25

27.6K 388 19
                                    

Chapter Twenty-five
Friends


PAG-UWI KO sa apartment ay naligo at nagbihis muna ako bago naghanda ng makakain ko. 10am na kaya wala na si Ghet dito. Malamang nasa trabaho na.

Matapos kong kumain ay pumasok muna ako sa kwarto ko at natulog. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Hindi ko kasi matigil ang pag-iyak kanina kahit na nung naka-alis na ako sa building ng hotel kung saan naroon si Hunter.

Nang sumunod na araw ay kinamusta ako ni Tyrone at sinabi kong ayos naman ako. Hindi na siya nagtanong ng iba pa. Nagtataka man ay hinayaan ko na lang. Mabuti nga iyon dahil hindi ko din alam kung ano ang i-sasagot ko kung sakali.

Sinubsob ko ang sarili ko sa mga trabahong kailangan gawin. Sa loob ng tatlong araw ay tinapos ko lahat ng mga kailangang tapusin sa trabaho bago ang leave ko. Hindi ko na din nakita si Hunter dahil ayon kay Ty ay nauna ng umuwi ito kay kuya Gunther sa mansion nila.

Pagdating ng Friday ay ready na kaming umuwi. Isang hiace van ang gamit namin, courtesy of Tyrone. Si Kit ang driver namin, si Tyrone naman ang nasa front seat para makipagpalitan kay Kit sa pag-dadrive. Sina Ghet at Rey ang magkatabi sa unang hilera ng upuan, yung nasa likod nila Kit. Kami naman ni Page ang magkatabi at sa likod namin ang mag-jowang Faith at Owen.

Maaga kaming nakarating sa bayan namin dahil hindi naman kami na-traffic sa daan. Doon lang kami nag-decide na kumain ng lunch. Sa isang filipino cuisine restaurant ang napili nilang kainan namin.

Pagpasok palang sa loob ng restaurant ay namataan ko na agad ang mga Monteverde. Nadapo ang tingin ko sa gawi ni Hunter and he's also looking intently at me. Agad lumakas ang tibok ng puso ko. Ginala ko ang tingin ko sa table nila. Si kuya Gunther lang ang wala at may kasama silang isang magandang babae.

"Ghetto! Ate Gaea!", tawag ni Thunder sa aming magkapatid nang mamataan niya kami.

Malaki ang ngiti niya gaya ni tita nang makita kami. Tumayo pa sila at nilapitan kaming magkapatid. Niyakap ako ni tita kaya niyakap ko din siya, maging si Thunder. Pinauna na naming pumwesto ang mga kaibigan namin at nang maka-order na din sila ng pagkain namin.

"You should join our table", sabi ni tita.

Mabilis akong umiling. "Hindi na, tita. Kasama po kasi namin ang mga kaibigan ko."

Malungkot siyang tumango. "Okay, Gaea. I hope to see you at the mansion. Hindi ka na bumibisita. And have you and Hunter talked already? He's here, by the way."

"Yes, tita. Nag-kausap na po kami", sagot ko. "Uhm, tita, I'm sorry pero pwede pong mag-usap na lang tayo some other time? Medyo gutom na po kasi ako", nahihiya kong sabi.

Gusto ko na lang umalis. Ayokong pag-usapan ang tungkol sa amin ni Hunter. Besides, matagal na kaming wala at may asawa na siya.

"Oh! Okay. I'll see you again soon?"

Tumango na lang ako. Bumati din muna ako kay tito bago pumunta sa mga kaibigan ko. Sumunod na din si Ghet.

Tinignan ko si Tyrone na tahimik lang sa tabi ko nang na-serve na ang mga pagkain namin at maingay ng nag-uusap ang mga kaibigan namin.

"Are you okay?", tanong ko.

Ngumiti siya ng tipid. "Yeah. Why?"

"Ang tahimik mo. Bakit hindi ka pala lumapit kanina?", tanong ko nang maalalang mag-pinsan sila ni Hunter.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon