13

28.2K 424 5
                                    

Chapter Thirteen
Running Away


NAPANGITI AKO nang makita ang asul na dagat. Hindi ako nag-sasawang pumunta dito at pagmasdan ito dahil narerelax ako sa tunog ng alon at kulay ng dagat. Nag-spread ako ng mga kamay ko at pumikit habang nakaharap sa dagat. Nag-mulat din ako agad saka nag-inhale at exhale.

Nakagawian ko na ang pagpunta dito sa dalampasigan mula nang mapadpad ako dito. Nakakatulong kasi ito sa akin.

"That's more like it", narinig kong sabi ni Kit na nasa tabi ko na pala.

Nakakunot-noo akong tumingin sa kaniya. "Ha?"

"Ngayon lang kita nakitang ngumiti ulit. You should do that more often", sabi niyang nakangiti.

"Talaga?"

Tumango siya. "Let's go. Nagtatawag na silang kumain", yaya niya.


Sabay kaming naglakad patungo sa rest house. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang trahedya ng buhay ko at dalawang linggo na akong namamalagi dito. Nang mag-simula ang pasukan ay hindi ako nag-enrol dahil parang nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Sa bahay na ako tumira ulit. Binibisita lang ako nina tita doon. Bumibisita din si Hunter pero hindi ko siya kinakausap. Hindi ko alam kung ano nang nangyari kay Mira. Ang sabi nila noon ay i-dedemanda nila ito pero hindi na ako nakibalita. Ayoko ng makarinig ng kahit anong may kinalaman sa kaniya.

May long weekend daw ang mga kaibigan ko kaya sila nandito. At ito ang pangalawang araw nila dito. Gusto nilang mag-bonding kami dahil namimiss na daw nila ako. Mula kasi nung lumabas ako ng ospital ay hindi na ako lumalabas ng bahay. Sabi ko nga, nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Kapag dinadalaw nila ako noon ay hindi ko din naman sila masyadong kinakausap kaya umaalis din sila agad.

Si kuya Gunther lang ang may alam na nandito ako sa maliit na islang ito. Rest house ito ng pamilya nila pero matagal na daw mula nang huli nilang punta dito at walang mag-hihinala na nandito ako. Kasama ko si aling Trining, ang caretaker ng rest house, sa loob ng isang linggo.

Nung tinanong ako ni kuya Gunther kung anong plano ko, sinabi ko sa kaniya na gusto kong lumayo. 'Yung malayo sa lahat. Gusto ko munang matutunang mahalin ang sarili ko ulit. Sinabi niyang tutulungan niya ako kaya nag-hintay ako. Nagpaalam naman ako kila mama noong umalis ako pero hindi ko sinabi sa kanila kung saan ako pupunta. Ayoko kasing malaman din ni Hunter. Hinatid ako ni kuya Gunther dito. Hinabilin niya din ako kay aling Trining.

Kinulit ako nina Kish at Kit  kung saan ako nagtatago. Nung una ay hindi ko sinabi pero magaling magpa-awa effect si Kish kaya sinabi ko din sa huli kaya heto at kasama ko sila ngayon.

Pagkapasok namin sa rest house ay pumupwesto na ang mga kaibigan namin sa hapag na puro mga sea food ang nakahain. Naupo na din kami ni Kit at nagsimula na ang maingay naming pagkain ng hapunan.

"Hanggang kailan ka mag-sstay dito, Gaea?", tanong ni Faith.

Natigilan ako sa pagkain. Hindi ko pa naiisip ang pagbabalik ko sa amin. I'm enjoying my stay here at hindi pa ako handang harapin si Hunter. Nasasaktan pa rin ako sa lahat ng mga nangyari. Nagluluksa pa rin ako hanggang ngayon sa pagka-wala ng anak ko.

Nag-kibit ako ng mga balikat ko at nagpatuloy sa pagkain. "Hindi ko pa alam."

"Hanggang kailan mo balak taguan si Monteverde? You can't keep on hiding, G", sabi ni Kish.

Ngayon lang namin napag-usapan ang bagay na ito. Kahapon kasi ay kamustahan ang nangyari at kung anu-anong mga kwento nila na nangyari sa school.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon