S O N 4

1.2K 63 1
                                    


S O N 4

Kaagad ko namang sinimulan ang paglalaba ng sangkaterba niyang mga damit. Hanggang sa nahawakan ko sa loob ng washing machine ang brief niya, kaagad akong nag blush sa nahawakan ko kaya kaagad ko na itong pinasok sa loob ng washing machine para banlawan ang damit niya.

Pinaghiwalay ko pa kasi ang mga de color at ang mga puti niyang damet. Base sa damit niya ay mahilif pala siya sa polo, puro puti ang mg polo niya at kailangan maputi ito dahil damit niya ata ito pamasok.

" kailangan ko ng matinding powers para mapaputi ang damet niya.." wala sa sarili kong sabe, pero naalala ko yung kulay puti niyang underwear kaya kaagad naman akong nag blush. Siguro wala lang naman sa kanya kung lalabhan ko yung underwear niya ..

=====

Natapos na ako sa paglalaba at kasalukuyan ko nang isinasampay ang mga damet niya. grabe nakakapagod paputiin ng damet niya. buti na lang may kasamang dryer ang washing machine kaya hindi na ako nahirapan na mabilis na patuyuin ang damet niyang mga puti at yung mga de color niyang damet.

Mas marame nga lang ang damet niyang sando kesa sa polo, yun yung napansin ko nung nagsasampay ako.

Pagkatapos kong magsampay ay kaagad naman akong dumeretso sa sala para makapagpahinga naman ako, doon ako pumwesto sa TV para manood. Masusubaybayan ko nanaman ang paborito kong drama sa hapon dahil hindi na ako mangongoroblema sa bahay sa ngayon.

Aalis din ako pagkatapos kong magkaroon ng pera na pang down sa uupahan kong apartment pero uunahin ko munang mag hanap ng trabaho para hindi na ako mangongoroblema pag lilipat na ako.

Tinapos ko lang ang panonood ko hanggang sa sumapit ang alastres, kinuha ko yung damit niya sa labas at kaagad ko naman itong kinuha para iakyat sa kwarto niya. tinupi ko ang mga damit niya at nilagay ko sa drawer niya pero hinde ako mapakali nung last kong tutupuin ang mga puti niyang underwear. Habang tinutupi ko ang mga yon ay hindi na lang ako nag isip ng malisya at nagisip na lang ako ng magagandang bagay.

Hapon nanaman kaya nagluto na ako ng ulam namen at nagsaing na rin ako. kailangan ko kasing magluto ng pagkain namen, tutal marameng laman naman ang ref niya pero hindi nga lang siya masipag maglinis ng kusina.

Pagkatapos kong magluto at magsaing ay kaagad kong kinuha ang maleta ko sa gilid at pumasok na kaagad ako sa banyo. Gusto ko kasing maligo naman para mapreskuhan naman ang katawan ko. hinde kasi ako nakaligo maghapon kahapon dahil sa sobrang paglilinis ng bahay pa at nagpalit lang ako ng damet kahapon dahil sa sobrang pagod ko.

Kaagad kong binuksan ang shower sa banyo at hinayaang pinatulo ang mga butyl ng tubig na nanggagaling sa shower. Grabe, wala kameng shower sa bahay dahil gamit ko lang doon ay tabo.

Pero ngayon effortless ko lang na bubuksan ang shower at papatayin kung gugustuhin ko. kaagad kong kinuha ang baon kong sabon at kinuskos ko ang katawan ko dahil hindi ko namalayan na ang sobrang dume ko na pala kaya ang dameng itim sa sahig ng banyo.

Kaagad ko nanamang nakita ang napakaputi at malambot kong balat, mabilis kasi akong mangitim kung nasa arawan ako. pero ngayon babawe ako para mabawasan yung sun burn ko sa katawan dahil sa mahaba kong paglalakad.

Nag hilod ako ng katawan ng sobra at sobra akong sarap na sarap sa tubig dahil ang lamig ng tubig, Gabi na kasi kaya malamig na ang tubig.

Pagkatapos kong maligo ay nakita ko si Edward na kumakain na sa kusina, kaagad ko namang binuksan ang maleta ko na malapit lang sa banyo. Sinadya ko kasing ilagay malapit sa banyo para kaagad kong makuha ang damet ko at sa loob ng banyo ako makapagbihis.

Kaagad naman akong dumeretso sa kusina at kumuha na rin ako ng pinggan para makakain na rin ako. nakita ko si Kuya Edward na nakatingin sa akin, ewan ko ba.. hindi kasi ako komportable na tinititigan ako kaya kaagad akong guawa ng paraan para mawala yung pagkatulala niya.

" Kuya.. " tawag ko sa kanya.

Kaagad ko namang napukaw ang attention niya kaya hindi na ako mangongoroblema sa kanya.

" Kuya, meron bang bumabagabag sayo ? " pagtatanong ko sa kanya, kaagad naman siyang ngumiti sa akin.

" wala naman, oo nga pala anung pangalan mo.. hindi ko kasi alam ang itatawag sayo.." pagtatanong nito sa akin.

" tawagin nyo na lang akong Nyx.. pero ang buo kong pangalan Nyx Aizen Hermoso.." nakangiti kong sagot sa kanya.

" ako naman si Edward Martin .." sagot naman niya, nginitian ko na lang siya.

" Kuya Edward.. yung damet nyo nga pala nandoon na sa drawer nyo.. natapos ko nang labhan.. kasama yung under garments nyo.." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.

" maputi ang lahat ng yun, binabad ko pa nga yun ng ilang oras kaninang umaga.." sagot ko sa kanya.

" pero sa susunod wag mo nang lalabhan ang underwear ko.. ako maglalaba nun.." sagot niya, pero kita sa mukha niya na nahihiya siya.

" okay.." sagot ko sa kanya, sumandok na ako ng pagkain at nagsimula na akong kumain.

Hinde na kame nagkibuan hanggang sa matapos na siyang kumain. Sa totoo lang nakikita ko sa mukha niya na nageenjoy siya sa pagkain ng niluto kong adobo. Umakyat na siya patungo sa kwarto niya, sobrang busy din niya ata kaya ganitong oras ang uwe niya at ito rin ata ang dahilan kung bakit napapabayaan na niya ang bahay niya.

Sana magtagal ako dito sa bahay niya, kase kawawa naman siya walang nagaasikaso sa kanya.

Sa Overpass NagsimulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon