Chapter Twelve
EnoughPAGMULAT KO ng mga mata ko ay puting kisame ang nakita ko. Wala ako sa bahay namin. Wala ako sa condo unit ni Hunter at lalong wala ako sa mansion ng mga Monteverde. Nasaan ako?
"G-Gaea? Thunder, tumawag ka ng doktor!"
Tumingin ako kay Hunter na sobrang nag-aalala at mukhang pagod at puyat. Tinulungan niya akong bumangon at sumandal ako sa headboard.
"Hun..ter.."
Inabutan niya ako ng baso ng tubig at ininom ko iyon. Ramdam ko ang uhaw sa buong katawan ko.
Nang pumasok ang doktor ay sinuri lang ako at kinausap si Hunter bago umalis din. Napapikit ako ng mariin at pilit na inaalala ang mga nangyari. Bumuhos ang mga alaala ng mga nangyari kasabay ng pagkirot ng ulo kong may benda. Naluha ako nang maalala ang baby ko at napahawak ako sa tiyan ko.
"Gaea, may masakit ba?", tanong ni Hunter.
"Ang baby ko, Hunter?", tanong ko.
Bumukas ang pinto at pumasok doon sina tita, tito at kuya Gunther na puro nag-aalala. Nang makita akong gising na ay nakita ko ang pagka-relief nila.
"Hunter.. ang baby ko..?", ulit ko.
Mabilis ang patak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan habang paulit-ulit na umiiling.
"Hunter..?", umiiyak kong sabi.
May hinala na ako kung anong nangyari pero gusto kong umasa na mali ang hinala ko pero humagulgol siya pati na din si tita.
"I'm sorry.. I'm sorry, Gaea.. I'm sorry..", paulit-ulit niyang sabi.
"Sabihin mo sa akin! Ligtas siya, 'di ba?!", sigaw ko.
Umiling siya ulit. Hirap na hirap siyang tumingin sa akin.
"S-Sorry.. Patawarin mo ako.."
"No! Ang baby ko, Hunter! Anong nangyari?!", sigaw kong marahas na binawi ang kamay ko sa kaniya.
"Wala na siya, Gaea. Hindi siya nagawang i-ligtas. You bleed so much", si kuya Gunther ang naglakas loob na sumagot.
"Hindi! Ang baby ko! Bitawan mo ako! 'Wag mo akong hawakan! Lumayo ka sa akin!", sigaw kong tinulak pa si Hunter nang magtangka siyang hawakan ang kamay ko ulit.
"Sorry", paulit-ulit niya iyong sinasabi habang sinusubukang lumapit sa akin upang yakapin ako.
Tinulak ko siya. Pinaghahampas ko ang dibdib niya habang umiiyak. "'Wag mo akong hawakan! Ikaw ang may kasalanan kung bakit siya namatay! Kayo ng babae mo! Kasalanan niyo 'to! Kasalanan mo! Kasalanan mo! Kasalanan mo!", galit na galit kong sigaw.
"Gaea..", tawag sa akin ni mama na bagong dating.
Hinampas ko muli si Hunter sa dibdib nang magawa niya akong yakapin. Paulit-ulit ko siyang hinahampas habang sumisigaw at paulit-ulit naman siyang nagsasabi ng sorry. Pareho kaming umiiyak at humahagulgol na. Maging ang mga ina namin ay humahagulgol na din.
Nang makaramdam ng panghihina ay tahimik na lang akong umiyak. Lumayo si Hunter sa akin. Sina mama naman ang lumapit at niyakap ako pero hindi ko magawang rumesponde. Hinang-hina na ang pakiramdam ko. Gusto ko na lang matulog ulit kaya walang sabi-sabi akong humiga muli at tinalikuran sila.
