7

25.7K 410 5
                                    

Chapter Seven
True Color



PAGKATAPOS NG CHECK UP sa OB ko ay umuwi ako sa bahay namin. As usual, kasama ko sina Kit at Kish dahil Thursday palang. Bukas ay last day na ng exam namin para sa sem na ito.

"Let's hang out tomorrow after exams ha? You know, sem ender party", sabi ni Kish habang nanonood kami dito sa sala.

"Party? Buntis si Gaea, Kish", paalala ni Kit.

"IKR. Duh? We're not gonna party naman sa bar. House party, pwede naman. We can eat outside, too. Or sleepover. The three of us sa house like the old times or we should invite some of our friends din. Nakakasawa na din na puro mukha niyo ang nakikita ko", sabi ni Kish na nagbiro pa sa dulo.

"Sige. Sasama ako", naka-ngiti kong sabi. Para man lang malibang ko ang sarili ko at nang hindi puro problema ang naiisip ko.

"Gaea, kumuha ka ng meryendang pwede niyong kainin dito", narinig kong sigaw ni mama mula sa kusina.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Kinuha ko ang pitsel na may lamang juice sa ref at nilagay sa may center table na nasa sala. Nagprisinta si Kit na tutulong kaya kasama ko siyang bumalik ng kusina. Kumuha siya ng mga baso at ako naman ay kinuha ang loaf bread at spread.

"Hindi ka talaga uuwi sa BAHAY NINYO ni Monteverde?", nag-tatakang tanong ni Kish na diniinan pa ang mga salitang 'bahay ninyo'.

Inirapan ko siya. "Hindi nga. Namimiss ko na ang kama ko dito."

"Yun lang ba talaga ang dahilan?", tanong ni Kit na may pag-aalala.

Nasabi ko na kay mama na dito ako sa bahay ngayon matutulog. Natext ko na din si tita. Baka kasi pumunta siya sa condo bukas at hanapin ako. Hindi na ako nag-abalang i-text o tawagan si Hunter. Wala lang din naman siyang pakialam e.

"Oo. Ano pa bang pwedeng dahilan? Ah, namimiss ko na din ang bahay", naka-ngiti kong sabi.

"Oh, don't fool us. We've known you for years", maarteng sabi ni Kish habang naglalagay ng palaman sa tinapay.

"May problema na naman kayo ni Hunter?", tanong ni Kit bago naman uminom sa juice.

Mukhang hindi talaga ako makakapag-tago ng sekreto sa dalawang 'to.

"Wala, 'no", pilit ko pa rin.

"Meron. Halata sa 'yo. C'mon, tell us", pilit din ni Kish.

Natawa ako at umirap sa kanila. "Nag-babalik ang first love ni Hunter. Siya din pala ang dahilan kung bakit niya ako nagawang lokohin", amin ko.

"Who?", tanong ni Kish.

Nag-kibit ako ng mga balikat. "Almira Alejandro."

"Almira Alejandro?", paniniguro ni Kit.

Pareho kaming napatingin ni Kish kay Kit. "You know her?", tanong ni Kish.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon