Chapter Eight
Hunter vs. GuntherKINABUKASAN AY UMUWI na ako sa condo. Walang tao nang dumating ako. Hindi na naman siguro umuwi si Hunter kagabi. Magulo din ang buong unit kaya naman niligpit ko ang lahat ng kalat at naglinis. Matapos kong maglinis ay pumunta ako sa kusina at nag-hanap ng lulutuin para pagdating ni Hunter ay may kakainin siya.
Nakapag-desisyon na ako matapos ang mga narinig ko kay Kit kagabi. Baka nga hindi talaga mahal ni Mira si Hunter.
Chicken adobo ang niluto ko dahil paborito iyon ni Hunter. Naisip ko kasing bumawi. Ilang araw din akong hindi umuwi dito at namimiss ko na rin siya. Ayokong isipin niyang sinusukuan ko na siya dahil hindi mangyayari 'yun.
Matapos kong magluto ay nagpahinga lang ako ng konti bago nagpasyang maglinis na ng katawan. Ang gaan ng pakiramdam ko nang makapagbihis na ako. Napangiti ako sa sarili ko nang makita ang repleksyon ko sa salamin. Medyo umuumbok na ang tiyan ko kaya nakaka-excite lalo.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sakto namang pagdating ni Hunter. Awtomatiko akong napangiti ng makita siya.
"Hunter", tawag ko sa kaniya. "Tamang-tama ang dating mo. Nakapag-luto na ako for lunch. Mag-hahain lang ako tapos kakain na tayo", nakangiti kong sabi.
Kunot ang noo niyang tumingin sa akin. "Why are you here? Akala ko ba ayaw mo dito? Hindi ka umuwi ng ilang araw e."
Galit ba siya? "Oo, sa bahay ako umuuwi kasi namiss ko sila doon. Kamusta ka? Kamusta ka dito? Tapos na din ba ang exams niyo? Tapos na kasi sa amin kahapon e", nakangiti ko pa ding sabi.
Nahiga siya sa mahabang couch at pumikit. Parang pagod siya at mukha siyang haggard kaya nung hindi siya sumagot ay hinayaan ko na lang siya. Pumunta ako sa kusina para maghain. Baka kasi gutom siya. Matapos kong ayusin ang mesa ay pumunta ako sa sala.
"Nakahain na ako. Tara, kain?", yaya ko.
Nag-mulat siya ng mga mata. "Can you just eat alone? And stop acting like a caring wife, Gaea. These are all temporary, anyway. Ba't kasi bumalik ka pa? Why don't you just stick with your best friend? Malay mo kayo pang mag-katuluyan", galit niyang sabi na bumangon na din.
Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya. Nasaktan ako at talagang nagpantig ang mga tenga ko.
"At ikaw? Dun sa Almira na 'yun? Kay Almira na hindi ka naman mahal?", naiinis kong sabi.
Nahinto siya sa paghakbang at humarap sa akin. Tinignan niya ako ng masama.
"What did you say?"
"Hindi ka mahal ni Mira, Hunter. Hindi ko alam kung anong gusto niyang gawin sa buhay niya at kung bakit niya tayo nagagawang guluhin pero hindi ako susuko, Hunter. Kukunin kita pabalik sa kaniya", matatag kong sabi.
Natawa siya ng pagak. "At saan naman nanggagaling ang mga ideya mong 'yan, Gaea?"
"Pinuntahan niya si Kit sa school at niyayaya niyang lumabas sila. Gusto ni Mira si Kit."
"That's because they're friends! And she wants them to catch up! Ganyan ka na ba talaga kadesperada?! Sisiraan mo talaga si Mira sa akin para lang makuha mo ang gusto mo?! Grow up, Gaea!", galit na sigaw niya sa akin bago ako tinalikuran at padabog na sinara ang pinto ng kwarto niya.
Naiwan akong umiiyak. Desperada na ba ang dating ko? Sinasabi ko lang naman ang obserbasyon ko na alam kong totoo.
Masama man ang pakiramdam ko at nawalan ng gana dahil sa mga sinabi ni Hunter ay kumain pa din ako. Hindi dapat ako magpalipas ng gutom dahil kailangan kumain ng baby ko.
