Cinnamon's point of view
"Nasaan na ba siya?"
Nagpalinga-linga ako habang marahan na naglalakad sa kahabaan ng Manila bay.
"Kung bakit naman kasi hindi niya sinabi kung saang banda kami magkikita eh. Saan ko siya hahanapin ngayon?"
Naramdaman kong may nabangga akong kung ano.
"So---Grant!"
"Cinnamon? Kanina pa kita hinahanap"-Grant
"Ano bang sasabihin mo sa'kin?"- we said in chorus
"Eh? Wala akong sasabihin sa'yo,ikaw ang may sasabihin sa akin,diba?"-ako
"Ha? No,ikaw ang may sasabihin sa akin kaya mo ako pinapunta dito"-Grant
"Pero...ikaw ang nagpapunta sa akin dito"-ako
"Hindi kita pinapapunta dito" halatang nalilito na siya
Ako din naman ah? Nalilito sa mga nangyayari,oo nga pala!
"Wait!" Inilabas ko mula sa bulsa ko ang card na ibinigay niya sa akin."Here"
Kinuha naman niya ang card pero agad din niya iyong ibinalik sa akin. Pagkatapos ay dumukot din siya sa sarili niyangbulsa bago iniabot sa akin ang isa ring card.
"Here"-Grant
Kinuha ko 'yon. Ang nakasulat sa card ay katulad din ng card na hawak ko. Ngunit imbis na Grant,pangalan ko ang nakalagay sa card.
"Ikaw ang nagbigay niyan,hindi ba?"-Grant
"Imposible,hindi ako ang nagbigay sa'yo nito."-ako
"Hindi rin ako ang nagbigay ng card na dala mo"-Grant
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa card na hawak ko.
"Kung hindi tayo,sino? Huwag mong sabihing...pinaglaruan tayo ng kung sino"
Nagkibit-balikat si Grant bago siya tumanaw sa dagat.
"Look!"-Grant
Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya. Namumula ang dagat dahil sa malaking bilog na bola ng araw na papalubog na. At kahit nakita ko na minsan ang tanawing iyon dati ay namangha parin ako.
"Beautiful..."-ako
"Yeah,very.."-Grant
Nilingon ko si Grant. He looks so amazed by the sunset.
"Gusto mo bang lumapit?"-ako
He nodded. Itinulak ko ang wheel chair niya palapit sa gilid. Umupo ako sa gilid at hinayaan kong nakabitin pababa ang mga paa ko. Katabi ko si Grant. Umihip ang malamig na simoy ng hanging panggabi. Ber month na kaya malamig na talaga.
"Are you cold?"-Grant
"Hindi naman masyado"
Naramdaman ko ang pagsampay ng jacket sa mga balikat ko. Napalingon tuloy ako kay Grant. Ang kaninang suot niyang jacket ay isinuot na pala niya sa akin.
"Gamitin mo muna"-Grant
"T-Thanks..."Nanuot sa pang-amoy ko ang mabangong cologne mula sa jacket ni Grant.
*dugdug* *dugdug* *dugdug*
Naibalik ko ang paningin ko sa papalubog ng araw. Nangangalahati na 'yon. Pasaway naman 'tong heart ko,tumitibok na naman ng mabilis!
Teka lang... ako lang ba o talagang nangyari na ang ganitong eksena sa akin dati? Parang noong...ipinilig ko ang ulo ko. Hindi naman siguro
BINABASA MO ANG
my cupid ghost
Romancedo you believe in ghost? me,i don't ghosts,dwarfs,fairies and such elements are just a product of one's imagination to entertain or what ever purposes they have. that's one of my beliefs in life.... until i met her..... and yeah,she's a ghost.. but...