Cinnamon's point of view
"Ano nga uli ang ipinunta mo dito? Para kasing mali ang pagkakarinig ko eh."-Grant
I sighed."Ang sabi ko kaya ako nandito dahil gusto kang makausap ni Hershey gamit ako as a medium"
"As in 'yung ano...."nasa mukha pa rin ni Grant ang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.
"Yes as in ipo-possess niya ako para magkausap kayo."
Kung batukan ko kaya siya para maniwala siya sa akin? On the second thought,wag na lang. Baka masaktan siya. Pasalamat 'tong lalaking 'to,missed ko siya ng bongga kundi nasipa ko na siya sa mata.
"Is she here with us?"-Grant
Lumingon-lingon pa siya sa paligid na para bang makikita din niya ang ghost ni Hershey. Siguro,gustung-gusto na niyang makita si Hershey. Tumingin ako kay Hershey. She nodded to me.
"Oo nandito siya."
"Where?"-Grant
"Sa likuran mo."
Lumingon naman si Grant sa likuran niya tapos tumingin uli siya sa akin.
"I can't see her. Are you sure that she's here?"-Grant
"Hindi mo talaga siya makikita dahil wala kang six sense tulad ko. And I am sure that she's here. Hanggang ngayon ba naman pinagdududahan mo pa rin ako? I really can see her."
"Anong gusto niyang sabihin sa akin?"-Grant
"Aba malay ko?" Tiningnan ko si Hershey "Ano na daw?o kung gusto mo sumanib ka na sa'kin para matapos na 'to."
"Before that,there's someone who wants to talk to you,Cinnamon."-Hershey
"Sino?"
Lumitaw mula sa kawalan ang kaluluwa ng isang taong hindi ko inaasahang makikita ko pa pagkatapos ng halos tatlong taon.
"Cinnamon..."
"Vox?! Bakit nagpakita ka pa sa'kin?"
Ngayong nasa harapan ko na si Vox...bakit gano'n? Bakit parang hindi ko na makapa ang galit sa puso ko para sa kanya?
"Cinnamon, I know that you still mad at me. Maniwala ka,wala namang basehan ang galit mo para sa'kin eh. If you just let me explain my self to you."-Vox
"Bakit ngayon lang,Vox? Pagkatapos ng halos tatlong taon,ngayon mo lang naisipang magpaliwanag?"
"Dahil sa loob ng tatlong taon ay may invisible na harang sa puso mo.Dahil doon,hindi ko magawang makatawid sa kabilang mundo."-Vox
I sighed."Matagal ko ng pinangarap na makita kita uli.Gusto kasi kitang sumbatan,murahin at patayin dahil sa galit na nararamdaman ko pero ngayong nasa harapan na kita...hindi ko magawa.Marahil ay tinunaw at pinaghilom na ng panahon ang sugat na nilikha mo sa puso ko."
"Hindi panahon ang tumunaw sa galit mo,Cinnamon,kundi panibagong pag-ibig"Sumulyap pa si Vox kay Grant.
Napatingin din tuloy ako kay Grant na tahimik lang at tila nakikiramdam sa mga nagaganap.Napatingin din siya sa akin.
"Why?What's happening,Cinn?"-Grant
He looks confused.Ikaw ba namang makasaksi ng taong nagmomonologue sa harap mo,hindi ka rin kaya malito?
"Believe me,Cinnamon please.Hindi kita kailanman niloko."-Vox
"What do you mean?"
Hindi ko pinansin ang tanong ni Grant.I will deal him later.Kailangan muna naming magkalinawan ni Vox.
![](https://img.wattpad.com/cover/23829930-288-k523365.jpg)
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romansado you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...