy bear. Kaya mamaya itatabi ko yun, pero ang nakakapagtaka nga lang ..


Bakit ako bibigyan ni kuya Edward ng malaking teddy bear ?


Kaagad na akong dumeretso sa kusina para masabayan ko na siyang kumain, akala ko kumakain na siya yun pala hinde pa. siguro inaantay ako nito para sabay kameng kumain.


" maganda ba yung teddy bear ? " pagtatanong niya, napangiti naman ako sa tinanong niya.


" Oo, ang lambot nga eh.. sarap yakapin.." sagot ko, ngumiti siya sa pagkakasabi ko.


Sinandukan ko na siya ng pagkain niya sa plato niya at nagsandok na rin ako ng pagkain ko. sabay kameng kumain ng maalala ko ang dapat kong sabihin.

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon