FIVE:"HINDI KO ALAM KUNG PAANO MAGSISIMULA..."

15 0 0
                                    

Cinnamon's point of view

''Bakit ba hindi mo pinaniniwalaan ang mga sinasabi ko?Nagsasabi ako ng totoo,Grant.''

Pinigilan ko ang inis na nararamdaman ko para sa kanya.ilang araw na akong bumubuntot kay Grant pero hindi parin niya ako pinpapansin,pinapakinggan at pinaniniwalaan.

''LEAVE ME ALONE!!!??''

''Pero Grant! pwedeng huminto ka muna para pakinggan man lang ako?''

''I DON'T CARE!''

Imbis huminto ay patuloy lang niyang pinapagulong palayo sa akin ang kanyang wheel chair.Talagang sinusubukan niya ang kulit powers ko ah!

''Kailangan mo lang namang magkaroon ng bagong girlfriend,mahirap ba 'yon?''

''Hindi na ako magmamahal ng iba kaya tigilan mo na ako.''

Saglit akong napahinto sa paghabol sa kanya.Nakaka-inggit talaga si Hershey.Napaka suwerte niya dahil natagpuan niya ang taong tunay na nagmamahal sa kanya bago siya nawala at hanggang ngayon ay patuloy parin siyang minamahal.Hinabol ko uli si Grant.

''Pero Grant,maniwala ka naman sa---''

''Hindi ako naniniwala at kahit pa naniniwala ako sa'yo,tingin mo,sinong matinong babae ang magmamahal sa tulad kong lumpo,ha?''

Wow!Ang bitter ng lolo mo!.''Gwapo ka parin naman hanggang ngayon,ah?'im sure marami pa ring babae sa campus natin ang may crush sa'yo kahit...nagkaganyan ang mga binti mo at isa pa---''

''Is that Grant?''-girl extra 1

Natigil ang litanya ko nang may dalawang babaeng dumaan sa tabi namin.Nasa quadrangle na pala kami napapadpad dahil sa pakipot na 'to!

''Yes that's him.Sayang crush ko pa naman siya kaso lumpo na siya.''-girl extra 2

''So pathetic!''-girl extra 1
Sabay pa silang tumawa bago umalis.Pigilan n'yo ako,sasabunutan ko ang dalawang 'yun!May dumaan na namang mga babae sa tabi namin.

''Look! may kasamang girl si Grant.''-girl 1

''Kawawa lang siya,dahil baka siya na ang susunod na mapahamak nang dahil sa pagsama-sama niya kay Grant.''-girl 2

Naikuyom ko ang kamao ko sabay irap sa dalawang echuserang babae!Bakit ba kailangan pa nilang magparinig eh dadaan lang naman sila at dakilang extra sa story ko.Kung putulin ko kaya ang mga dila nila?

May dalawa na namang babae ang nagstop-over pagkakita sa'min ni Grant.Pagbubuhulin ko na talaga ang mga dila nila kapag nakarinig na naman ako ng mga panlalait nila kay Grant! sige subukan talaga nilang magbulungan na abot naman sa kabilang dulo ng campus sa sobrang lakas!

''Si Grant oh,pagkakataon mo na sis!Di ba crush na crush mo siya?''-girl 1

''Excuse me dati 'yon no?pero ngayong lumpo na siya,hindi ko na siya gusto.Hindi ko kailangan ng isang lalaking walang silbi.Ayokong magkaroon ng alagaing boyfriend.Tara na!''-girl 2

Sumusobra na talaga sila!Napatingin ako kay Grant.His face is grim.Sino nga naman ba ang matutuwa kapag harap harapan kang kinukutya ng mga tao?

''G-Grant...''

''NGAYON MO SABIHIN SA AKIN ANG MGA SINABI MO KANINA?!!!''

Napaatras pa ako nang tumutok sa akin ang mga nanlilisik na mata ni Grant.Feeling ko ay lulunukin niya ako ng buhay!Grabe naman kasi ang mga babaeng 'yon mga extra na nga lang sila puro pa panlalait ang bukam-bibig nila.

''C-Cool ka lang Grant.Hindi naman lahat ng mga babae sa campus natin ay katulad ng mga babaeng 'yon.Wala pa nga silang 0.001% ng population ng SVU''

my cupid ghostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon