Chapter Eighteen
Congrats"WHAT ARE YOU doing here?!", galit na tanong sa akin ni Hunter nang makita akong nakaupo sa couch.
Pumunta ako dito sa condo unit niya para i-paalam ang balita sa kaniya. Since alam ko ang code at hindi niya naman pinalitan kaya nakapasok ako sa loob. Ilang beses ko na kasi siyang tinext pero hindi naman siya nag-rereply sa akin. Sinubukan ko din siyang tawagan pero kung hindi niya naman sasagutin ay papatayin niya kaya minabuti kong pumarito na lang.
Mabilis akong tumayo at lumapit sa kaniya. Ngumiti ako kahit na nakakunot ang noo niya at masama ang tingin sa akin.
"Kanina pa kasi ako nagtetext at tumatawag pero hindi mo naman sinasagot kaya pumunta na ako dito. Gusto lang kitang makausap, Hunter", marahan kong sabi.
"Kaya nga hindi kita nirereplyan at hindi ko sinasagot ang mga tawag mo ay dahil ayaw kitang makausap, Gaea. Don't you get the message?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?! Wala na din naman tayong dapat pag-usapan pa. We're done, Gaea!", mariin niyang sabi.
"Hindi, hindi 'yun, Hunter", sabi kong umiling pa.
"Then, what is it?! Sabihin mo na agad nang makaalis ka na!"
Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang mga luha ko. Mas lalo lang siyang maiinis kapag umiyak ako sa harap niya ngayon.
"B-Buntis ako, Hunter", lakas-loob kong sabi.
Lalong nangunot ang noo niya. "Are you fucking kidding me?! Ganyan ka na ba talaga kadesperada na kailangan mo pang gumawa ng ganitong kalokohan para lang balikan kita?!"
"Hindi kita niloloko! Hindi ko ito sinasabi para balikan mo ako! Totoo ang sinasabi ko, Hunter! Buntis ako at ikaw ang ama!", hindi ko na napigilang sigawan siya at marahas kong pinahid ang mga luhang umalpas sa mga mata ko.
"Fuck! No, fuck! No, Gaea! This can't be! Baka hindi ako ang ama — "
Hindi ko na siya pinatapos sa gusto niyang sabihin. Pinadapo ko ang kamay ko sa pisngi niya.
"Hindi ako ganung babae, Hunter! Sa 'yo ko lang binigay ang sarili ko! Ikaw lang! Kaya 'wag mo akong sasabihan ng ganyan! Kung ayaw mo sa bata, sabihin mo lang! Hindi ko naman i-pipilit sa 'yo!", naiinis kong sabi bago siya tinalikuran.
Mabilis akong umalis sa lugar na iyon. Naiinis ako kay Hunter pero mas naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako dahil hindi ko man lang magawang magalit sa kaniya at naiinis ako dahil umasa akong tatanggapin niya kami.
"Uy", mahinang siko sa akin ni Kish habang palabas na kami ng gate ng Univ.
"Ha?", tanong ko.
Dalawang araw na mula nang sabihin ko kay Hunter na buntis ako at hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala na hindi niya tanggap ang pagbubuntis ko. Akala niya din ay iba ang ama nito kaya hindi ko mapigilang mag-space out nitong mga nakaraan.
May nginuso sa akin si Kish. Agad kong sinundan iyon at nakita ko si Hunter sa tapat. Nakaparada ang sasakyan niya doon at nakasandal siya habang nakahalukipkip. Mukhang may hinihintay siya at inip na ang itsura niya pero gwapo pa din.
"Why is that jerk here?", tanong ni Kish.
Hindi ko siya nagawang sagutin dahil nagtama ang mga paningin namin ni Hunter. Agad siyang dumiretso ng tayo. Mabilis kong hinila si Kish paalis pero hindi ko inaasahan na susundan kami ni Hunter.
