TWO: CHANGE OF FATE

7 0 0
                                    

Cinnamon's point of view

Namulatan ko ang nag-aalalang mukha ni Coffee.

''Bessy,mabuti naman at gising ka na''

''Ay hindi bessy,tulog pa talaga ako at nananaginip ka lang na gising na ako''

''Talaga?''

''Naniwala ka naman!''

Minsan---ay hindi pala---- madalas talaga may magkashunga-shunga ang best friend ko.Kaya ang hirap mag joke at maging sarkastik pagdating sa kanya eh.Lahat siniseryoso!Maingat akong bumangon.

''Grabe ka talaga bessy!''-Coffee

''Ano bang nangyari?''

''Ako ang dapat magtanong niyan sa'yo bessy.Ano bang nangyari sa'yo at hinimatay ka?Mabuti na lang,may nakakita sa'yo''

Ako?Hinimatay?wait lang......

loading.........
loading.........
loading.........
*ting!*

''Oo nga pala!''

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko ang mga naganap.'Yong multo! oo 'yong kaluluwa ni Hershey!

WAAAAHHHH!!!!!!!!

Nasaan na siya?nandito kaya siya?

*tingin sa kaliwa* *tingin sa kanan*

''Anong nangyayari sa'yo bessy at parang namumutla ka?''

''Si... si Hershey!Nagpakita siya sa'kin kanina!''

''Hal'la bessy!napasama ata ang pagbagsak mo kanina...nauntog ka ba at nabagok?''she looks at me,worriedly.

''Bessy puwede ba kahit ngayon lang wag kang shunga?Hindi nabagok ang ulo ko,okay?.Maniwala ka,nagpakita talaga siya sa akin kanina!''

''Umamin ka sa'kin Cinnamon,nagda-drugs ka ba?''

Binatukan ko siya.

''Aray naman!''

''Umayos ka nga nagpakita talaga sa'kin 'yung ghost ni Hershey!''

''Di nga?''

Nasa mukha pa rin niya ang hindi makapaniwala.Well,hindi ko siya masisisi,ako nga din hindi makapaniwala!

''Naalala mo 'yung ikinuwento ko sa'yong nurse ni Grant Samonte?''

''Oo bakit?Di ba sabi mo may saltik 'yun at kahawig siya ni Hershey''

''Mismo!Pero hindi lang pala siya basta kahawig lang ni Hershey dahil siya si Hershey! ang ghost ni Hershey at nakikita ko siya!''

Umupo sa tabi ko si Coffee at sumiksik siya sa'kin.

''H-huwag mo akong tatakutin,bessy.A-alam mo namang d-duwag ako,di ba?''

''Hindi kita tinatakot.Nagsasabi ako ng totoo.P-Pati nga ako,n-natatakot..''

Sino bang hindi takot sa multo?Lahat naman ata takot sa ghost.Kahit gaano pa sila katatapang!Magtaas ng kamay ang hindi takot!

''N-Nandito b-ba s-siya?''bulong niya sa'kin habang todo-kapit parin siya sa uniform ko.

''H-Huwag kang mag-alala,wala siya dito.''

Tila nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko.Pati ako ay nakahinga din ng maluwag nang nowhere to be seen si Hershey the ghost.

''Bakit ba siya nagpapakita sayo,bessy?Hindi naman kayo close ah!''

''Ewan ko nga rin.Basta ang sabi lang niya sa'kin,kailangan daw niya ng tulong ko.''

my cupid ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon