Chapter Five
You'll Only Hurt YourselfAKALA KO magiging mas maayos na kami ni Hunter. Akala ko magiging mas maayos na ang pakikitungo niya sa akin. Akala ko may pag-asa pa. Pero akala ko lang pala ang lahat ng iyon dahil makalipas ang isang linggong bait-baitan ni Hunter ay bumalik na naman siya sa dati. Yung dating walang pakialam. Yung kung ano siya nung unang linggo naming mag-sama sa iisang bubong.
Cold. Iyon ang trato niya sa akin. Tuwing umaga'y maaga siyang umaalis halos hindi ko na namamalayan. Hindi niya pinapansin ang mga luto ko. Tuwing gabi ay hindi ko din namamalayan ang pagdating niya dahil nakakatulugan ko na madalas ang paghihintay. Ni hindi na nga kami nagkaka-usap dahil hindi na kami nag-kikita kahit pa nasa iisang bubong lang kami. Ah, nag-kikita lang pala kami tuwing Thursday, Saturday at Sunday dahil pinupuntahan kami ni tita o kaya ni mama sa condo at sa tuwing umuuwi kami sa mansion nila.
Hindi ko alam kung anong nangyari, kung anong ginawa ko at nag-kaganito na naman siya pero mahal ko si Hunter at nangako ako sa sarili kong hinding-hindi ko siya susukuan. Gagawin ko ang lahat para mahalin niya akong muli.
Ngayon ang birthday celebration ni kuya Gunther kaya nandito ako ngayon sa mansion. Pagkatapos ng klase ko kanina ay dito na ako dumiretso. Si Hunter naman ay hindi ko alam kung nasaan dahil hindi ko pa siya nakikita.
Simpleng puting dress lang ang suot ko. Dinner lang talaga ang hinandang selebrasyon kasama ang buong pamilya ng Monteverde at pamilya ko. Nag-imbita din sila ng iilang kaibigan.
"Where's Hunter?", tanong ni tita sa amin nang magkasama-sama na kami sa hapag.
Sa tinagal-tagal na din ng pagkaka-kilala ko sa mga Monteverde ay kilala ko na halos lahat ang mga taong naririto.
"Nandiyan na, mom", sagot ni Thunder.
Pumasok si Hunter kasama ang mga kaibigang sina Jake, Caelan, Nick at isang hindi pamilyar na babae. Naka-suot siya ng hapit na hapit sa katawan nitong itim na dress at naka-heels ng itim din. May hawak siyang itim na purse at naka-balot na regalo. Kitang-kita ang pagka-sophisticated at elegante sa kaniyang postura. Maganda siya pero mukhang masungit. I wonder, kung sino siya at kung bakit ngayon ko lang siya nakita.
Bumati silang lahat sa amin bago binati ng happy birthday si kuya Gunther.
"Why is she here?", may himig ng galit sa boses ni tita.
"She's a friend, mom", nakangiting sagot ni Hunter bago sila naupong lahat na parang wala lang sa kaniya ang galit sa boses ng mommy niya.
"Let's just eat, mom", sabi ni kuya Gunther.
"Yes. Let's eat, everyone", sang-ayon naman ni tito.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Nakaramdam ako ng tensiyon. Nacucurious tuloy ako kung sino ang babaeng ito.
"Matagal-tagal ka na rin palang nakauwi ng Pinas, Mira?", tanong ng kapatid ni tito Marco sa babae.
Mira ang pangalan niya. Parang narinig ko na iyon noon pero hindi ko matandaan kung kanino, kelan at saan ko narinig.
"Yes, tita. 2 months na din po."
"Why did you come back?", tanong ni tita, ang mommy nila Hunter.
"I really wanted to come back years ago, tita, pero hindi ko lang kasi maiwan noon si mommy. Gusto ko ding ayusin ang lahat ng nasira ko noon", sagot ni Mira na halos hindi makatingin kay tita.
"And you really think you can do that?", parang hindi makapaniwalang sabi ni tita dito.
"Honey", tawag dito ni tito.
"Uhmm.. who wants desert? Anyone?", pagpukaw ni kuya Gunther. Siguro ay para pagaanin ang atmosphere.
"Ako, kuya", sagot ni Thunder.
"I think I'm ready for the desert, too", sabi naman ni tito.
"Mom?", baling ni kuya Gunther kay tita.
Tumango si tita. "Gaea, can you help me?"
Ngumiti ako. "Sige po."
Nang matapos ang dinner ay binuksan ni kuya Gunther ang mga regalong natanggap niya tapos nag-kaniya-kaniyang kwentuhan na. Niyaya ako ni Jake na sumama sa kanila kaya pumayag ako at pinakilala nila sa akin si Mira.
"Mira, this is Gaea Gascon. Gaea, this is Almira Alejandro. She's our friend since elementary pero matagal siyang nawala dito dahil nangibang bansa sila ng family niya", pakilala ni Jake sa amin.
"Hi, Gaea. It's nice to finally meet you", sabi ni Mira nang i-lahad niya ang kamay sa akin.
Hindi naman pala siya masungit. Mabait naman pala. Ngumiti ako at tinanggap ang kamay niya. "Nice to meet you din."
Nagkwentuhan na sila matapos nila akong i-pakilala at hindi na ako umimik dahil hindi naman ako maka-relate sa mga usapan nila. Nakikinig na lang ako.
Nung lumalim na ang gabi ay nag-paalam na ang mga bisita at umuwi. Pinahatid ni tito ang pamilya ko sa bahay namin.
"Hunter, I wanna talk to you", sabi ni tita nang papanhik na kaming lahat sa mga kwarto namin.
Niyaya naman ako ni kuya Gunther na umakyat na pero nang makapasok ako sa kwarto ay hindi ako mapakali. Malakas ang kutob kong pag-uusapan nila si Mira kaya minabuti kong bumaba at dahan-dahan akong pumunta sa may study room kung saan nag-uusap sina tita at Hunter. Binukas ko ng kaunti ang pinto ng hindi nila napapansin para marinig ko ang usapan nila.
"Matagal na iyon, mom! Okay na ako. Nag-sorry na din si Mira. Bakit hindi niyo na lang kalimutan ang nangyari noon?!", naiinis na sabi ni Hunter.
"Kalimutan?! Nasira ang relasyon ninyo ng kuya mo dahil sa babaeng iyon, Hunter! Lumayo ka sa amin! Nasira mo ang sarili mo dahil sa kaniya! Paano ko makakalimutan iyon?! At ikaw, Hunter, hindi ka pa ba nag-tatanda?! Anong ibig sabihin ng pag-imbita mo sa kaniya dito?!", galit na galit namang sigaw ni tita dito.
Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si tita at kita din ang pagkainis ni Hunter. Sino ba talaga si Mira? Bakit sinisisi ni tita si Mira sa paglayo ni Hunter sa kanila? Pati na din ang pagkasira ng relasyon ni Hunter kay kuya Gunther.
"Gaea."
Nagulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Napatingin ako kay kuya Gunther. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.
"K-Kuya.."
"Hindi mo gugustuhing marinig ang buong usapan nila, Gaea. Bumalik ka na sa kwarto niyo. Rest and sleep, Gaea. Kailangan mo iyon", seryoso niyang sabi.
Kumunot ang noo ko. "Bakit, kuya? Sino ba talaga si Mira?"
Hinawakan ako sa siko ni kuya at giniya sa kwarto. Hindi siya sumagot. Hindi siya umiimik habang paakyat kami. Nang makapasok sa kwarto ay pinaupo niya ako sa kama. Bumuntong-hininga siya at tinignan ako ng mataman.
"Gaea, mag-pahinga ka. Good night", iyon lang ang sinabi niya bago ako tinalikuran.
"Gusto kong malaman kung sino siya, kuya. Bakit hindi mo ako sagutin?", pilit ko.
Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamay niya. Galit siya? Kanino? Sa akin? Dahil ba sa pagtatanong ko? Pero bakit?
"Don't be too curious about her, Gaea. You'll only hurt yourself."
➰
The Unwanted Wife
by rhomexx
