Chapter Twenty-three
He's BackHINDI KO ALAM kung paano ko nagawang harapin ang magkapatid na Monteverde at ang pinsan nilang si Tyrone na hindi nila nahahalatang hindi ako komportable. Matapos naming kumain ay nag-kwentuhan pa sila. Niyaya ni kuya Gunther si Ty na bumisita sa mansion nila minsan at nabanggit ni Tyrone ang pag-uwi namin dahil sa birthday ni Kish next week kaya doon na lang daw siya dadalaw. Sakto naman daw at uuwi din ang magkapatid.
Gustung-gusto ko na talagang umalis kaya nag-pasalamat ako nang magyaya ng umalis si kuya Gunther. Ang hirap huminga. Para akong nasu-suffocate kanina kaya malalim ang buntong-hininga ko nang makasakay ako sa sasakyan ni Tyrone nang i-hahatid na niya ako sa condo ni Kish.
"Okay ka lang?", tanong ni Ty nang nasa labas na kami ng condo building.
"Yeah", sagot ko bago bumaba matapos niyang i-park ang sasakyan.
"May problema ka ba? You seem quiet", tanong niya ulit nang sumabay na siya sa akin sa paglalakad patungong elevator.
"Pagod lang ako. I wanna rest", matamlay kong sabi.
"I-hahatid lang kita sa unit bago aalis", aniya.
Bakit ganito ang mga nangyayari sa buhay ko ngayon? Namomroblema pa nga ako sa one night stand na nangyari kagabi tapos heto na naman! Ang pagbabalik naman ngayon ni Hunter. Bakit hindi na lang siya nanatili sa kung saang lupalop ng mundo siya nagtago noon? Bakit bumalik pa siya? Bakit naguguluhan ako? Bakit naaapektuhan ako? Bakit?!
"Rest well, okay? Bye", nag-aalalang paalam ni Ty sa akin nang nasa tapat na kami ng pinto ng unit.
Tumango ako. "Mag-ingat ka."
Hinalikan niya lang muna ako sa pisngi bago siya naglakad paalis. Pumasok naman na ako sa loob ng unit. Nakahilata na naman si Faith sa couch habang nanonood at si Page ay busy sa harap ng laptop niya. Si Kish naman ay may kausap sa phone.
Pabagsak akong naupo sa single couch na katabi ni Page. Napatingin silang lahat sa akin.
"Why the long face?", tanong ni Faith.
"Anong kinain niyo for lunch?", tanong kong binalewala ang tanong ni Faith.
"We ordered. Why? Nag-lunch naman na kayo ni Ty, 'di ba? And speaking of Ty, where is he?", sagot ni Page na hininto ang ginagawa sa harap ng laptop.
"Umalis na. You want pizza? Oorder ako", sagot ko.
Kumunot ang mga noo nila. Humarap na din si Kish sa amin dahil tapos na ang tawag niya.
"Problem?"
"Disaster", ani ko.
"What? Don't tell us sinabi mo 'yung nangyari kagabi?", hula ni Faith.
Umiling ako. "Isa pa 'yun! Why did I lose myself last night?! At hinayaan niyo ako! Mga bruha kayo!" Hindi sila nagsalita. Ngumiwi lang silang nakatingin sa akin. "He's back", sabi ko.
"Who?" - Faith
"Sino?" - Page
"Who the hell is back?" - Kish
Hindi ako nagsalita. Nakasimangot lang ako. Maya-maya lang ay namilog ang mga mata ni Page.
"Oh my gosh! Don't tell me, he's back!", eksaherada niyang sabi na parang alam na kung sino ang tinutukoy ko.
