20

27.8K 366 22
                                    

Chapter Twenty
One Night Stand

NILAGOK KO MULI ang lamang JD coke ng baso ko. Napapikit ako nang malasahan iyon.

"Wohooo!", sigaw nina Kish at Page.

"Let's dance naman!", yaya ni Faith matapos niya ring lumagok ng inumin.

Nasa isang high-end bar kami ngayon. Kaming apat na girls lang ang magkakasama. Nag-yaya kasing mag-girls night out si Page dahil nag-break na daw sila ng boyfriend niyang photographer at nag-aaway naman sina Faith at Owen ngayon which by the way, two years ng mag-on. Isa din iyon sa dahilan kung bakit wala ang mga boys.

Ayoko sanang sumama pero sasabihan na naman nila akong KJ at paniguradong raratratin na naman ako si Kish dahil ilang beses ko na silang tinanggihan sa tuwing nagyayaya silang mag-bar. At problemado nga ang dalawa naming kaibigan kaya pumayag na din ako.

Hinila ako patayo nina Faith at Page. Tamad akong sumunod sa kanilang tatlo sa dance floor. Nararamdaman ko na ang hilo ko. Kanina pa kasi kami umiinom. Pero binalewala ko iyon at sumabay sa sayawan ng mga kaibigan ko.

"Gaea, there's a hot guy behind you! Go, dance with him!", sigaw ni Kish sa akin para marinig ko dahil malakas ang tugtog.

Umiling ako. Hindi ako pumunta dito para sa mga hook ups. Kung gusto nila ay sila na lang.

"Come on, Gaea! Don't be so KJ! We'll find ours, too!", sigaw din ni Page.

Inirapan ko sila. Bago pa man ako mag-salita at sumagot sa kanila ay nagsitalikuran na sila para mag-hanap ng mga makakasayawan nila. Mahinang tinulak pa ako ni Faith palapit sa lalaking tinutukoy nila.

Naramdaman kong inalalayan ako ng lalaki sa mga balikat ko. Mabilis akong lumayo sa kaniya. Dammit! Ayoko talaga kaya naman minabuti kong bumalik na lang sa table namin at umupo sa couch. Nag-salin muli ako ng inumin at uminom doon.

Iinom na lang ako kesa ang makipag-hook up. Hindi ko maaatim iyon gayong nag-papaligaw ako kay Tyrone. Nakaka-guilty. Ang bait-bait pa man din ng tao.

"Hi, miss! Are you alone?"

Napatingin ako sa lalaking lumapit. Naka-suot siya ng puting longsleeves na nakatupi hanggang siko at nakablack pants.

"No. I'm with my friends. They're at the dance floor", sagot ko.

I don't wanna be rude kaya kahit ayoko siyang sagutin ay kailangan.

"Oh! Can I join you?", tanong niya ulit.

Mabilis akong umiling. "No, thanks."

Mabuti na lang at hindi na siya nagpumilit pa. Umalis siya matapos ko iyong sabihin at saka naman bumalik ang mga kaibigan ko na tawa ng tawa. I feel out of place. Kung bakit ba naman kasi ay madalas ko silang tanggihan sa mga lakad na ganito.

"He's so hot! Dammit!", dinig kong sabi ni Faith.

"Try mo 'yun, Page", tumatawa namang sabi ni Kish.

Naupo na silang muli sa mga upuan nila kanina. Naglagay sila ng mga inumin sa mga baso nila at nakipag-cheers bago lumagok.

"Hindi ka ba nag-eenjoy, Gaea? We told you to dance kasi e", pansin ni Page sa akin.

"Ayokong sumayaw kapag hindi kayo ang kasama ko", sagot ko.

"Ano ka ba, Gaea? Nasa dance floor lang din naman kami. We're with you!", sabi ni Kish.

The Unwanted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon