Chapter Four
I CareBAKIT KAHIT ilang beses kang saktan ng taong mahal mo ay patuloy mo pa din siyang minamahal? Ano bang tawag dun? Tanga o martyr?
"Tanga, Gaea. Pag-papakatanga ang tawag diyan", sabi ni Kish.
After class ay sumama kami kay Kit sa bahay nila. Hanggang 2pm lang kasi ang mga klase namin ngayon. Nakatambay kami ngayon dito sa sala. Nakahiga ako dito sa mahabang couch habang nakaupo naman si Kish sa may single couch na nasa paanan ko. Si Kit naman ay nakaupo sa may carpet, sa tapat mismo ng tiyan ko at nakasandal siya sa couch. Nag-lalaro siya ng PS pero nakikisali din naman siya sa usapan namin.
"Ang hard mo talaga sa akin", natatawa kong sabi kay Kish.
Sinesermunan niya kasi ako ng tungkol sa amin ni Hunter. Sa kanila kasi ako nag-sasabi ng lahat lalo na kay Kish kaya lahat-lahat ng tungkol sa akin ay alam niya.
"Gusto ko lang magising ka sa katotohanan, G. Para saan pa't naging best friend mo ako? Kung bakit ba naman kasi hindi na lang itong si Kit ang pinatulan mo", sabi niya.
"Dinamay mo pa ako", komento ni Kit.
"Susme! Isa ka din e! Totorpe-torpe ka pa kasi noon. Kung niligawan mo sana 'tong si Gaea, hindi naging sila nung Monteverde na 'yun."
Binato ko ng throw pillow na nadampot ko si Kish. Hindi na naman maawat ang bunganga ng bruha. Aware kaming mag-kakaibigan sa feelings para sa akin ni Kit. Nag-balak daw pala siyang ligawan ako noon pero naunahan ng takot ayon kay Kish. Ayaw niyang masira ang friendship na meron kami kaya hindi niya tinuloy at dumating nga si Hunter sa buhay ko. Pero never pang naging vocal sa akin si Kit sa kung ano talaga ang nararamdaman niya para sa akin.
"Aray ha! Pasalamat ka, buntis ka. Kung hindi, bumalik 'to sa 'yo", reklamo niya.
"Tigilan mo kasi si Kit. Wala namang kasalanan 'yung tao, dinadamay mo", sabi ko.
"Meron. Kasalanan ang pagiging torpe niya", pilit niya.
Natawa si Kit. "You can't blame me, Kish. I can't risk our friendship."
"Ewan ko sa 'yo, Kit Jon! Wala kang sense kausap. Nakakainis."
Natawa kami pareho ni Kit. "Tigilan mo na si Kit, Akeisha. Nangyari na nga ang mga nangyari e. Nandito na tayo. Naging kami ni Hunter, niloko ako, sinaktan ako, nag-break kami, buntis ako. Sa kabila ng mga nangyari at nangyayari, mahal ko pa din si Hunter", mapait kong sabi.
"Anong say mo, Mr. Areola?", tanong ni Kish kay Kit.
"Tungkol saan?", tanong ni Kit.
"Sa last sentence ni Gaea. Yung mahal niya pa din 'yung Monteverde."
"That? I see no problem with that", sagot ni Kit.
Umirap si Kish. "Mag-best friends kayong tanga."
Ako naman ang umirap kay Kish. "Kontrabida ka talaga."
"Kumain na nga lang tayo. Nagugutom ako", sabi ni Kish saka tumayo at nagtungo sa kusina.
"Okay ka lang, G?", tanong ni Kit nang makaalis si Kish. Nakatutok pa din naman ang mga mata niya sa TV screen nang tanungin niya ako.
"Oo naman, 'no. May katotohanan din naman kasi talaga sa mga sinasabi ni Kish. Ikaw, okay ka lang?"
"I'm fine. Kilala naman na natin si Kish na ganyan talaga."
