22

25.1K 370 18
                                    

Here's another ud :) enjoy reading po. Try ko po tomorrow pag nakapuslit ulit mag-ud 🙂 thanks po for reading and appreciating my work. xoxo 💕 Godbless! 🙂

_________________________

Chapter Twenty-two
Lunch

SOBRANG LAKAS NG tibok ng puso ko habang pabalik-balik na nag-lalakad dito sa hallway ng mga shower room. Limang minuto na akong nandito pero hindi pa din lumalabas 'yung lalaki.

I can't believe he's here! Pero bakit ko ba siya hinihintay? Paano kung mamukhaan niya ako? Anong magiging reaction niya? Anong magiging reaction ko? I just wanted to see his face! Pero bakit? Shit! What's going on with me? Bakit parang excited akong makilala siya? Should I ask his name? Then, what? What's next?

"Gaea? Anong ginagawa mo dyan?", kunot-noong tanong sa akin ni Dana, isa sa mga kakilala kong nag-gi-gym din dito.

"I'm waiting for someone", sagot ko.

"Oh, okay", sabi niya saka pumasok na sa shower room ng babae.

Biglang tumunog ang phone ko kaya mabilis kong hinalughog ang bag ko para makuha iyon at sinagot ang tumatawag.

"H-Hello? Tyrone?"

"Hi! I've been calling you since last night but you're not answering your phone. Where are you?", aniya.

"Sorry. I was out last night with the girls. Hindi ko na napansin ang phone ko. Nasa gym kami ngayon", sagot ko.

"Okay. Just wanna remind you about our lunch? I'll pick you up before 12."

Oh! May usapan pala kaming mag-lunch ngayon dahil two weeks kaming hindi nag-kita. Galing kasi siya sa business trip at kakauwi niya lang yata kanina. Ni hindi ko na nakamusta ang biyahe niya. Nawala iyon sa isip ko. Sinilip ko muna ang oras sa cellphone ko at 10:34am na. Kailangan ko ng umuwi para makapag-handa ako.

"Alright. Sa condo na lang ni Kish", sabi ko bago binaba ang tawag.

Nawala ang isip ko sa lalaking nasa loob ng shower nang makita ang mga kaibigan kong papunta na ng shower. Sinabi kong bilisan nila dahil may lunch date kami ni Tyrone.

Tyrone Hue Dela Cruz is a good man. Mas matanda ako sa kaniya ng isang taon pero mature siyang mag-isip. He remained my friend when I rejected him the first time he courted me way back college. Nag-hintay siya ng ilang taon bago ako pumayag na ligawan niya ako. It's been 7 months mula nang araw na iyon and he's been so thoughtful and sweet. Kung tutuusin ay ideal man talaga siya. That's why I like him pero ayokong madaliin ang lahat sa amin. Besides masaya naman kami.

"Gaea! Tyrone's here!", sigaw ni Page mula sa labas ng kwarto ni Kish kung saan ako nag-aayos ng sarili.

"Okay! Give me a minute!", sagot ko.

Tinignan ko muli ang repleksyon ko sa full-length mirror. Naka-denim pants at off shoulder top ako and a pair of pumps. Naglagay lang ako ng light make up at ilang jewelries. Nang makontento ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang sling bag ko bago lumabas.

Ngumiti si Tyrone nang makita ako. Agad siyang tumayo at sinalubong ako. Humalik siya sa pisngi ko.

"Hi. I missed you and you look great", puri niya sa akin.

"Thanks", iyon lang ang sinabi ko.

"You look good together. Kelan mo ba sasagutin itong si Ty, Gaea?", sabi naman ni Faith.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon