Super short update 😅✌🏻
_________________________Chapter Eleven
Catfight"SINABI NG hindi ako mag-sasabi e!", sigaw ko at malakas na tinulak si Mira.
Nabitawan niya ang braso ko at napaatras palayo sa akin dahil sa tulak ko. Dahil sa taas ng stiletto niya ay na-out balance siya at napaupo. Napadaing siya. Tinignan niya ako ng masama. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para i-enter ang code ng pinto at agad na buksan. Mabilis tumayo si Mira kaya bago ko pa man masarado ang pinto ay nakasunod na siya sa loob ng unit.
Mabilis ang kabog ng puso ko. Nakakaramdam na ako ng takot dahil sa itsura niya ngayon ay hindi siya mangingiming saktan ako. Natatakot ako para sa baby ko.
"How dare you para saktan ako!", galit niyang sigaw.
Mabilis siyang lumapit sa akin at hinablot ang buhok ko.
"Aray! Mira! Ano ba?! Bitawan mo ako! Ayoko ng gulo! Bitawan mo ako!", sigaw ko.
Hinawakan ko ang buhok kong hawak niya dahil sobrang sakit ng anit ko. Parang napupunit iyon.
"Ayaw mo ng gulo?! E bakit hindi ka pa din umaalis dito?! Bakit pilit mong pinag-sisiksikan ang sarili mo kay Hunter?! Hindi ka naman niya mahal! Wala siyang pakialam sa anak mo! Wala siyang pakialam sa 'yo! Subukan mong sabihin ang nakita mo kanina at sisiguraduhin kong hindi ka niya paniniwalaan!"
Marahas niya akong binitawan. Hindi ko akalaing ganito siya. Ganito ba siya kabaliw kay Hunter? Pero bakit may kasama siyang ibang lalaki kanina? Aminado akong baliw din ako kay Hunter pero hindi ko magagawa ang ginawa niyang pagsama sa ibang lalaki.
"Akala ko, sa ating dalawa ay ako ang desperada pero mas desperada ka pa pala. Hindi ko alam kung ano ang mga binabalak mo pero hinding-hindi ko i-susuko sa 'yo si Hunter, Mira. Mahal ka niya ngayon pero sisiguraduhin kong sa huli ay sa akin siya mapupunta at makakalimutan ka niya dahil hindi niya deserve ang tulad mong manloloko!", sigaw ko pabalik dito dahil napupuno na ako.
Hindi ko na hahayaang saktan niya ulit ako. Kailangan kong lumaban.
"Huh! Ang lakas din naman ng loob mo! Buntis ka lang kaya ka pinag-tiya-tiyagaan ni Hunter! Sa tingin mo ba, kung hindi ka buntis ay pipiliin ka niya over me?! Dream on, bitch! He'll get rid of you after you give birth! Iyon ang sabi niya sa akin, Gaea. Sa akin pa din siya hanggang sa huli."
"Hindi. Hindi magagawa 'yun ni Hunter sa akin. Sasabihin ko ang lahat ng mga nakita ko sa kaniya. Siguro naman ay hindi matotolerate ni Hunter ang mga panloloko mo sa kaniya at iiwan ka niya!"
Halos mabingi ako nang dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Mabilis ko siyang binawian kaya sinampal ko din siya. Nanggagalaiti niya akong sinugod at hinila ang buhok ko. Hindi ako magpapatalo. Hinawakan ko din ang buhok niya.
Kung galit siya ay galit na din ako. Wala akong ibang maisip kundi ang lumaban at 'wag ng magpaapi sa kaniya.
"How dare you!", sigaw niya. "You won't do that! You can't do that! Hunter loves me and he will never leave me just for you!"
Narinig ko ang pagbukas at sara ng pinto. May mga pumasok doon.
"Gaea?", tinig iyon ni Hunter.
"Mira!", tinig naman iyon ni Jake.
Pilit nila kaming pinaglalayo pero hindi ako binitawan ni Mira kaya hindi ko din siya binibitawan.
"Get off me!", sigaw ni Mira sa kung sinumang humahawak sa kaniya.
Ang isa sa kanila ay pilit na tinatanggal ang kamay ko sa buhok ni Mira.
Nang bitawan ako ni Mira ay binitawan ko din siya pero nagulat ako nang buong pwersa niya akong tinulak. Dahil hindi ko inaasahan iyon ay nawalan ako ng balanse.
Hindi rin iyon inasahan nina Hunter kaya hindi nila ako nahawakan at naramdaman ko ang malakas na pag-bagsak ng katawan ko sa sahig. Biglang umikot ang paningin ko at nayanig ang mundo ko nang tumama maging ang ulo ko sa sahig.
Walang ibang nasa isip ko kundi ang baby ko lalo na nang makaramdam ako ng mainit na likido sa pagitan ng mga hita ko.
"B-Baby ko..", halos pabulong kong sabi kasabay ng pag-tulo ng mga luha ko.
"Oh, shit! Gaea!", sigaw ni Jake.
"Dammit! She's bleeding, man!", kay Caelan yata ang tinig na iyon.
"Fuck! Fuck, Mira! What have you done?!", iyon ang huli kong narinig bago nagdilim ang aking paningin.
➰
The Unwanted Wife
by rhomexx