2

30.9K 481 27
                                    

Chapter Two
I Don't Deserve You




"I WANNA sleep beside you", nahimigan ko ang pag-lalambing sa boses niyang madalas niyang gamitin sa akin noon.

Okay. Gusto kong ganito siya sa akin pero naguguluhan ako. Madalas niya akong sungitan, snob-in, pagalitan at saktan ng mga salita niya mula nang mag-kasama ulit kami kaya bakit bigla siyang naging ganito ngayon?

"Hinihintay na ako ni kuya Gunther", sabi ko.

"You'll swim?", tanong niya.

"Oo kaya bitawan mo ako", sagot ko.

"Na ganyan ang suot mo?", kunot ang noo niyang tanong.

"Oo. Mag-su-swimming nga e."

Problema nito? I don't see anything wrong naman sa suot ko. Isang cotton shorts na hanggang kalahati ng hita ko ang haba at t-shirt na kulay dilaw ang suot ko. Hindi ba okay lang naman na ganito ang i-pang-swimming?

Hinigpitan niya ang hawak sa akin. "I can't let you. Matulog na lang tayo."

"Hunter, bitawan mo ako", seryoso kong sabi.

"Ayoko. Matutulog tayong dalawa."

Napipikon na ako kaya marahas kong tinanggal ang braso niyang naka-yakap sa akin at mabilis akong bumangon.

"Matutulog ako kung gusto ko! Wag mo nga akong pilitin! At ayokong tumabi sa 'yo! Nandidiri ako sa 'yo! Matapos mong makipag-harutan sa iba, lalapit-lapit ka sa akin?!", naiinis kong sigaw dito bago mabilis na lumabas doon.

Nakaka-bwisit talaga ang lalaking iyon. Hindi ko siya maintindihan at hindi ko na din naman maintindihan ang nararamdaman ko. Hay. Kinalma ko na lang muna ang sarili ko habang naglalakad.

Dumiretso ako sa may pool area. Naroon din pala si Thunder, ang bunsong kapatid nila Hunter, at si Ghetto, bunso kong kapatid. Lumalangoy silang dalawa samantalang si kuya Gunther ay nakahiga sa lounger habang hawak ang cellphone.

"Ghetto, nandito ka pala?", tanong ko.

"Kahapon pa", sagot niya.

Bago pa man ako maka-tanong ulit ay nag-salita na si Thunder.

"He slept here last night. Napag-kasunduan na kasi naming mag-sleepover siya dito", sabi niya.

Tumango ako at naupo sa katabing lounger kung saan naroon si kuya Gunther. Naging mag-kaibigan sina Thunder at Ghetto 4 years ago. Bago pa man kami mag-2nd anniversary ni Hunter noon ay pinakilala na namin ang isa't isa sa mga pamilya namin at tuwing birthday ni Hunter ay laging imbitado ang pamilya ko kaya naging close ang dalawa. Magkasing-edad din kasi sila.

Tumingin sa akin si kuya Gunther at binaba ang phone.

"What's up?", tanong niya.

Umiling ako. "Walang bago."

"Natagalan ka yatang bumaba?", tanong niya ulit.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon