Cinnamon's point of view
''Bessy!!!''
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.Papalapit na sa kinauupuan ko si Coffee Marquez---my one and only best friend.Since elementary ay kakilala at magka-klase na kaming dalawa at ngayong parehas na kaming college ay magka-klase pa rin kami.Parehas kasi kami ng pinasukang university--ang St. Valentine University at syempre parehas kami ng course which is fashion designing.Graduating na kami ngayong taon.O diba bongga?
Oo nga pala,Ako si Cinnamon Esguerra,19 years old.Nagtataka ba kayo kung bakit weird ang pangalan ko at ng aking pinakamamahal na bessy?Tanong n'yo kay author kung bakit.At mapapansin n'yo dito sa story na 'to na hindi lang kami ang may weird na names at mapaghahalataan ding matakaw ang siya dahil halos lahat ng names dito ay related sa pagkain hahahaha,syempre joke lang.According to my parents,pinaglihi daw ako sa Cinnamon rolls at tinatanong n'yo pa ba kung saan pinaglihi ang bessy ko?yes,you're right..pinaglihi nga po siya sa Coffee according kay Tita Vanilla--my bessy's mom.
''oh?problema mo?''-ako
''Narinig mo na ba ang balita?''
Umupo siya sa katapat kong upuan.Nandito pala kami ngayon sa official tambayan naming dalawa.Nasa likod siya ng building namin at may concrete picnic set na nalililiman ng mga naglalakihang puno sa campus namin.Kaya ang sarap talagang tumambay dito.Hindi maingay at presko pa.
''Ano namang balita?''
itinuloy ko na ang ginagawa kong assignment na naudlot dahil sa biglamgm pagdating ni Coffee.i need to finish it before our vacant period ends.Mas interesado ako sa sasabihin ng prof. namin kaysa sa sasabihin niyang chismis.
''Si Hershey Ramirez...dead na.''
Napatigil ako sa pagsusulat sabay tingin sa kanya.Kilala ko kung sino ang tinutukoy niya.Well,lahat naman ng student sa university namin ay kilala si Hershey.Hershey Ramirez is the most beautiful girl in our campus and crowned as 'Miss St. Valentine University' for three consecutive years at malamang na siya uli sana ang mananalo ngayong taon.Girlfriend siya ni Grant Samonte who also crowned as 'Mr. St. Valentine University' for three consecutive years.Because of that he was coined as 'The Ultimate Heart throb' ng university namin while Hershey was coined as 'The Ultimate Goddess'.
''Ha bakit?i mean anong cause of death?Wala naman akong nabalitaang may malala siyang sakit or something.''
''Car accident.Pauwi na daw sila sa Manila galing sa Tagaytay nang mangyari 'yung aksidente.Si Grant daw 'yung nagda-drive.Ayun hanggang ngayon nasa hospital parin siya pero si Hershey dead on arrival na daw.''
''Nakakaawa naman''hindi ko man sila kilala personally ay nalulungkot pa rin ako sa nangyari sa kanilang dalawa.
''Oo nga bessy.Ang balita ko pa hanggang ngayon hindi parin matanggap ng family niya 'yung nangyari.Pero ang mas nakakaawa ay si Grant.Baka daw hindi na siya makakalakad uli.''
Natahimik ako.Nakakaawa nga.Sayang ang guwapo pa naman niya at napakabata pa para makulong sa wheel chair.Ano kayang nararamdaman niya ngayon?Malamang hindi niya matanggap ang kalagayan niya.
''Bessy...ano ba 'yang sinusulat mo d'yan at parang busy-busyhan ang beauty mo?''
Pinandilatan ko ng mga mata si Coffee.''Assignment po natin para sa next subject natin.Huwag mong sabihing nakalimutan mo?''
''Ha?May assignment tayo?''gulat na gulat ang hitsura niya dahil sa sinabi ko.
Tinampal ko ang noo niya.
''Aray naman bessy!''-Coffee.
''Ayan kasi kung kani-kaninong buhay ang pinapakialaman mo.Wala ka tuloy kaalam-alam sa sarili mong buhay.''
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...